Chapter 5 - The Target

65 2 2
                                    

Zoey's POV

"OMG! Ang galing mo girl!" Sabi ni Andrea tapos uminom ng lemonade niya.

"Kaya pala nawala ka na lang bigla sa bar." Pagmamaktol naman ni Jess sabay inom sa kanyang choco frappe.

"Eh mukhang nag-eenjoy kayo eh. Hindi ko na kayo inistorbo at inisip ko rin na ako naman ang mag-enjoy. Hahaha!" Nandito kami sa tapat ng swimming pool sa condominium unit ni Andrea. Sosyalin din 'tong si Andrea eh. Well, hindi kami nakabikini nor nakatwo piece. Mag-uusap lang kami at gusto lang namin ng magandang lugar.

"Ano name niya Zoey? Search natin sa FB." Sabi ni Andrea.

"Facebook ko na lang ang gamitin natin. Nakaprivate ang account niya eh. Tutal friend ko na siya." Kagabi kasi pagkauwi ko ng bahay, nag-open ako ng Facebook account ko. Ayun, may friend request at nakita ko na si Michael yun. Inaccept ko na. Hahaha. Nagchat kami ng kaunti pero sa huli sineen zone ko siya. Hahaha. Sinimulan ko na kasi yung article ko eh. Tapos siguro nakatulog ako mga 2am na.

"Wow! Jackpot ka girl!" Si Andrea, minsan talaga OA kung makareact eh ano? -___-

"Oo nga Zoey. Ang hot niya!" Ito ring si Jess eh.

"Naman! May taste din ako noh!" Nag-evil smile ako.

"Civil Engineer pala siya. And oh! Nagstatus siya." - Andrea

"Anong sabi?" Bigla din sumingit si Jess para tignan yung screen ng laptop. Well, ako rin naman. Hindi ko din alam eh. Hahaha.

"Ang sabi niya, 'I finally met her.' Omg omg omg! Girl. Kinikilig ako. Uwaaaaaah!" Ito na naman si Andrea sa mga reaction niya.

"Geez, Zoey! You already!" Sabi naman ni Jess. Ako naman, nakangiti lang sa kanila. Hahaha.

"You want some sample guys?" Ang sabi ko sa kanila. Nagkatinginan sila at sabay nilang sinabi...

"Sure..." Tapos smile. Kinuha ko yung cellphone ko at dinial ang number niya.

Michael's POV

"Excuse me, Sir. Someone wants to talk with Mr. Villamarin on the phone." Sabi ng secretary sa boss ko. I'm in the middle of the meeting para sa malapit na pagtatapos ng construction ng building sa Makati. At big project 'to kasi condominium unit ang ginawa namin ngayon. Meaning, money na naman. Hahaha. Back to reality, tumingin sa akin si sir.

"Sino daw?" Ang sabi ko dun sa secretary.

"Zoey Mercedes po." After saying that name, binalik ko yung tingin ko kay sir.

"Okay. 2 minutes lang." Yun! Hahaha. Matagal na din kasi ako sa company namin. Kaya malakas ako kay sir. Hehehe. Kinuha ko na yung phone, sa may tabi lang ng upuan ko at doon idinirect yung tawag sakin.

"Hello Zoey?"

"Hi Michael!" Lahat sila nakatingin sa akin.

"I'm in the middle of the meeting. Can we talk later?"

"Ooh. Ganun ba? Sige." Mukhang frustrated yung voice niya.

"Don't worry. Manunuod tayo ng sine mamaya. Kahit anong gusto mo." Kailangan ko siyang i-cheer up.

"Talaga? Yehey!"

"Itetext ko sa iyo kung saan tayo magkikita. Okay?"

"Sure. Byieee!" Tapos binaba na niya yung phone niya.

Wait nga lang! Hindi niyo pa ako kilala di ba? Tss. Hindi ako feeling close ah. Okay okay. Si Mr. Handsome Author naman kasi eh. Hindi pa ko pinapakilala. Err. Ako na bahala mag-introduce sa sarili ko ah.

I'm Michael Villamarin. 23 years old. Licensed civil engineer. Well, sa totoo lang sabi ng iba, lahat na daw na pwedeng hanapin ng isang babae sa isang lalaki nasa akin na daw. Wala naman akong magagawa dun. Hahaha. Retired soldier na yung dad ko at yung mom ko naman nurse pa rin sa isang public hospital. May isa akong kapatid na babae. Graduating student na rin siya as accountant. Masaya yung pamilya namin at yun ang number 1 na pinagpapasalamat ko sa Diyos. Ang swerte ko kaya. Binigyan na ko ng masayang pamilya kung tutuusin, bonus na lang yung kapogian ko eh. Hahaha.

Back to story tayo. Nandito na kami ngayon sa mall. Yeah, I'm with Zoey. Like what I've said earlier, we can watch anything what she wants. Eh ang pinili niya yung love story. Gusto ko pa naman yung mala-action movie. Pero wala na akong magagawa eh. Nasabi ko na siya ang pipili ng papanuorin namin.

How to Break His Heart in 14 Days?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon