Chimmy & Chammy

7 2 0
                                    

*BOGSH*

~~~
Pagdilat ko puro puti ang nakita ko. Patay na ba ako? Hindi pede, hindi. May kailangan pa akong gawin. Tumulo na ang luha ko. Napabangon na ako at para akong nabunutan ng tinik nang makita ko si kuya les na natutulog sa tabi ko. Nagising narin sya dahil siguro nagulat sa pagbangon ko.

"Ohh, anong nangyare sayo. Magpahinga ka nga muna. Tigas tigas ng ulo mo yan tuloy naaksidente ka pa." Sermon saakin ni kuya. Nahiga nalang ulit ako at nagpahinga. "Teka nga ano bang ginawa mo dun sa park hah??"

"Kuya sa totoo lang, nakipagkita ako kay Vemon." Biglang nagdugtong ang mga kilay ni kuya.

"Ano?? Bakit ka pa nakipagkita dun? Sya ba may kasalanan nito?" Pagalit nyang sabi.

"Humingi lang ako ng closure dun sa nangyare saamin. Tsaka kasalanan ko kung bakit ako nabangga. Hindi kasi ako natingin sa daanan kaya wag mo na syang sisihin kuya."

"Hayshh, ang bait bait mo kasi ehh kaya ka naloloko. HAHAHAH jk lang" pagpapatawa nya. " bakit ka nga ba nya niloko hah?" Biglang sumeryoso si kuya les.

"Kuya wag mo nang alamin. Wala na yun saakin natanggap ko na kagabi pa bago ako nabangga. Tsaka ano palang nangyare sa mukha ko? Pumanget ba?? Shete!"

"Anong pumanget, panget ka naman talaga HAHAHAH" sinamaan ko sya nang tingin at kinurot ang pisngi nya. "Aray! Aray! Aray! Tama na jk lang yun HAHAHAHA" sabi nya.

"Oops, tama na Yan. Baka mamaya sumakit yang paa mo torry." Awat saamin ni mommy. "Kamusta na nga pala ang ulo mo? Sumasakit pa ba?" Nagaalalang tanong ni mom habang palapit sa table ng bed ko at kumuha ng orange.

"Okay na mom. Pede na nga po akong lumabas dto eh. Alam niyo naman na ayokong nandto sa hospital." Sabi ko

"Hindi pede anak, kailangan mong magpagaling muna dto."

Pinakain lang ako ni mom. Tapos may iilang kaibigan akong bumisita saakin pero si lorry hindi. Bigla nanaman akong nalungkot dahil namimiss ko na ung best friend ko. Alam kaya niya na naospital ako. Hays, torry tama na nga sasakit nanaman yang ulo mo eh! Nakatulog din ako. Kinabukasan umuwi na kami sa bahay dahil maayos na daw ako pero nakawheel chair parin ako dahil medyo napuruhan daw ang paa ko.

~~~~~
After a year

Bakasyon na at nakagraduate na rin ako. Si lorry kaya nakagraduate na din? Hindi natuloy ung plano naming sabay grumaduate. Sobrang miss na miss ko na sya.nandito ako sa cementery. Dinalaw ko yung aso kong teacup pomeranian dati. Nung nakauwi ako sa bahay nung naaksidente ako niregaluhan ako ni kuya les ng dog at si chimmy nga yun. Lalaki sya at brown and may pagka black ang kulay nya. Miss na miss ko na din sya. Bday ko pa nung namatay sya kaya sobrang lungkot ko nung nakaraang bday ko. Kahit na hinandaan ako nila mom and dad ng party ay di parin ako sumaya. Kaya namatay si chimmy dahil hindi ko sya naalagaan dahil naging busy ako sa studies ko dahil nga graduating student ako. Si Kuya les naman engaged na sya. Syempre kay ate caye. Sobrang saya ni kuya nang pumayag si ate caye na magpakasak sila.

"Hoy panget! Wag kana magemote dyan! May regalo ako sayo!" Sigaw ni kuya saakin. Tinignan ko sya at may hawak syang maliit na box. Tumakbo ako at nalipitan ko sya.

"Para saan naman toh kuya?"

"Regalo ko to sayo. Nakakaawa ka kasi HAHAHAH joke lang. Oh eto sayo na yan" sabay abot saakin ng box. Nagtaka ako dahil gumalaw. Nanlaki ang mata ko nang buksan ko.

"OHMYGOSH!! Thank you kuyaaaaa. I lab you so much. Wieeee ang kyotttt." Isang babaeng teacup pomeranian na puti ang niregalo nya saakin ngayon. "Yieeeee!! Si chammy. HAHAHAH ang kyot ni chammy!!" Nagtaka naman si kuya

"Chammy?? Diba chimmy ung isa? Nice naman HAHAH"

"Walang pakielamanan kuya les. Eh sa gusto ko na yun ung pangalan. Hmp." Lumapit ako sa puntod ni chimmy at inilapit doon si chammy. May picture kasi sa gilid ng puntod. Lumapit doon si chammy at parang nalungkot sya dahil umupo sya doon.umuwi na din kami ni kuya les kasama si chammy. Dahil kakagaling lang namin sa office ni daddy. Si kuya na yung susunod na magiging president ng company. Nagawan nila nang paraan ung problema ng kompanya dati kaya lumago ukit ang trabaho. At si kuya ang nakaisip nang paraan. Kaya napagdesisyonan ni daddy na sakanya ipasa.pagdating namin sa bahay.nakahanda lahat ng maleta namin nasa sala. Sa tingin ko saakin lang tsaka kay kuya.

"Anong meron?? Bakit nakaimpake mga damit namin ni kuya?" Nakakapagtaka dahil nginitian lang nila akong lahat? Hmm... Something smells fishy!

"Dont worry torry papalayasin ka na namin." Seryosong sagot ni kuya. Sinamaan ko sya ng tingin. Lumapit ako kay mama. At yumakap sa balikat nya. Tawa lang sila ng tawa. "HAHAHAHA joke lang eto naman. Secret na kung bakit basta dalhin mo lahat nang mahahalagang gamit mo." Tumango nalang ako at umakyat karga karga si chammy. Pagakyat ko sa room ko kinuha ko na yung shoulder bag ko then my things. Tapos bumaba na ako. Pagbaba ko saktong lalabas na si mom, dad and kuya. Hmm... Saan kaya kami pupunta?

"Tara na torry alis na tayo." Pagaaya ni mom. Nilagay na nila lahat ng gamit namin ni kuya sa van at umalis na kami sa bahay. Dumeresto kami sa---

"Teka! Bat nandto tayo sa airport? Saan tayo pupunta kuya?" Di nila ako pinansin. Nang dumating na doon sinalubong namin si ate caye kasama si foochie ung aso din nilang shitzu. Naeexcite ako na ewan pero medyo kinakabahan din.

"Tara na?" Pagaaya ni ate caye. Hinug ako ni mom and dad.

"Take care of yourself doon ahh! Mag aral nang mabuti don. Wag masyadong gala nakooo" sabi ni daddy at hinug din ako. Tumango lang ako then pumasok na kami sa airport. Ilang minutes lang kaming naghintay bago makapasok sa airplane. Nakatulog lang ako habang hawak hawak si chammy di ko talaga sya binitawan. Ginising ako ni kuya at nakarating na kami sa--- "korea"

::::::::::::::::

Yeeyyyy

Best BitchesWhere stories live. Discover now