Pagkabalik ko sa kwarto nagulat ako nang makita doon si daddy. Umiiyak sya at nakaluhod.
"Dad! Anong ginagawa mo at nakaluhod ka dyan. Tumayo ka nga dad." Lumapit ako sakanya at niyakap sya.
"Anak, im so sorry. Nagpakafocus ako sa trabaho kaya di ko na alam ang mga problema nyo. Di ko na alam kung anong dapat kong gawin sa kompanya kaya nung nagoffer ang pamilya Belize ay tinanggap ko agad nang hindi tinatanong ang kuya mo. Sorry dahil marami na akong pagkukulang sainyo. Hindi ko na itutuloy ang plano ko. Maghahanap ako nang paraan para lang masalba ang kompanya natin nang hindi ipinapakasal si lester kay Xia. Sorry anak, sorry" sobrang saya ko nang marinig iyon kaya hinigpitan ko ang pagyakap kay daddy.
"Dad, ok na po saakin iyon. Kay kuya les po kayo nag sorry dahil sya ang nasaktan.halika na dad. Matulog ka na po. " hinatid ko si daddy sa kwarto nila mom at naabutan ko si mommy doon na nagsusuklay kaya inalalayan na nya si daddy papunta sa kama. At ngayon ko lang napansin na lasing pala si daddy.
"Sobrang saya ko na pumayag na ang daddy mo. Thank you anak dahil nakumbinsi mo syang itigil na ito." Sambit ni mommy
"Sobrang saya ko din po mommy. Cgeh mom tulog na po ako." Nagpaalam na ako at bumalik sa kwarto ko at naghalfbath. I checked my phone at walang kahit na anong text. Hay, dapat masanay na ako. Ill try my bes to move on. At sa problema namin ni lorry, siguro hahayaan ko muna syang mgpagalot doon dahil iyon din ang makakabuti sakanya. Baka mastress lang sya lalo pag nakita nya ako. Nakatulog na ako.
~~~
"Kuya lesss!!!!! Fuck!! Ayokoo ngang pumasokkkkkkk!!! Urghhhh!!" Binuhusan lang naman ako nang malamig na tubig dto sa kinauupuan ko sa garden."Bakit ba ayaw mong pumasok hah!! May nangaaway ba sayo dun??" Nagtataka nyang tanong. Ayaw ko lang naman kasi pumasok dahil tinatamad ako at makikita ko lang dun si Vemon demonyo!
"Nakakatamad!! Tsaka pumayag na si dad and mom ano bang ipinaglalaban mo dyan!!! Urghhhhhh basang basa naa yung favorite tshirt kooooo"
"Edi maligo ka na!! HAHAHAHA ang baho mo na kasi PANGET!!"
"Haishhh!! Si kuya naman ehh... Bahal ka nga dyan! Hmp." Sabi ko at tumalikod na sakanya papasok sa bahay samantalang sya ayun humahagalpak nanaman. Nakakaasar ahh. Naligo na ako at bumaba para mag lunch. Naabutan ko silang nasa dining na. Naalala ko nanaman ung sinabi ni dad kagabi. Hay!! Sawakas natulungan ko din si kuya kahit minsan. At hindi pa rin pala alam ni kuya yun siguro ngayon sasabihin ni daddy.
"Oh, anak kumain ka na at may sasabihin din ako sainyo." Tawag saakin ni daddy nang makita nya ako sa hagdanan. Umupo ako sa tabi ni kuya les at kumuha ng pagkain.
"Lester and torry, i just want to say that the deal are dismissed and hindi na matutuloy ang kasal." Maligayang sabi ni dad samantalang napatingin ako kay kuya na nakatingin saakin na may pagtataka.
"I'll explain later kuya." Sabi ko kay kuya at tumango nalang sya.
"Lester anak, sorry kung nagawa kong piliin ang trabaho kaysa sa kaligayahan mo. Ipapangako ko na lagi na akong magkakaroon ulit ng oras sainyo."
"Dad, salamat po." Sagot ni kuya. Tumayo si dad at niyakap si kuya. "Sama naman kami ni mom sa yakapan." Tumayo at lumapit na kami ni mom sakanila at nakiyakap din. Hay, sawakas at wala nang problema sila kuya at daddy. Buti nalang at nakumbinsi ko si daddy dahil kung hindi wala kaming yakapan na magagawa ngayon. Kahit ilang saglit naging masaya ako at dahil yun sa pamilya ko. Lagi talaga nila akong pinapangiti. Natapos ang hapon at nagdidinner na kami. Bigla nalang tumunog ang cellphone ko.
Hi torry, pede ba tayong magusap? - VemonDEMONYO
Cgeh at the park malapit saamin now-torry
Ok see you there - VemonDEMONYO
Pagtapos kong kumain nagpaalam ako sakanila na lalabas at magpapahangin sa park. Although delikado na ay pinayagan parin nila ako dahil may tiwala naman sila sa guard ng subdivision nato. Nagtungo ako sa park at nakita ko si vemon sa swing na nakaupo lang doon habang nakatulala. Lumapit ako at umupo sa katabing swing.
"Torry gusto ko lang magpaliwanag. Sana naman makinig ka"
"Cgeh dahil gusto ko din malaman kung bakit mo ako niloko."
"Torry nung nasa bar tayo nabangga kita nun dba tapos bigla kang umalis nun. Pumunta ako sa kaibigan ko na pinagtatawanan ako. Binigyan nya ako ng alak pero tinanggihan ko sya dahil may sakit ako nun at di nya alam yun. Sinabi nya saakin na kung ayaw ko daw uminom gawin ko daw ung gusto nya. Brokenhearted pa sya nung time na yun. Kaya pumayag ako. Sabi nya may dare daw sya saakin. Sabi nya ay pasagutin daw kita. Sinabi nyang paglaruan ko daw yung feelings mo pero tumanggi ako dahil alam kong masama iyon pero sinabi nya saakin na aagawin nya daw si aki saakin pag di ko ginawa. Natakot ako kaya pinagisipan kong mabuti iyon. Kaya natagalan ako. Pero sa huli pumayag ako. Sinadya kong tumabi sayo at sinundan talga kita sa labas para lang aminin sayo na gusto kita kahit na hindi." Nang marinig ko lahat nang yun di ko na mapigilan na maiyak.
"So dare lang lahat ng yun? Yung pangliligaw mo saakin? Yung pagdedate natin? Ung pamamasyal natin? Ung paghalik saakin dare lang yun? Putangina anong nagawa ko sayo at pinaglaruan mo ako nang ganito!" Tumayo sya para yakapin ako at pinaghahampas ko ung dibdib nya. Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. "Im so sorry!" Sabi nya. Sinampal ko sya at tumakbo ako nang sobrang bilis pauwi nang malapit na ako sa bahay cmay naainag akong maliwanag hanggang sa ---*BOGSH*
:::::::::::
Yeshh naman hahahahaha
*muah* enjoyyyy!!
Hart hart
YOU ARE READING
Best Bitches
Short StoryThis will be a short story!! Hope you like it!! Enjoy!!! *muah*