Chapter 1
Dana's POV
“Dana, flowers for you.”
“Dana, pwede bang manligaw?”
“Dana, Ang ganda mo.”
“Dana, mahal kita.”
Dana! Dana! Dana! Letche puro na lang Dana. Naiirita na ako sa mga lalaking to. Araw-araw na lang ba puro Dana bukambibig nila? -_- At lapit pa ng lapit. Kung pagsisipain ko kaya sila? Buti sana kung si crush yung nalapit sakin kaso hindi eh. :( Hays.
Hi readers! Ako nga pala si Dana Andrea Cortez, Dana na lang for short.18 years of age, Maganda, Matalino, Mabait lahat na ng positive traits ng isang tao na sakin. Joke! Nag-letche nga ako kanina di ba? So konting mabait lang ako. Moody akong tao. Madali lang akong mairita sa mga bagay-bagay lalo na pag-ayaw ko specially sa mga maiingay. Syempre sino bang matutuwa pagmay-maingay sa paligid mo di ba? Lalo na pagkailangan mo talaga mag-concentrate or mag-focus sa isang bagay.
“KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!”
“”Nandyan na si Raven!”
“Raven, ang gwapo mo!”
“Raven, akin ka na lang.”
“KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!”
Walangya! Kakasabi ko lang ayoko sa mga maiingay di ba? Pero wait. Raven daw! KYAAAAAAAAAAAAAHHH! Pero syempre sa utak ko lang yan sinigaw. Hindi ako showy na tao, balik tayo kay Raven.
Raven Kim Velasco, Raven siya kung tawagin. H'wag mo siyang tatawaging Kim, ayun kasi ang tawag sa kanya ng family niya. Pano ko nalaman? Syempre siya ang crush ko! Stalker niya ko no este Admirer pala sabi kasi nila pang-pangit daw ang stalker eh. 19 years old, Gwapo, Matalino, SUPLADO at WOMAN-HATER. Pano na ko nito kung Woman-hater siya di ba?! Hindi pa nga ako nagsisimula ganito na agad. Hay! Hanggang tingin na lang ata ako sa kanya pero teka! Dadaan siya sa harapan ko! Wait. Wait. Kalma lang Dana. Kalma. Dadaan lang siya.
Dadaa---Syet! Syet na lang ang masasabi ko. Nagkatitigan kasi kami. Dana h'wag kang hihimatayin. Relax lang. Ngiti Dana. Ngiti! Act cool. H'wag magpahalata. :)
Ay di man lang pinansin yung ngiti ko. :( Sabagay, suplado nga pala yun.
“Ang ganda ni Dana pagnaka-ngiti.”
“Ha! Inisnob siya ni Raven.”
“Feeling kasi. Hihihi.”
“Hoy di siya feeling no. Mas maganda pa nga siya sayo eh. Pangit mo naman, hipon!”
At maraming pang-iba. Mga chismoso at chismosang to. Masama ba ngumiti?! Tinignan ko nga sila ng masama. --, Ayun tumahimik. Makapasok na nga.
--
Okay. First Chapter! Try lang naman. :) Sorry sa mga badwords kasama talaga yan sa story hindi yan mawawala. ^_^
xoxo <3
![](https://img.wattpad.com/cover/9817005-288-k1ac478.jpg)