Chapter 2 - My Officemates

100 2 0
                                    

Bakit ganun yung topic ko? Oo, kaya ko naman siya kaso mukhang mahihirapan talaga ako. By the way, nandito kami ngayon sa cafeteria. Lunchtime na kasi. Kasama ko ngayon yung officemates ko na close ko rin talaga sa work.

"Uy, Zoey. Ang lalim ata ng iniisip mo?" Tanong ni Andrea, officemate ko. Halos kasabayan ko rin dito sa company namin kaya naman magkasundo talaga kami.

"Eh kasi naman eh."

"Ano ba kasi yun? Itong babaeng 'to mahilig mambitin eh." Sabat naman ni Jessica, officemate ko din. Siya ang matanda sa aming tatlo. Pero hindi naman lalayo yung age niya sa age namin ni Andrea. 22 years old na kami at siya naman ay 24.

"Eh kasi naman si Ma'am. Binigay saking topic ay yung tungkol sa pagbebreak ng puso ng lalaki. Ang ganda di ba?" I said sarcastically.

"Oh? Ang magaling na writer, nagrereklamo sa natanggap niyang topic. Anyare?" Insulto ni Andrea. Sapakin ko kaya 'tong babaeng 'to. Ewan ko kung bakit ko pa naging kaibigan 'to eh.

"Sapak, you like?"

"Joke lang naman. Di mabiro?" Napabuntong hininga na lang ako.

"If I know, kapag alam ni Ma'am na mahihirapan ang in-assign niya na writer sa topic nito, nagbibigay siya ng idea. May binigay ba?" Sabat ni Jessica.

"Kung ganun, first time kang binigyan ni Ma'am ng idea. What happen, Zoey?" Itong si Andrea, ang lakas talaga mang-asar. Yeah, she's right. Ngayon lang ako binigyan ni Ma'am ng idea.

"Yeah, may binigay siyang idea kaso 'di ko magets."

"Ano daw yun?" Sabay pa silang dalawa.

"Experience."

"Oooh." Nagdevil smile sila pareho. Minsan nakakatakot 'tong dalawang 'to eh. Nakakapangilabot.

"Tigilan niyo ko sa mga tingin niyong yan ah. Pag-uuntugin ko yang mga bungo niyo."

"Alam na namin ang gustong iparating ni Ma'am." Sabay ngiti nitong si Andrea.

"Yeah, and it would be fun!" Sigaw naman nitong si Jessica at talagang itinaas pa yung kamay niya.

"Anong fun?! Fun your face!"

"Ano ka ba girl? Di ba you're a professional writer. You can do everything for your piece. Ngayon ka pa ba susuko kung kailan February na?" Sabi ni Jessica. Inaabangan ko kasi ang month na yun kasi nga tungkol sa love yung expected kong isusulat ko.

"Zoey, kung ako sa'yo. I'll take the risk." Sabi naman ni Andrea.

"Okay okay. Ano ba yung naisip niyo?"

***

"Bye girls!" Sumakay na ng taxi si Andrea.

"Bye Andrea!" Sabay kaway sa kanya.

"Oh, Zoey. Mauna na ko ah." - Jessica

"Sure. Bye Jess."

"Bye. Yung pinag-usapan natin kanina ah. Hahaha." Oo nga pala. Takte.

"Oo na. Kayang-kaya ko yun para sa trabaho ko."

"If you said so. Hahaha. Bye."

***

Nandito na ko sa apartment ko. Well, ako lang mag-isa dito. Only child kasi ako at yung magulang ko, hiwalay. Si Daddy nasa California dahil nagtatrabaho dun. Si Mommy naman nasa Bohol, at inaalagaan yung lola ko. Hiwalay sila dahil sa distansya hindi sa pagmamahalan. Hahaha.

Ready na ko matulog. Open ng Facebook tingin ng notifs. A-ano 'to?

"Andrea Santos tagged you and Jessica De Villa in a status." Babae talagang yun oh. Click.

"Getting ready for our February Issue. More excitement. More love. "

Napahinga na lang ako ng malalim. Inaantok na talaga ako. Teka, anong oras na ba? Alas-onse na pala. Logout. Shutdown ng laptop. Higa sa kama.

How to Break His Heart in 14 Days?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon