Chapter 4

41 5 0
                                        

Dine-dedicate ko po sayo ito dahil gustong-gusto ko po ang Story mong 'Demogorgon's Dark Angel' at natuwa po ako sa comment mo. :) Sana po magustuhan mo.

~ xoxo

Chapter 4

Dana's POV

Alam mo yung feeling na nagising ka kasi nagugutom ka? Paksyet. Di ako ginising ni Mama. Oo, umaga na at ang aga kong nagising.  Baba na sana ako para kumain kaso nakita ko itsura ko sa salamin. Paksyet ulit. Ang ganda ko talaga kahit bagong gising. Sige lang, Dana. Puruhin mo lang sarili mo. Ang ganda-ganda ko talaga pero bago ako bumaba maliligo muna ako at mag-aayos ng sarili.

May pagka-maarte din kasi tong si Mama eh. Kailangan lagi kang nasa ayos ganto, ganyan. Di ba? Ang daming ek-ek churvalo kahit nasa bahay ka lang naman pero kahit ganon si Mama mabait pa din siya. Talagang istrikto lang.

Eto na ko. Pababa ng hagdanan. Ang bilis ba? Kung inaakala niyong mabilis pwes, HINDI. 1 hour akong maligo. Minsan nga umaabot pa ako ng 1 hour and 30 minutes. Kaya eto gutom na gutom na talaga ako.

“Good morning Ma!” Sabay kiss sa pisngi nya.

“Oh, bakit ang aga mo naman? 6 am palang ah?”

Nagulat ba kayo? Oo maaga pa ang 6 am sakin dahil mga 6:20 am ako bumababa ng kwarto ko para kumain. Saktong-sakto ba? Ganon talaga. Maganda kasi ako eh.

“Maaga akong nagising Ma eh. Di mo ko ginising kagabi para kumain *pout* Gutom na gutom na tuloy ako.” Sige magpa-awa ka pa Dana.

“Gigisingin sana kita 'nak kaso ang himbing ng tulog mo eh. Pagod na pagod ka kaya hindi na kita ginising. Oh sya, paghahanda na lang kita ng paborito mo.”

“Sige na nga Ma.” Hihihi. Syempre paborito ko yon. Aangal pa ba ako?

Tinatanong mo kung ano yung paborito ko? Walang iba kundi tentenenen, Spaghetti!

After 5 minutes nakahanda na yung mga kakainin.

*Q* Itsura ko yan nung naamoy at nakita ko yung spaghetti. Syet. Amoy pa lang.

“Hmmmm.”

*nom nom nom nom nom nom*

*mahinang dighay*

“Excuse me.”

Syempre prends nasa harap ko si Mama no at may manners ako. Ayoko ngang mabato ng kutsara.

“Ma, pasok na ako. 6:45 am na din eh.”

“Ganon ba 'nak. Sige ingat ka.”

“Yes Mom. Love you! Mwah! :*”

So eto na nga lalayas na ko. Lol. What a term. Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo 15 minutes lang ang biyahe from bahay to school. Malapit-lapit lang naman kasi eh kaya pwedeng lakarin pero dahil nga may KAYA naman kami at binilhan din ako ni Mama ng kotse edi nagkokotse na lang ako. Marunong naman akong magdrive eh.

Nagtataka ba kayo wala akong nababanggit na Dad or hindi man lang nabanggit ang Daddy ko dito? Wala. Nasa ibang bansa at inaasikaso ang business namin. Siguro next week nandito na din siya. Alam ko namang uuwi agad yun eh. Syempre di non maiiwan si Mom ng matagal super mamimiss niya yon eh.

Eto na ako at papalabas na ng kotse ko at eto nanaman tong mga lalaking to. Sinamaan ko nga ng tingin, lalapit pa eh. Ang chaka naman ng pagmumukha. Harsh ba? Ganyan talaga ugali ko. Nakakairita kasi eh.

Uy syet si Raven! Pero hindi nga ako showing tao di ba? Sa totoo lang sila Kaye at Celine lang ang nakakaalam na may crush ako kay Raven. Tsaka crush lang talaga yun. Hindi naman ako katulad ng mga babae dyan na nagpapakabaliw na. Syempre nandito ako sa school, aral talaga ako. No more, no less.

Hindi ako ganon para maging baliw kay Raven at sino bang hindi magkakagusto sa kanya di ba? Ang gwapo niya kaya. Wala din sa isip ko ang magkaroon ng lovelife kaya talagang study ang priority ko.

Kahit naman ayaw ko talaga sa kurso ko ayaw ko namang bumagsak. Gusto ko maging proud sakin sila Mom and Dad kaya hangga't maari wala munang lovelife. Perwisyo lang kasi yon. May problema na nga ako sa pag-aaral dadagdagan ko pa ng problema ng lovelife.

Ayoko ngang mamatay ng maaga tapos nakasulat sa newspaper DALAGA, NAMATAY DAHIL NAMOMOBLEMA SA LOVELIFE Ang OA di ba? Ang nakalagay dapat mga ganito, “DALAGA, NAMATAY DAHIL SOBRA-SOBRA ANG KAGANDAHAN” Oh di ba? Edi natuwa pa ko dahil maganda pa din ako kahit namatay ako. Pero syempre joke lang yon. Ayoko pa mamatay no. Unahin niyo na lang ang mga ambisyosa dyan.

“KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!”

“Ang hot mo Raveeeeeeenn!”

“Raven, akin ka lang!”

Ang O-OA talaga ng mga tao dito. Sinilip ko lang si Raven. Pagkatapos non umalis na din ako agad baka ma-late pa ako sa klase ko eh.

“Hmm. Ano bang klase ko ngayon? Teka.” Sabay tingin sa schedule ko.

“Math?! Building 2 Room 124” Mukhang duduguin agad ngayong umaga ang utak ko ah.

Dahil nga wala ako sa focus may nabangga ako.

“Ouch!”

“Hala. Pasensya ka na hindi kasi ako nakatingin eh.” Pag-angat ko ng ulo ko. Paksyet. Si Raven pala nabangga ko.

“Nako pasensya na talaga.” Pano kasi tinitignan niya ako. Nakakatakot kaya, lakas maka-poker face eh. Wala man lang karea-reaksyon ang mukha. -___- Inborn siguro ang pagka-poker face nito.

Wala naman na siyang sinabi basta na lang siyang lumayas sa harapan ko. Ganon-ganon na lang?! Bastusan?! Pero okay lang. Ganun nga pala yun at kasalanan ko naman. Inferness, gwapo ni Kuya kahit puro poker face. Lol.

Ayan ka nanaman, Dana. Tumigil ka na, okay? Aral na.

Hay nako. Hindi ko na siya inintindi, may klase pa ako eh. At late na ako!

“Patay na ako nito!” H'wag lang sanang terror ang prof. ko don.

Nakarating na ko sa room ko ng hingal na hingal. Putek mamatay ako nito eh. Hinga muna Dana. Hinga.

Breath in. Breath out.

*Knock knock*

“Good morning Ma'am!”

Ay syete. Wala pa pala yung prof. namin. Ang lakas pa ng pagkakasabi ko non. Tapos itong mga blockmates ko kung makatawa akala mo wala  ng bukas. Sinamaan ko nga ng tingin.

Hindi ko naman alam no! Dahil lahat ng bintana dito sa school namin may kurtina at nakasarado lahat ng bintana dahil may aircon ang bawat classroom dito. Yes. Maitutulad mo sa mga Elite University ang school namin.

Pero hindi naman mahal ang tuition dito katulad ng mga nasa Elite Schools mga nasa 5-20k lang at depende pa din iyon sa kursong kinukuha mo.

Dumiretso na lang ako sa seat ko at nagbasa-basa.

May crush ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon