Chapter 2

68 5 2
                                    

Request tong chapter na to. Hahahaha! Dapat kasi sa susunod pa yung UD kaso bitin daw yung mga kaibigan ko. xD

***

Chapter 2

Dana's POV

Blah blah blah blah blah. Putakte. Walang napasok sa utak ko. Hindi ko maintindihan pinagtuturo ni Mr. Cruz. -_-

Teka! Nasabi ko na ba sa inyo kung saan kami nag-aaral ni Raven my love? Sa L.U. kami nag-aaral, Lee University. (Walang maisip prends. Sensya na. XD) Parehas na Business Ad ang course namin ni Raven at dahil parehas kami ng course magkatabi din kami kaya nga walang napasok sa utak ko eh. Joke! Hindi ako ganon. Kung aral, aral. Landi kung landi. XD Kaya lang walang napasok sa utak ko dahil naboboring na ko. Nakakaantok kaya magsalita tong si Mr. Cruz. Akala mo nag-dadasal sa sobrang bagal eh. Pero syempre nirerespeto ko yan, may galang naman ako sa matanda no. Sadyang nababagalan lang talaga ako.

Balik tayo kay Raven. Eto katabi ko siya. Walang man lang kaemo-emotion mukha nito. Laging naka-poker face. -__- Di ko nga alam kung bakit ako nagkagusto dito, eh hindi naman ako mahilig sa lalaki. Siguro kasi hindi siya katulad ng ibang lalaki. Yung bang nanloloko, pinapaasa mga babae, mga ganon. Ang tanga ko. WOMAN-HATER nga pala to. Bakit pa ko magtataka di ba? Pero I can feel it. Nakausap ko na kasi siya one time lang, nabunggo ko siya non. Magaling akong mag-observe sa kapaligiran ko at alam ko agad ang ugali ng mga tao kahit once ko pa lang sila nakausap.

Oo nga pala, may dalawa akong kaibigan dito pero hindi naman Business Ad ang course nila kaya minsan lang kami magkasama-sama. HRM at Fashion Designer kasi ang dalawang yon dapat nga Medic (Doctor) kinuha ko kaso lang nag-iisa lang akong anak tapos may business kami. Ano ine-expect mo di ba? Syempre ako daw tagapag-mana ek-ek churvalo. Ayoko kaya sa business world! Mga sugapa sa pera mga tao don, ang paplastik pa kaso wala naman akong magagawa kaya kahit ayaw ko eh dito pa din bagsak ko.

“Class dismissed. Ms. Cortez? MS. CORTEZ! -Mr Cruz

“SIR?!” Ay walangya. Ako na lang pala nag-iisa dito.

“Hehehehe. Sige Sir. Bye!”

Pahiya ako don ah. -___- Hayaan ko na nga. Punta na kong cafeteria. Nagtext sakin si Kaye, nandon na daw sila ni Celine.

*CAFETERIA*

“Dana dito!” -Kaye

Ayun pala sila.

“Oh kamusta klase niyo?” Tanong ko sa kanila syempre baka may nangyari di ba? :v

“Okay lang naman.” -Celine habang puno ang bibig.

Meet Kaye and Celine.

Kaye Lin Angeles. 18 years old. Maganda, Matalino, Mabait at ang Fashonista sa aming tatlo. Maarte yan. -__- Joke. Kung pananamit lang naman ang usapan siya ang lapitan mo. Hindi mauubusan ng sasabihin sayo yan.

Celine Faye Fortalejo. 18 years old. Baboy pa sa baboy. Hindi, joke lang. Maganda, Matalino, Mabait at ang pinaka-patay gutom samin. Magaling yan magluto kaya nga puro kain ginagawa nyan eh. -__-  Kita niyo pangalan nong dalawa?

Kaye. Faye. Lin. CeLINe. Feeling ko nga nagpalitan lang sila ng pangalan eh.

“Kadiri ka, letche ka. Tumatalsik yang kinakain mo. Lunukin mo nga muna yan. Syempre hindi ako yan. Sino pa ba maarte saming tatlo? Edi si Kaye. Pero nakakadiri nga tong si Celine. Tumatalsik samin yung kinain at yung laway niya eh. Sarap talaga nito batuhin pag-ganyan siya.

*lunok lunok lunok* -Celine

“Hoy nagpapakamatay ka ba? H'wag mong madaliin, ayan tubig oh.” Sabi ko sa kanya.

KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!

Si Raven, andyan na!

Kasama niya sila Mico at si Ken.

KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!

Oh my gosh! Si Raven daw! Ay teka, pangit pag-ganyan arte ko. Act cool. Eto namang dalawang kaibigan ko nakatingin sakin. Akala siguro nila maglulupasay ako dito. Hindi no. Act cool nga di ba. Kaya dapat parang wala lang. Patuloy sa pagkain.

Nakita ko sa gilid ng mata ko, papalapit sila samin. Yung mga chismosa nagsimula ng magbulungan. KYAAAAAAAAAAAAAAAHHH! Eto na sila.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ay letche, hindi pala. Assuming ko naman. Dun lang pala sa tabi ng table namin.

--

Bitin ulit. Hahahahahahaha!

May crush ako!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon