Elementary moments

41 2 3
                                    

Hi guiz :) tuloy ko yung story kahit na konti palang yung views :)

Hello sa nagbasa na :)
Sa mga hindi pa :) welcome kayo to read this story :) thanks guiz!

Ps: lahat ng pics :) ako po yan :) letche kasi story ko to eh! Kaya dpat Picture ko nakalagay :) HAHAHA!!! Love u guiz!

Lahat nman siguro tayo eh. Napaka tino nung Elementary tayo! Super duper ang babait pa naten nun :) yung tipong School at bahay lang umiikot yung weekdays mo! HAHA :) tapos may oras lang yung Laro mo at pag gamit ng gameboy. 90's baby kasi ako kaya nung elementary ako masaya na ako sa PAPER DOLLS, TAMIYA, YOYO, JOLEN, tska GAMEBOY.. Hahaha :) lahat ng yan uso nuon :) kaya nung panahon namen eh. Sobrang mura pa ng mga laruan yung tipong iiyak kpa kpag may nawala or nabawasan :)

Kaway sa mga nakaka relate :)

So from grade 1-5 ako mdyo matino pa ako :) wala akong alam na kalokohan :) hndi pa ako nagsisinungaling at higit sa lahat Honor student pa ako :) kasi nga focus ko lang nun eh. mag aral ng Mag aral :) bawal makipag friends :( dahil kapag nalaman ng lola ko na nakikipag friends ako sa school eh. Panigurado lagot ako :(

When i was in Grade six. grabe sobrang laki ng Pinagbago ko :) nagkaroon kasi ako ng mga kaibigan. At dahil sa sobrang sabik ako magkaroon ng Kaibigan. Eh kung sino sino na lang kinakaibigan ko. As in wala na akong idea at hndi ko na din naiisip kung Good or bad influence ba sila saken :( dumating sa point na Natututo na ako mag sinungaling, hndi na ako nakakapag focus sa mga lessons ko at nawala na din ako sa pagiging honor student :(

Yung mga friends na nakilala ko, madalas nila ako yayain sa may Balic-balic sa bahay ng classmate ko.

Syempre dahil strict lola ko at alam kong hndi ako papayagan kapag nagpaAlam ako. Ang ginagawa ko eh magsisinungaling ako na kunyari may group project or may practice. Lahat na ata ng pwede i valid reason eh ginamit ko na para lang makasama sa barkada :)

Everytime na sasama ako sa kanila, madami akong bagay na natutunan na sobrang mali at hndi gawain ng bata. At dahil nga sa ayaw kong mawalan ng friends at ayaw kong i bully nila ako
Eh nakikisabay ako sa kanila.

Grade six plang ako at 11years old.
Marunong na akong Manigarilyo at uminom ng alak. Lahat ng yan ay tinuro nila saken...
Sila din nagturo saken paano makipag Halikan pero ang tawag nila nuon sa halikan ay " LAPLAPAN ".
They also teach me how to play card games. Like PUSOY, TONGITS. And yung sa coins na KARA KRUS ba yun? Sobrang dami kong naranasan sa kanila at dumating sa point na natatakot na ako...

One day. Nagkasakit ako at na confined sa isang private hospital sa may espana. Dahil madalas akong may ubo at madalas din sumakit yung tummy ko. Then my Grandma found out na kaya ako nagkakasakit kasi yung baon ko eh hndi ko kinakain at may nagsumbong sa lola ko na nag yoyosi ako at umiinom sa labas ng school!

Grabe.. Sobrang nagalit ang lola ko. Lalo na ang mom ko na nasa taiwan nung mga panahon na yun...
Sinabi ko at inamin ko ang totoo na nababarkada ako at kaya ko sinusunod mga utos ng friends ko kasi ayaw kong mawalan ng friends at natatakot din ako na pagtulungan nila ako kapag iniwasan ko sila...

Pumunta ang lola ko sa school and pina guidance yung mga Old friends ko at gumawa kame ng kasunduan na hndi na sila pwede lumapit saken.
Napalipat din ako ng section at pinagbawalan na ulit ako ng lola ko at mommy ko na makipag kaibigan...

Then. Kinausap nila ako na. Pinapatawad daw nila ako at binibigyan nila ako ng Chance para magbago at patunayan sa kanila na karapat dapat akong pagkatiwalaan ulit.

Kahit na sobrang na dissapoint sila sa mga nagawa kong kasalanan still binibigyan nila ako ng chance para magbago. Although nahihirapan ako na patunayan sa kanila na nag babago na ako eh. No choice ako consequence yun ng kasalanan at pagkakamaling nagawa ko...

Kung iisipin naten. napaka higpit talaga ng mga Parents natin. Pero sometimes may reasons pala bakit sila ganun saten.

Hindi lang pala basta basta yung mga bagay na pinagbabawal nila. Yung mga sermon nila na paulit ulit na nakakairita sa tenga naten. May mga pakinabang pala yun saten habang tumatanda tayo.

Nakakairita, nakakainis at minsan pa dumadating sa point na galit na galit tayo sa bawat sermon, bugbog at palo na nararanasan naten sa mga kamay nila. Pero kung uunawain naten eh may advantage at may malaking ambag sa bawat pahina ng buhay naten yung mga bagay na ginagawa nila para saatin! Pero dahil nga sa murang edad natin at mga bata pa tayo . Hndi pa natin naiintindhan ang mga bagay bagay.

Ang alam lang kasi natin ay gawin ang mga gusto natin na sa paningin natin ay tama. Kayat sa tuwing tayo ay mapapagalitan at masasaktan. Ay puros galit ang ating nararamdaman.

Hi! Guiz :) thank you sa pag basa sa bagong update ko na story :) madami pa akong revelations sa next chapter mas madami pa akong ishashare sa inyo na mga nagawa ko sa buhay ko na ngaun ay pinagsisisihan ko na :)

Sana subaybayan nyo parin yung story ko! :)

Ps: vote po kayo and comment :)

Beautiful outside but Empty insideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon