Chapter 5.

18.5K 267 22
                                    

PRIANNE

"AHHHHH!" sigaw ko habang nagpupumiglas dahil bigla na lang may humila sa akin habang naglalakad ako. Oh my god! If this is a prank, I swear... this is not funny!

Bago ko pa makita ang mukha niya ay mabilis niyang natakpan ang mga mata ko gamit ang itim na tela. Mabilis niya ring naitali ang mga kamay at paa ko kaya hindi na ako nakapalag. Shit! Feeling ko may tumutulong sa kanya kaya ang bilis niyang kumilos. This is really scaring the hell out of me!

Please Lord, hindi pa po ako ready! Marami pa akong pangarap!

"Miss, wala namang makakarinig sa'yo kahit sumigaw ka nang sumigaw kaya 'wag ka nang magtangkang sumigaw pa ulit. Pasensya na, inutusan lang kami ni Boss."

Parang familiar ang boses niya sa akin at hindi ko alam kung tama ba ako pero parang nakarinig pa ako ng pigil na tawanan.

"BOSS?! SHIT! ANO BANG KAILANGAN NIYO SA AKIN? WALA KA NAMANG MAPAPALA!" sigaw ko ulit habang para akong kiti-kiting nagpupumiglas dahil sa higpit nang pagkakatali sa akin. Puro masasamang salita na ang lumalabas sa bibig ko at sumasakit na ang lalamunan ko kakasigaw pero wala pa ring tulong na dumadating.

"Umayos ka kung ayaw mong may mangyaring masama sa'yo. Bubuhatin na nga lang kita ng mapabilis tayo! Ang daldal mo!"

Parang isang sako lang ako ng bigas nang buhatin niya ako sa balikat niya. Oh my god! NO! This cannot be happening! Ito na 'yon? Katapusan ko na ba?

"IBABA MO NGA AKO! UUWI NA AKO! WALA KAMING PAMBAYAD NG RANSOM SA INYO! HINDI KAMI MAYAMAN!"

Ano bang motibo ng mga hinayupak na 'to?! Wala naman akong maisip, wala naman akong maalala na may atraso kami kahit kanino.

Sa susunod talaga, kung may susunod pa, hindi na ako dadaan sa shortcut na 'to lalo na kapag gabi na ako makakauwi. Imbis na mapabilis ako sa pag-uwi sa bahay, mapapabilis pa yata ang kamatayan ko!

"Kung ayaw mong tumigil d'yan, ako na mismo ang magpapatahimik sa'yo," banta niya sa akin kaya lalo akong nataranta dahil baka patayin na niya ako rito.

Diyos ko! Ang bata ko pa!

"ANO?! NO! PLEASE, PAKAWALAN MO NA AK—"

Parang bigla na lang akong nakaramdam ng antok kaya hindi ko na naituloy ang sinasabi ko. Unti-unti na lang akong napapikit at hindi ko na alam kung anong nangyari.

"Sorry, Pri. We are only doing this for you. Sana mapatawad mo kami."

* * * Flashback * * *

PIERRE

"ANO?!"

Sabay pang napasigaw sina Kaylee at Gian nang marinig nila ang plano ko.

"Sus! May mali ba sa sinabi ko?" tanong ko sa kanila at parang hindi pa rin makapaniwala si Kayle sa sinabi ko kaya bigla niya akong binato ng unan.

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Pierre?" iiling-iling niyang tanong. "Bakit naman kasi 'yan pa gusto mong ipagawa sa amin?! Hindi 'yan madali kaya lahat ng sinabi mo, MALI!" duktong niya pa.

"Santong paspasan nga," sabi naman ni Gian habang nakahiga siya sa kama ko. Pinapunta ko kasi sila ni Kaylee rito sa bahay para matulungan nila ako sa plano ko.

"Isipin mo munang mabuti 'yan, bro. Malaking gulo 'yan kapag may nakahuli sa atin," sabi pa ni Gian at nagpaliwanag naman ako.

"Sinubukan ko naman siyang daanin sa santong dasalan pero wala namang nangyari. That is why I came up with this plan B. Kung hindi pa rin mag-wo-work, tsaka na ako mag-i-isip ng iba pang paraan."

"Kinabahan ako sa'yo bigla, ah? Parang ayaw ko nang marinig ang iba mo pang plano, bro. Ito nga lang ang hirap na, eh. At siguradong magagalit pa lalo sa'yo si Pri kapag nalaman niyang kasabwat mo pa kami," sagot naman ni Gian.

"Exactly! Kaya Pierre... ibang favor na lang hilingin mo sa amin ni Gian, please? 'Wag lang 'to," pagpupumilit naman sa akin ni Kaylee pero umiling lang ako. Hindi na talaga magbabago ang isip ko dahil sa tingin ko, ito lang ang paraan para magkausap kami ni Prianne.

"Desperado na talaga ako. Please, guys? Tulungan niyo na ako," pakiusap ko sa kanila at lumuhod pa ako sa harap nila sabay paawa.

"Tigilan mo nga 'yang ginagawa mo, bro. Mukha kang tanga," komento naman ni Gian bago siya bumaling kay Kaylee. "Ano sa tingin mo? Tutulungan na ba natin ang isang 'to?"

Wala namang nagawa si Kaylee kung hindi ang huminga nang malalim at tumango sa amin ni Gian.

"Gagawin ko 'to para sa best friend ko," sabi niya pa tsaka niya ako dinuro-duro. "Ikaw Pierre, ha! Sinasabi ko lang sa'yo! Huli na 'to. Kapag pinaiyak mo na naman ang best friend ko, lagot ka sa akin!"

Agad naman akong tumayo mula sa pagkakaluhod ko at masaya ko silang niyakap.

"Kaya mahal ko kayo, eh! Thank you, guys. Promise, babawi na talaga ako sa kanya."

"We are only doing this for our friendship and for Pri. If you mess up once again, bahala ka na," seryosong paalala naman ni Gian sa akin at agad akong sumaludo sa kanya.

"I won't, bro. You can trust me," paninigurado ko pa.

"So... what is the whole plan?" curious na tanong naman ni Kaylee. "Of course, bukod do'n sa kidnapping kuno na magaganap."

"Gabi. Kailangan gabi siya umuwi," panimula ko.

"Bukas, Pierre. Gabi ang uwi niya dahil may meeting siya sa student org niya. Sure ako na ro'n siya dadaan sa shortcut," sagot naman ni Kaylee habang naglalaro siya ng isang app sa tablet niya. "Isa pa, if we are going to kidnap my best friend, kailangan natin ng pampatulog para siguradong hindi siya makakagawa ng sobrang ingay. In that way, hindi tayo mahuhuli," duktong pa niya.

"Oh, sige. Para wala tayong maging problema," sang-ayon ko naman. "Tingin mo ba may makukuha kang gano'n sa gamit ni Tita Tammy, Kaylee?" tanong ko pa sa kanya. Doktora kasi ang mommy niya at may sarili silang clinic kaya hindi imposible ang sinasabi niya.

"Mayro'n naman siguro. Hahanapin ko sa stocks ni Mommy," sagot naman ni Kaylee at natatarantang sumingit si Gian.

"Woah! Teka, teka! Parang sobra naman na yata kung gagamit pa tayo ng gano'n!" nag-a-alalang sabi naman ni Gian.

"Ipapaamoy lang naman natin sa kanya. Hindi naman siguro masama 'yon, 'di ba?" sagot ni Kaylee. "Kilala naman natin si Prianne, siguradong magwawala 'yon if she will be put in that situation kaya lalo tayong mahihirapan."

"If she gets out of hand, do'n na lang natin gamitin. Pero hangga't kaya pa siyang i-manage, 'wag na, okay? We have to think about her safety, too," suggestion naman ni Gian at sumang-ayon naman kami ni Kaylee sa kanya. Mas makakabuti nga siguro kung second option na lang 'yong pampatulog.

"Okay, pagkatapos niyong kunin si Pri, dadalhin niyo siya sa tambayan natin. Ako na ang mag-pe-prepare ng dinner para sa amin tapos mag-u-usap kami," pagpapatuloy ko at umiling na lang si Gian.

"Good luck na lang sa atin. Lalo na sa amin ni Kaylee," sabi niya pa at nag-thumbs up na lang ako sa kanilang dalawa.

"Salamat talaga, guys! I am counting on you," sabi ko pa. "Hayaan niyo, makakabawi rin ako."

Sabay na lang silang tumango at napangiti naman ako.

"Let's do this."

ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon