I am Ram

125 1 0
                                    

Hi I am Ram Aygle. 19 years old pero di halata sa height. Haha! Eh wala tayong magagawa dun, nakapayong kasi ako nung panahong nagsabog ng tangkad si God. I am studying at De Lasalle University kung sang branch? I will not mention na lang for security purposes.
Baka iniisip nyo, dahil pumapasok ako sa isa sa kilalang school sa ating bansa, eh rich kid na ako. Nagkakamali kayo, hindi kami mayaman, sakto lang, kumbaga may kaya lang sa buhay.Im taking up Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management. And I am Bifemme, pero hindi out. Wala eh thats life.




"Ram! May pasok ka ba ngayon? Alas otso na oh!" Tanong ni Inay sakin habang nasa pinto ng kwarto ko.


Napangiti ako ng kusa, pag mulat ng mata ko, knowing na, special ang araw na ito dahil after ng katakot takot na defense, pasahan na ng final copy ng thesis namin, atlast after that hihiga, gagala, tutulog na lang kami at maghihintay na lang ng release ng list of batch 2016 and syempre graduation.

"Meron, may ipapasa lang kami sa school" tapos bumangon na ako at naligo.


15 minutes na akong nakatitig sa closet ko, dahil hindi ko alam ang isusuot ko. Haha! So I decided na, mag long sleeve na black, then white pants then rubber shoes. So after ko mag eye liner ng kulay black, nag pulbo at nag lipstick, sinakbit ko na yung bag ko at lumabas ng kwarto.



"Na, alis na ako!" Paalam ko kay inay.

"Oh? Di ka na kakain?" Tanong nya habang umiinom ng kape sa dining area.

"Hindi na, sa school na lang. Kakain rin naman kami mamaya after namin magpasa eh" tapos lumabas na ako.



After 20 mins.nakarating na din naman ako kaagad sa school. Dire-diretso lang ako sa pag pasok ng gate. Alam nyo yung feeling na like a boss! Yung poker face yung mukha, tapos medyo messy yung buhok, and then naka earphone na habang naglalakad feeling ko gumagawa ako ng music video.

Playing: Barcelona by Glaiza De Castro

at ng makarating na ko ng second gate, para makapasok sa building ng department namin, hinarang ako ng guard.

"Miss, bakit di ka naka uniform?"

tiningnan ko muna sya ng mga 3 seconds, and then saka ako nagsalita.. still poker face pa rin, walang reaksyon sa mukha ko.

"4th year po, magpapasa lang ng thesis" and then pinakita ko yung ID ko.

tapos yun,.. sinundot na nun guard yung bag ko, hindi naman kasi pag che-check ang tawag dun eh. Feeling ko nga, member ng "sundot saging gang" ang mga guard namin sa school eh! Pati na rin yung mga guard sa SM.





Nag swipe na ako ng ID, and then napatigil ako ng sandali pagpasok sa building namin. Iniisip ko kasi kung mag e-elevator ba ako o mag hahagdan. Haha..nakaka pagod kaya umakyat hanggang 4th floor,kaya kahit na bawal gamitin ng mga estudyante na gaya ko ang elevator, dahil for faculty members lang yun, nag elevator pa rin ako. (Sorna bes! Medyo pasaway!) haha.




"ting" 4th floor



Nag diretso na ako sa waiting area, dahil nandun na ang groupmates ko.

"Atlast, after 100 years. Isang oras na kaming naghihintay dito oh! Muntik na kaming tubuan ng ugat" Pabirong sabi ni CJ.

The Story of Us!Where stories live. Discover now