Ako ay tutula
Tula kung saan ang lahat ay nag simula
Nagsimulang magbago dahil siya ay nawala
Nawala dahil siguro siya'y nag sawa naMasasayang araw noong tayo'y magkasama
Lahat iyon naglaho simula nung ika'y nawala
Ako'y nawasak at tuluyang lumuha
Sa iyong sakit na dinulot ng 'yong pagkawalaNgayon ikaw ay masaya na,
Habang ako'y miserable at nasasaktan pa,
Oo patuloy parin akong nag luluksa
Siguro nga tama sila na hindi tayo para sa isa't isaNgunit ako'y patuloy na umaasa
Umaasa na ika'y babalik pa
Kahit na nanggaling na mula sayo
Ang mga katagang nag pawasak sa puso ko
Hindi ko parin tanggap na ika'y nagsawa
Alam kong ako na ang pinaka tanga
Pero wala akong pake dahil sobrang mahal kita
Hayaan mo lang akong mahalin ka kahit masaya ka na sa iba-----------------------------------------------------------
Wag nyo na po laitin ha? Alam ko naman pong corny na yung tula :((( kahit walang mag basa nito itutuloy ko pa rin gumawa ng tula :)Feel free to vote at comment po :)
Kung may suggestions po kayo message or comment nyo lang po ttry ko pong gawin :)
Yung lang po salamat!
Ms. C 💋