Chapter 3.

22K 300 17
                                    

PIERRE

Masakit ang ulo ko nang bumangon ako kinabukasan. Ni hindi ko na nakuhang mag-almusal kaya pagkatapos kong maligo at magbihis ay dumiretso agad ako sa school. Mabuti na lang at maagang umalis si Mama ngayon para magpunta sa palengke kaya walang manenermon sa akin. Si Papa naman, nasa Dubai. Nurse siya ro'n kaya wala siya rito sa bahay.

"Mukhang hindi maganda ang gising natin, ah?" bungad sa akin ni Gian nang makasalubong ko siya sa entrance ng school.

"Eh 'di ikaw na maganda gising," balik ko naman sa kanya at dire-diretso akong naglakad papunta sa room namin. Tinawanan na lang ako ni Gian habang sumusunod siya sa akin kaya napailing na lang ako.

"Ano nang balak mo ngayon?" tanong niya naman sa akin pagkatapos kong ibaba ang bag ko sa upuan.

"I-te-text ko si Alvin. Baka pwede kaming mag-usap mamaya kung maisisingit niya sa training niya," sagot ko sa kanya. "Sasama ka ba?"

"Hindi na. Baka magsuntukan pa kayo, eksena na naman 'yan," biro niya at sinamaan ko na naman siya ng tingin.

"Mukha mo," balik ko pa sa kanya. "Ano, sasama ka o sasama?"

"You are leaving me with no choice, bro. Ba't ka pa nagtatanong?" Napakamot na lang siya sa batok niya. "Oo na, sasama na."

"Sasama ka rin naman pala," sabi ko pa at umiling naman siya.

"Eh wala namang pagpipilian. Good luck na lang," tinapik niya pa ako sa likod tsaka siya nagpaalam na lalabas muna siya para hintayin si Kaylee.

Lunch time. Nakipag-set ako kay Alvin sa cafeteria para makapag-usap kaming dalawa. Kasama ko si Gian kaya dalawa kaming naghanap kung saan nakaupo si Alvin.

"Uy, mga bro!"

Narinig naming tinatawag kami ni Alvin kaya lumapit kami sa kanya nang makita namin siya. Nakipag-fist bump pa siya sa amin ni Gian. Tropa din kasi kaming tatlo kahit na nasa kabilang section siya. Dalawang sections kasi ang fourth year sa amin.

"Pasensya na, 'pre. Kami na nga 'tong may kailangan tapos ikaw pa ang naghintay. Tagal kasi magsermon ni Sir," paliwanag ko nang makaupo na kaming tatlo.

"Ayos lang! Halos kararating ko lang din naman," sagot niya sa akin at hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa. "Ano nga pala ang importanteng bagay na kailangan nating pag-usapan, 'pre?"

"Hindi na rin ako magpapaliguy-ligoy pa, let me get straight to the point... kayo ba ni Maica?" dire-diretsong tanong ko. Si Gian ay tahimik lang na nakatingin sa aming dalawa, parang naghihintay siya kung may mangyayaring gulo na naman ba.

"Yeah, mag-o-one year na kami next month. Sikreto nga lang ang tungkol do'n dahil gusto ko muna ng privacy pero hindi ko naman itinatanggi ang tungkol do'n kapag may nagtatanong," paliwanag niya. "What is up with the sudden curiosity about our relationship, bro? May problema ba?"

I cursed under my breath. Iiling-iling lang ako at si Gian na ang sumagot para sa akin.

"I think you both have a problem," seryoso niyang sabi habang kung anu-anong mura na ang binabanggit ko sa isip ko. Shit!

"Huh?" Halatang naguguluhan si Alvin kaya nagpaliwanag ako sa kanya.

"Sorry 'pre, hindi ko sinasadya pero... ganito kasi... kami ni Maica. I mean, siya at ako... we are also together."

Ikinuyom ni Alvin ang kamao niya at halatang-halata ang pagpipigil niya. Grade six palang ay magkaibigan na kami kaya naiintindihan ko kung bakit kahit na gusto niya akong suntukin, hindi niya magawa. Hindi ko rin naman kasalanan, wala akong alam.

ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon