"Hello, oh! On the way na ako."
"ah! Sige sige"
kausap ko ngayon si Tatay sa cellphone, ewan ko ba kung bakit atat na atat sya sa pag uwi ko sa resthouse. Eh wala naman akong gagawin dun kundi gumala, at kung minsan mag cover ng kanta kasama yung mga pinsan ko.
After 40mins. Nakarating na rin ako.
"Ma, para po sa tabi" tapos bumaba na ako.
habang naglalakad, nasalubong ko yung pinsan ko si Wila. Isa sya sa pinaka favorite na pinsan ko dahil kalog sya, at masarap kasama.
"Ate Ram, totoo ga? na pupunta kayong baguio?"
medyo kumunot yung noo ko. "Ha? eh, Hindi ah. Nung tinanong ko kasi si tatay last time sabi nya, pagbalik ko na lang daw galing US."
naglakad kami papunta sa bahay habang nag uusap.
"Eh, bat sabi pupunta daw kayo?" pangungulit nya.
napansin ko na nasa tapat na kami ng bahay namin, pero sarado yung pinto, kaya dumiretso kami ni wila sa bahay ng tita ko, dahil malamang nandun sila Inay.
"Eh, di ko alam. Wala naman kasing nababanggit si tatay eh" curious na sagot ko.
kakaupo ko pa lang sa teris ng bahay ng pinsan ko, ng biglang umimik si inay.
"Tara sa baguio!" nakatingin sya sakin na may excitement. Habang ako naman poker face.
"oh? akala ko ba pag balik ko na?" tanong ko sa kanila.
sumagot naman si Tatay. "Eh, tag ulan na kasi pag balik mo, delikado kapag nagpunta tayo dun"
Halos pumalakpak naman yung tenga ko sa narinig ko. Pero bigla akong napaisip at nagtanong. "Sino mga kasama?"
"Tayo tayo lang. Family." Sagot naman agad ni inay.
medyo sumama naman ang mukha ko nung marinig ko yun. "eh! Bakit tayo lang? Ang boring naman. Despidida ko kaya yun, kahit na 4 mos. lang ako sa US. So dapat kasama sina Cheche,Tina, Wila, at Danica." katwiran ko sa kanila. Eh ang boring naman kasi kung kami lang, mas masaya kung kasama yung malalapit na pinsan ko.
"Okay! Okay! Sige ipagpapaalam ko sila sa mga magulang nila" Sagot ni tatay. Eh malakas talaga ako sa kanya. Haha.
"So kailan? " tanong ko sa kanila.
"Sa sabado, para walang pasok yung mga pinsan mo, tapos babalik rin tayo ng Martes ng Hapon"
So to cut long story short, pinag paalam na ni tatay yung mga pinsan ko sa parents nila.
After that convo, nagmerienda kami ng mga pinsan ko, and then nabanggit ko nga yung tungkol sa Vacation na yun. At excited naman sila, hoping na papayag mga parents nila.
7:00pm umuwi na rin kami sa bahay namin. At habang nasa kwarto ako naisipan ko mag bukas ng FB. At nagulat ako dahil sa notification ko may flood likes. At galing yun sa pinsan ng bago ng ex ko.
Napa tweet na lang ako.
"Tumatambay ka na naman sa wall ko. Yung floods oh! Halata ka!"
Nagtataka lang ako bat nang i-stalk yung pinsan ng bago ng ex ko. Well, wala naman na yun sakin eh. Tapos na yun, natatawa lang ako dahil sobrang halata naman yung pang i-stalk na ginagawa nila.
YOU ARE READING
The Story of Us!
Non-FictionThis is a Semi Real Story of the author. Yung settings, yung events, yung characters ay totoo may konting changes lang for privacy purposes. This story is for open minded people, this is for LGBT pips! XD (Makakarelate kayo) unique ang story na to i...