I HATE YOU

8 1 1
                                    

"May... May sasabihin ako sayo tungkol kay V-Vemon." Nakakapagtaka kasi di naman nya close si vee.

"Anong about sa kanya?" Pagtataka ko.

"Wag ka sanang mabibigla. Kagabi kasi pagkatapos ng dinner namin sa bahay ininvite ako ng kaibigan ko na magBar. So pumayag ako, pumunta kami sa Dublin's Bar. Umorder kami samay counter at dun na din umupo. After a few minutes may umupo sa tabi kong isang lalaki at isang babae. Umorder din sila, ang sweet sweet pa nga eh. Tapos umalis saglit yung babae dun ko naaninag yung mukha nung lalaki at nalaman kong si Vemon yun. Sorry!" Huh? Anong sinasabi nya?

"Bebs? Nagjojoke ka ba? Kasi hindi nakakatawa ah. Di nakakatawang biro yan. "

"Bebs, nagsasabi ako ng totoo!! Nakita ko siya kagabi, hinalikan pa nga nya yung babae eh!"

"ANO BA!?? Hindi ka na nakakatuwa ahh!! WAG KA NGANG MAGSINUNGALING!!" Hindi ko na mapigilang masigawan sya.

" torry nagsasabi ako ng totoo. Totoong si Vemon yung nakita ko at totoong niloloko ka lang nya. Sana naman kahit minsan paniwalaan mo ako. Magkaibigan tayo kaya ko sinasabi to sayo!!" Nasigawan nya na di  ako

"Siguro kaya ka ganyan kasi naiingit ka noh? Kaya mo sya sinisiraan kasi gusto mo pareho tayong walang boyfriend! Bakit di ka nalang maging masaya para saakin. Kailangan mo pang siraan si Vemon para lang masunod yung kagustuhan mo?? Anong klase kang kaibigan hah!! Magbestfriend tayo dba? Dapat sinusuportahan mo ako sa lahat ng nakakapagpapasaya saakin I HATE YOU!!"Naiyak na kaming dalawa.

"Alam mo nakakasakit ka na ng damdamin ehh. Kilala mo naman ako diba! Hindi ko yan magagawa sayo kaya nagtataka ako kung saan mo nakukuha yang mga pinagsasasabi mo tungkol saakin. Tutal sya naman ang pinaniniwalaan mo dba? Edi cgeh! Simula ngayon Friendship Over na tayo. Simula ngayon di na  kita guguluhin pa. Wala nang mangugulo sayo at eto ang tandaan mo, Hinding hindi kita niloloko at totoo ang sinabi ko." Tsaka sya umalis at umuwi. Napaupo ako sa swing. I feel guilty about wat i said to her. Feeling ko mali yung mga sinabi ko. Pero mali yung sinisiraan nya yung taong mahal ko. Matagal tagal din akong nakaupo doon. Uuwi na sana ako ng biglang umulan. Mukhang nakikisabay pa sya sa pagiyak ko ah. Tumakbo ako pauwi. Habang tumatakbo may nakita akong dalawang tao sa isang eskinita. Naaninag ko si Vee at isang babae. Unti unti na akong naiyak. Sumilong ako sa kantong yon at tinawagan sya. Pinilit kong hindi magmukhang umiiyak. At pinilit ko ring gawing masigla yung boses ko.

Hello babe!! Sabi ko habang nakatayo malapit sakanila.

Ohh, torry may problema ba?? Bat bigla kang napatawag? Nainis na ako

Uhmm.. Baby nasaan ka??

Nandto sa bahay.

Ahh sa bahay pala ahh... Eh sino yang kasama mo?

Anong kasama? Wla naman akong kasama eh

Oh?? Wala ba sino yung nakikita ko ngayon?

Pinatay ko agad yung call at lumapit sakanila. Wala na akong pakialam kung  mabasa pa ako ng ulan dto.  Hinarap ko silang dalawa. At dahil nakasilong sila hinila ako ni vemon sa tabi nya.

"Bitawan mo nga ako! Sino toh? Sino tong babaeng toh?" Pasigaw kong tanong.

"Torry break na tayo simula ngayon."

"P*tangina Vemon. Wala kang kwenta. Totoo pala talaga yung sinasabi ni lorry na niloloko mo lang ako. Walang hiya ka ng dahil sa pagtatanggol ko sayo wala na yung pagkakaibigan namin ni lorry. Puta pinaglaban pa kita sakanya tapos ngayon eto ka? May kasamang iba at parang tinatapon mo na lahat ng pinagsamahan natin. Tangina mo mamatay ka na!!" Sigaw ko sakanya at tumakbo na ako ng sobrang bilis hanggang sa di ko na kinaya at bigla nalang akong napaupo sa kalsada. Sa sobrang pagod ko di na ko nakatayo doon. Iniyak ko lahat ng sama ng loob ko. Hanggang sa naramdaman kong wala nang pumapatak saaking ulan. Tumingala ako at nakita ko si kuya les na pinapayungan ako. Tumayo ako at niyakap si kuya. Umuwi kaming dalawa. Pinaakyat nya ako at pinagbihis. Hindi na rin siguro nagtanong si kuya dahil alam nyang di pa ako ready na magsabi sakanya.

Eto na ata ang worst day ng buhay ko. Nakatulog din ako kaagad pagkatapos maligo at magbihis.

~~~
Pagkatapos ng dismissal sa school. Pumunta ako sa bahay nila lorry dahil hindi ko sya nakita sa school.

"Tita denisse nandyan po ba si lorry? Di po kasi sya pumasok." Nagulat si tita nang makita nya ako.

"Sad to say ija, pero pinauwi kasi ng daddy nya sa korea si lorry."

"Uh-hmm.. B-bakit po?"

"Di ba nya nasabi sayo?? May brain tumor si lorry. Sumakit ung ulo nya kahapon kaya napagdesisyonan na namin na ipagamot na sya doon simula ngayon. "

::::::::::::::
Guys im crying while writing this!! Huhuhuhu

Best BitchesWhere stories live. Discover now