"Nakakapagod mag hakot ng gamit natin ahh! Pero atleast, mas malaki ang bahay na to kesa dun sa una" sabi ko sa mgapinsan ko habang nag aayos ng gamit sa kam, at as always, katabi ko na naman si Wila. Haha. Lumipat na kasi kami ng bahay. Dito na sa bahay na paulit ulit namin nirerentahan kapag nagbabakasyon kami dito.
"Oo, nga tas may sarili pa tayong CR sa kwarto" sagot ni Wila.
"Oh! Tara na! Sayang oras, mamaya nyo na yan ayosin. Marami tayong pupuntahan" Sabi samin ni ate Lanie na bihis na bihis na.
so dali dali kaming nag retouch. At feel na feel ko ang #OOTD ko ngayong araw. Black Shirt, tapos may long sleeve na crimson, then Jacket, tapos naka ripped jeans with matching shades.
First Destination namin ang strawberrt farm kasi yun yung malayo, sa La Trinidad pa. Gusto sana namin puntahan ang La Presa dahil medyo sikat sya, dahil sa "forevermore" na teleserye kaso, malayo daw yun sabi ni manong driver.
Siguro may 30-45mins. din kami nasa byahe, dahil may kalayuan nga ang strawberry farm.
"Wow! Ang init!" tapos sabay punas ko sa pawis ko.
"Hahaha! Sira ang OOTD" asar ni Loloy sakin.
di ko na lang pinansin, pero for the sake of pictures, tiis! Haha!
"Ang init ngayon dito, last time nung pumunta tayo dito, hindi ganito kainit" sabi ni inay.
"Pano eh, buwan naman yun ng disyembre" sagot naman ni tatay.
"Woooooow! Stawberry Ice cream" Nanlaki talaga yung mata ko. "Tay! Gusto ko" tas tinuro ko yung ice cream.
"Bumili ka" utos nya sakin. Tapos binigyan nya ko ng pera.
Nagbilihan rin ang mga pinsan ko, at bumili pa ulit kami ng maubos yung kinakain namin kasi masarap talaga sya, feeling ko nga yun pa lang yung pinaka masarap na strawberry ice cream na natikman ko. Bumili rin sina Tatay, at ganun rin sila, naka dalwang ice cream.
"Kuya! Dapat may hiling na yan, dami na naming bumili sayo oh" Biro ko sa tindero.
"Oo nga kuya, damihan mo naman" Pang uuto ni cheche.
tapos dinagdagan nga ni kuya.
Habang busy pa si kuya sa pag scoop ng ice cream, nagtanong yung kapatid ko si Loloy, "Kung, naniniwala po ba kayo sa forever" tapos napatawa si kuya na tindero.
"Kuya, naniniwala po ba kayo?" inulit ni danica yung tanong.
"Opo naman" tapos nag tawanan kaming lahat pati si kuyang tindero dahil tila kinilig sya sa tanong.
So, dahil nasa strawberry farm kami, nanguha at pumitas na kami ng strawberries, saka ng Letus. With matching picture takings (Nasa IG ko po @ricaredux)
After that, napadaan kami sa isang tindahan ng Wine. At nag free taste kami syempre.
"Oh? alin yung gusto mo?" tanong sakin ni inay habang tinitikman ko yung mga wines.
"Itong isang to, pero matapang" turo ko sa kulay green na bote ng wine.
Naghubad na rin ako ng jacket that time kasi, medyo pinagpawisan na ako. Di ko na kinaya ang init.
YOU ARE READING
The Story of Us!
Non-FictionThis is a Semi Real Story of the author. Yung settings, yung events, yung characters ay totoo may konting changes lang for privacy purposes. This story is for open minded people, this is for LGBT pips! XD (Makakarelate kayo) unique ang story na to i...