Chapter 6 - Day 2: Movie Date or Movie Disaster?

63 2 1
                                    

Zoey's POV

Weeeeee. Nandito kami sa sinehan ngayon. Yung pinapanood namin na movie, gusto niyo malaman? "Unofficially Yours". Yung movie nila Angrl Locsin at John Lloyd Cruz. Actually, wala akong balak panuorin 'to. Wala lang. Napagtripan ko lang. Hahaha.

"Bagay talaga sila di ba?" Sabay kain ko ng popcorn.

"Oo nga eh." Sagot naman niya habang kumakain din ng popcorn.

"Ssh." Narinig ko mula sa likod namin pero di namin pinansin.

"Ang ganda ni Angel." Sabi ko.

"Oo nga eh." Nakatingin lang siya sa palabas at kumakain ng popcorn. Gagawin ko na yung plano ko.

"What?! Ganyan ba yung mga tipo mo?" Napalakas ng unti yung boses ko. Nilakasan ko naman talaga. Haha.

"Ssshhh." Narinig ko ulit sa likod namin.

"What? Ano ginawa ko?" Pabulong na sabi ni Michael at talagang nanlaki ang mata niya ah. Hahaha. Tapos kain ulit ng popcorn niya.

"Sa screen ka lang kasi nakatingin kapag kinakausap kita eh." Medyo malakas pa rin yung boses ko nun.

"Ssssshhhhhh."

"Look. Nanunuod din ako." Pabulong pa rin si Michael at tila nahihiya na sa iba.

"Sssssssshhhhhhhhhh! Da hell!" Napasigaw na yung nasa likod namin. Napatingin kami pareho ni Michael dun at nakita namin ang isang matangkad na mataba na parang dambuhala.

"Kayong dalawa, sumunod kayo sa akin sa labas." Sabi nung dambuhala. Nakakatakot siya. Bigla siyang tumayo at lumabas na ng sinehan.

"Michael..." "Tara, labas tayo. Yun ang sabi niya eh."

"Pero hindi mo yun kaya..." Kahit papaano may puso din ako noh. At talagang nakakatakot yung dambuhala.

"Akong bahala." So, lumabas na nga kami ng sinehan. Dun lang sa harap ng pintuan ng movie house.

"Pwede naman pag-usapan yun pre eh. Kung ma-." Booogsh! Sinapak na lang bigla ng dambuhala si Michael.

"Michael!" Napasigaw ako sa gulat.

"Hindi ko maenjoy yung palabas dahil sa ingay niyo. Nasasayang lang yung P150 ko." Sabi ng dambuhalang nag-eemote tapos pumasok ulit sa sinehan. Ako naman, inaalalayan ko lang si Michael. Tumumba kasi siya eh.

"Michael? Okay ka lang?" Yung posisyon namin, nakahiga siya sa lap ko. "Hmm, okay lang ako..."

"Sure ka? Ang lakas ng pagkakasuntok ng dambuhalang yun eh."

"Hmm. Oo, okay lang ako." Teka, anong ginagawa niya? Yung ulo niya...

"Talaga?"

"Oo. Okay na okay ako." Tapos patuloy lang siya sa ginagawa niya. Natatawa ako. Hahaha. Feel na feel niya kasi at talagang nakapikit pa.

"Ouch!" Binatukan ko nga.

"Ikaw ah!" Kasi naman, yung sa posisyon kasi namin. Yung ulo niya, medyo nakadikit na sa breasts ko. Tapos ang gago, iikot pa naman ang ulo dun.

"Hehehe." Sabay kamot sa ulo niya. Infairness, ang cute niya ngumiti. Ayun, hindi ko rin maiwasan ang hindi ngumiti.

***

Hindi na namin tinapos yung movie at mukhang nagawa ko na yung balak ko. Hehehe. Pero syempre, hindi ko naman sinadya na masaktan siya noh. Hindi ko kasalanan na masuntok siya ng dambuhalang yun. Ang balak ko lang naman is yung mapahiya siya sa maraming tao pero it turned out into a disaster.

"Sakay na." Sabi ni Michael. Nandito kami ngayon sa parking lot.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Basta." Well, wala ba 'tong dalang helmet? Yeah, motor lang ang dala niya. May kotse siya kaso mas gusto daw talaga niya gamitin ang motor niya. And if you guys still remember, nagkita lang kami ni Michael sa mall at nagtaxi lang ako papunta dito.

"May helmet ka ba?"

"Hindi mo maeenjoy ang byahe kapag may helmet ka."

"What if maaksidente tayo?"

"Trust me." Seryoso ang mukha niya yan.

"Okay." So, sumakay na nga ako.

"Hawak maigi ah. Kung gusto mo yakapin mo na ako para sure." Nang-aasar ba 'to?

"Che! Alam ko."

"Haha. Good." Tapos pinaandar na niya bigla yung motor niya.

How to Break His Heart in 14 Days?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon