PRIANNE
Napabalikwas ako ng bangon dahil naalimpungatan ako. Parang pakiramdam ko, ang tagal kong natulog nang idilat ko ang mga mata ko. Napahawak pa ako sa noo ko at napadaing pa sa sakit nang mauntog sa isang matigas na bagay.
"Ouch!" I cringed.
Muli kong idinalat ang mga mata ko habang hinahaplos ko ang parte ng noo ko na tumama at do'n ko lang siya napansin. Mukhang nakayuko siya sa harap ko kanina kaya nagkauntugan kami. Busangot na mukha ang isinalubong ko sa kanya at nag-peace sign lang siya sa akin.
"Ano'ng ginagawa mo rito?!" masungit na tanong ko. Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid kahit na wala pa siyang sagot. Nandito pala kami sa tambayan ng barkada at dito ako sa sofa nakatulog. Nagtataka tuloy ako na tumingin sa kanya dahil wala akong ideya kung paano ako nakarating dito. "At ano'ng ginagawa ko rito?!"
"Teka lang, Prianne. Easy! Isa-isa lang ang tanong, mahina ang kalaban," biro niya naman at nakuha niya pang tumawa. Parang tanga lang.
Pero aaminin ko, gumaan ang pakiramdam ko dahil siya ang kasama ko ngayon. Sa pagkakaalala ko kasi, may kumuha sa akin do'n sa eskinita na dinaanan ko. Pero wait! Oh my god! Hindi kaya stalker ko si Pierre at siya ang kumuha sa akin kanina?
"Paano nga ako napunta rito?!" tanong ko sa kanya. "May kinalaman ka ba sa pag-kidnap sa akin?!"
"Well... I guess you could say that I am the mastermind of your so-called kidnapping," pag-amin niya at sisigaw na sana ulit ako pero pinatahimik niya lang ako. "With the help of Kaylee and Gian, of course."
"WHAT?! TALAGANG IDINAMAY MO PA 'YUNG DALAWA?!" Hindi ako makapaniwala sa lalaking 'to! Mapapatay ko yata siya! "You think this is funny, Pierre? Well, this is not! Tinakot mo ako! How dare you!? Gago ka!"
Habang nagwawala ako sa harap niya, hinawakan niya lang ako sa magkabilang balikat ko kaya nagkatinginan kami. Tumigil tuloy ako sa pag-ta-tantrums ko na parang bata sabay iwas ng tingin. Mukhang hindi na yata ako sanay na ganito kami kalapit sa isa't isa.
"Yahnie, look... I am really, really sorry. Kaya ko lang naman nagawa 'to kasi gusto talaga kitang makausap. 'Wag ka sanang magalit do'n sa dalawa dahil pinilit ko lang naman sila," paliwanag niya.
I gave him a soft look when he called me by my nickname 'Yahnie', a nickname from him. It has been too long since I last heard him calling me that name. I missed that. I missed hearing it from him.
Pero hindi ako pwedeng magpadala dahil lang tinawag niya ako sa nickname na 'yon. I have to be firm with him.
"Hindi mo man lang ba inisip na baka matakot ako o ano?! Isa pa, baka hinahanap na rin ako nina Mama. Nag-aalala na 'yon sa akin kaya hindi mo 'to dapat ginawa," masungit kong sabi sa kanya. "Uuwi na lang ako."
"Yahnie... please? Just hear me out." Parang nagmamakaawa ang tono ng boses niya kaya natigilan naman ako. Ano na naman bang drama 'to? "Tinawagan namin nina Kaylee sina Tita Mindy kanina habang natutulog ka. Ipinagpaalam namin na may sleepover tayo rito kina Gian ngayon at papahiramin ka na lang daw ni Kaylee ng damit niya mamaya para makapagpalit ka. May dala raw siya para sa'yo."
"Wow, hindi naman kayo sobrang handa, ha?" sarkastiko kong sabi at umirap na lang ako sa kanya. "Oh, ano bang gusto mong mangyari ngayon?" tanong ko.
"Usap tayo."
"We are already talking, Pierre. In case you haven't noticed that yet," I pointed out.
"Doon sa table. I prepared a dinner for us," sabi niya naman sabay turo sa gitna. Lumingon ako at do'n ko lang napansin ang magarang ayos ng dating bakanteng space sa tambayan namin. It looks like a formal dinner in a high-end restaurant. May mga untesils, candles at table napkins pa sa mesa.
BINABASA MO ANG
Complicated
Teen FictionPrianne has always been in love with Pierre--her long-time friend, at matagal na ring alam ni Pierre ang nararamdaman ng kaibigan para sa kanya. Yet, she is only a friend to him and nothing more. But just when Prianne is finally starting to see her...