Aso't pusa

1.1K 2 0
                                    

Pusa at aso
Tila ikaw at ako
Di matapos tapos na gulo
Masakit na sa ulo

Tayo pa ba'y nag mamahalan
O biktima nalamang ng kasalanan?
Kasalanang hindi malutasan
Tila wala na akong nararamdaman

Ito ba ay may patutunguhan pa
O dapat bang tapusin na?
Gusto ko ng sumuko
Pero tila 'di ko kayang mawalay sayo

Ano ba ang dapat nating gawin
Isusuko na ba o itutuloy pa rin?
Ako'y naguguluhan na
Huwag mo naman sana akong pahirapan pa

Tayo pa ba ay masaya o may kulang
O sadyang napipilitan nalang?
Sa relasyong binuo ng ilang buwan
Bakit napakadali mong panghinaan?

Hindi ko akalain na aabot tayo sa ganito
Ngunit heto na nga tila tayo pusa at aso
Away dito away doon
Hindi ba pwedeng bumalik tulad noon

Masaya lang at walang problema?
O baka naman may iba ka na talaga?
Kaya pa ba o tama na?
Siguro nga hindi tayo para sa isa't isa

Kailangan nalang nating tanggapin
Kahit pa ito'y hahanap hanapin
Wala naman tayong magagawa
Hanggang dito nalang siguro paalam na

-----------------------------------------------------------

Ako mismo no comment sa tula ko huhu feel ko kasi wala talagang dating / panget :(((( okay bawal laitera sa tula ko pero ako mismo yung lumalait hayyy ewan ko ba :( sa susunod po pag eeffortan ko na ng doble promise! :))))

Votes and comments po? Hehe mwa :*

Ms. C 💋

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon