"Di ba nya nasabi sayo?? May brain tumor si lorry. Sumakit ung ulo nya kahapon kaya napagdesisyonan na namin na ipagamot na sya doon simula ngayon. "
"Di ba nya nasabi sayo?? May brain tumor si lorry. Sumakit ung ulo nya kahapon kaya napagdesisyonan na namin na ipagamot na sya doon simula ngayon. "
"Di ba nya nasabi sayo?? May brain tumor si lorry. Sumakit ung ulo nya kahapon kaya napagdesisyonan na namin na ipagamot na sya doon simula ngayon. "
Paulit ulit yon saakin habang pauwi ako sa bahay. Kasalanan ko ba kung bakit sumakit yung ulo ni lorry kahapon? Nagsisisi na ako kasi nasabihan ko sya ng mga masasakit na salita. Pero bakit di nya sinabi saakin? Bakit nilihim nya yung sakit nya? Ang daming tanong sa isip ko. Hindi ko na mapigilan na maiyak. Sumabay pa sa sakit na nararamdaman ko si Vemon. Bakit kaya nya nagawa saakin yon? Bakit nya ako niloko ng ganun? At sa anong dahilan? Ang gulo gulo na ng utak ko sa ngayon kaya napagdesisyonan kong pumunta sa park kung saan kami huling nagkita ni lorry. Umupo ulit ako sa swing at iniyak ko lahat. Bakit ako iniwan ni lorry? Siguro sobrang nasaktan talaga sya sa lahat ng nasabi ko sakanya kaya din siguro sumakit ung ulo nya.
Bigla kong naalala ung event kagabi. Natuloy kaya yun? Hmm.. Uuwi nalang ako. At umuwi nga ako at nadatnan ko silang kumakain ng dinner. Umupo ako sa tabi ni kuya les."Anak, nabalitaan ko yung nangyari sainyo ni lorry sinabi saakin ni denisse.gusto mo bang sumunod sakanya doon?" Tanong ni dad
"Dad, i think ako po yung may kasalanan kung bakit sumakit ung ulo ni lorry kahapon. Kaya siguro wag nalang po muna kami magkita dahil alam ko pong galit sya saakin" Sabi ko naman
"Cgeh anak kung yan ang gusto mo, pero sana magkausap kayo ulet sa tamang panahon para maayos nya na yang problema ny0"
"Sana nga po dad" pagtapos nang paguusap namin ni daddy nagusap usap sila tungkol sa trabaho. At bigla kong naalala ung event kagabi.
"Mom, natuloy po ba yung event kagabi? Ano pong nangyari?" Tanong ko. Bigla nalang naubo si kuya les.
"Excuse me, tapos na po akong kumain." Singit ni kuya. Hmm.. Ano kayang nangyare. Tumango lang kami.
"Torry, wag mo na problemahin ung event kagabi. Natuloy iyon pero hindi mo na kailangang malaman pa sa ngayon." Sabi naman si daddy. Tinuloy ko lang yung pagkain ko. Buti at di nila tinanong kung bakit ako umiyak kagabi pagkauwi ko. Pagkatapos kong kumain dumeretso ako sa garden sa labas. Nakita ko doon si kuya na umiiyak. Sa damuhan. Nilapitan ko sya at niyakap.
"Anong ginagawa mo dto?" Tanong ni kuya."Dinadamayan ka kuya, ano bang nangyare? Pede mo naman akong sabihan ng problema mo eh. Magkapatid kaya tayo" umiyak nanaman si kuya at niyakap ko ulit sya.
"Si daddy at mommy inengaged ako kay Xia." Wattda?? Bkt naman?
"Si ate xia ung kapatid ni lorry? Bakit kuya?"
"Lumulubog na daw ang kompanya at nagoffer sila tita denisse ng Puhunan para sa company pero ang kapalit daw nun ay ang ipakasal ako kay Xia bilang ako naman daw ang panganay." At talagang bumuhos nanaman ang luha ni kuya. Hindi ko na alam kung paano ko sya tutulungan.
"Paano si ate caye??" Bigla kong naalala si ate caye. Ung girlfriend ni kuya. At simula una palang alam ko nang mahal nila ang isat isa. At kahit anong mangyare hindi sila mapaghihiwalay.
"Hindi ko alam ko paano ko sasabihin sa kanya. Ayokong masaktan si caye, torry. Ayoko!!"
"Kuya kahit anong mangyare tutulungan kita. Kakausapin ko si daddy tungkol dto at wag ka magalala kuya hindi matutuloy ang kasal ninyo ni ate Xia." Di ko na rin mapigilan na maiyak. At niyakap ko na ulit si kuya. Umakyat na kami ni kuya at dumeretso sa kwarto nya. Nahiga si kuya at nakatulog na. Simula pagkabata ko si kuya na ang sandalan ko. Sa tuwing may umaaway saakin si kuya ang nagtatanggol saakin. Sa tuwing umiiyak ako si kuya les ang nagpapatahan saakin. Tuwing may problema ako sya ang tinatakbuhan ko. Kaya bilang kapatid nya gagawin ko ang lahat wag lang sya masaktan tulad ng ginagawa nya saakin.
"Daddy, pede ko po ba kayo makausap?" Tanong ko kay daddy sa office nya
"Oo naman anak, bakit?"
"Dad, alam ko na po kung para saan yung event--" pinutol ni dad ang sinasabi ko.
"Anak, wag ka nang makialam sa problema namin."
"Dad! Alam mo kung gano kamahal ni kuya les si ate caye. Alam mo kung ano yung mga pinagsamahan nilang dalawa. Alam mo din kung gaano pinasaya ni ate caye si kuya nung mga oras na heartbroken si kuya kay ate Xia. Alam mo yung mga panloloko na ginawa ni ate xia kay kuya les kaya please dad itigil mo yung kasal na yan kasi wala hong patutunguhan iyan. Lalago nga ang kompanya pero sasaya ba si kuya?? Dad kahit minsan isipin mo ung mararamdaman ni kuya pag pinagpatuloy niyo pa toh!"
"Anak, wala tayong magagawa dahil nakapirma na kaming lahat." Di ko na mapigilan na maiyak sa kinatatayuan ko.
"Dad, mas importante po ba yang trabaho niyo kaysa sa kaligayahan namin? Mas importante ba yang trabaho mo kaysa kay kuya? Dad, please! Sobrang masasaktan si kuya sa gagawin nyo kaya itigil nyo na. Hindi na kayo nakakatuwa. Hindi nyo alam kung anong mararamdaman ni kuya sa oras na mas pinili nyo ang trabaho kaysa sa kaligayahan nya. Dad, ginawa ni kuya lahat para maging maayos na anak para sayo kaya kahit ngayon lang itigil nyo yang kagustuhan mo." Sabi ko at bumalik na sa kwarto ni kuya. Lumapit ako sa kama nYa at umupo sa tabi nya.
"Kuya, alam ko kung gaano kasakit pero kung di ko man mapilit si dad sorry kuya. And thank you" bumalik ako sa kwarto ko at---
:::::::::::::::::
hehehe
YOU ARE READING
Best Bitches
Short StoryThis will be a short story!! Hope you like it!! Enjoy!!! *muah*