Chapter 15: Party

418 18 0
                                    

Hailey's POV

Nandito pa rin kami ni Arzel sa Mall. Nagpaka- Gentleman nga sya. Pero pinagsisihan din nya yun. nagprisinta kasi sya na sya na lang mag-Dala ng mga pinamili ko. Pero di nya alam na andami kong binili. Tawa lang ako tawa sa kanya. 

Maya-maya. Napagpasiyahan na namin na umuwi na. Naawa na din ako sa Arzel kasi andami nyang dala. Nang umuwi na kami sa bahay namin. Actually nakatira na kami sa iisang bahay. Kaya ayun bumili na lang ako ng Groceries kanina para sa mga lulutuin. Hindi naman ako marunong magluto. Prito lang naman kaya ko. Pero kanina sabi nya sa akin magaling daw sya magluto. Di lang daw halata. Sya rin daw magluluto ng Dinner namin mamaya. 

Pumunta ako sa kwarto ko. Humilata agad ako. Nabo-boring na naman ako. Tapos na kasi mag-shopping wala na akong alam kung anong gagawin. Narinig kong may nag-doorbell lumabas muna ako ng kwarto ko. Sinilip ko kung nasa baba ba pero wala sya. Kaya naman ako na ang nagbukas ng pinto. Pag tingala ko pa lang nakita ko na ang grupo ng mga gwapong lalaki. Binibnilang ko sila kung ilan sila gamit ang mata ko. 1...2...3..4! Apat sila. Ang ga-gwapo! Lord nasa langit na po ba ako? Nagulat naman ako nang nagsalita yung lalaking nasa harap ko

"Dito ba nakatira si Arzel?" Tanong nya. Nagniningning na ang mata ko. Magsasalita pa lang ako ng may sumigaw sa likod ko

"Oh? Mga Pre? Andito na pala Kayo!" Agad naman ako sumimangot. Binigyan ko si Arzeel ng isang Dath Glare. Hindi nya ba alm na maga-activate na sana ang landi hormones ko? Sumingit lang talaga syang kumag sya at naudlot yung pag-activate nila!

At dahil sa inis ko. Umakyat ako ng nakabusangot. Habang paakyat ako. Pasimple akong sumilip. Omo!! Ang ga-gwapo talaga nila. Pumnasok na ako sa kwarto ko. Nagpalit muna ako ng damit ko. Tinanggal ko na rin yung kakaunting makeup ko sa mukha ko. 

Habang papunta ako sa kama ko. Nakita ko ang phone ko. At nakaisip na naman ako ng magandang Ideya. *Evil Laugh*. Papapuntahin ko ang mga kaibigan kong baliw. Agad 'kong sinimulan ang group Call. Sinagot nilaang lahat pero bakit si Regan hindi. Nagtataka ako.

"Girls? Sinong pwede ngayon? May mga gwapong lalaki dito sa bahay ko!"

[("ASDFGHJKL!!!")] Agad 'kong nilayo ang phone ko sa tenga ko. Ang ingay nila. Sabay-sabay pa. Hini ko tuloy maintindihan

"Ano ba yan?! Isa-isa lang naman. Ansakit kaya sa Eardrums 'di nyo ba naririnig!" Pagsabi ko sa kanila non agad naman silang nagsitahimik. 

"Sino ang 'di sasama?" Pagpapatuloy ko.

[(" Apat lang kami na sasama. Si Regan hindi pa nauwi. Si Euanne naman nasa Batangas. Pinapapunta ng Mom nya.")] Pagpapaliwanag ni Lily. In-end ko na yung Call. Ti-next ko sa kanila yung Address ng bahay ko. 

Nakaramdam naman ako ng gutom kaya bumaba ako. Nakita ko naman sila na nagi-inom sa baba. Pumunta ako sa Refridgerator. Kukunin ko na sana yung Chocolates na binili ko kanina. Nang may maamoy ako na masarap. Sinundaan ko yung amoy. Aha! Tiningnan ko kung ao yun. La-LASAGNA!!!!!!! Agad-agad akong kumuha nang tinidor at pinapak ang Lasagna. Mabilis 'kong naubos ang Lasagna. Paalis na sana ako nang may sumigaw sa likod ko Uh-oh..

"YUNG LASAGNA?!" Galit na sigaw ni Arzel.

In my Peripheral Vision nakita ko syang tumingin sa akin kaya huminga ako ng malalim at humarap sa kanya.

"Sorry!" Sabay nag-peace sign pa ako sa kanya. Agad naman nagbago ang facial expression ni Arzel. Tatalikod na sana ako ng bigla nya akong sakalin. Nagulat naman ako sa ginawa nya. 

"Inubos mo pala ha?" Pang-aasar nya sa akin

Ngumiwi naman ako sa ginagawa nya sa akin. Ang kulit-kulit nya! Wala naman akong nagawa kundi kagatin sya. 

"Araaaaaaaaaaaaaaaaaayyyyy!!!!" Sigaw nya. Nagulat naman ako nang mapahiga sya. Kaya nasama nya ako. Uupo na sana ako. Nang may sumigaw sa bandang likuran namin

"Wow pre? Gusto mo na pala magka-anak?"-Aiden

"Pre? Hokage Moves ah!" -Ethan

"Wooh! Ninong ako!" -Jacob

"Nakakaistorbo yata kame sa inyo Pre?" -Alexander

Doon ko lang na-realize yung posisyon namin ni Arzel. Omo! Nakapatong ako kay Arzel habang ako nakaupo! Sh!t Umayghaad! Agad akong tumayo. May narinig akong nag-doorbell siguro 'yon. Hinayaan ko na lang sila. Si Arzel na lang magbukas non! Hiyang-hiya na talaga ako ngayon. Ghaad

Sinalampak ko agad yung mukha ko sa kama. Hiyang-hiyang na talaga ako. Humarap ako sa salamin. Nakita ko yung mukha ko para nang kamatis sa pula. Maya-maya may kumatok sa pintuan ko. Nakita ko naman sila Macky, Czarina, Emma at Lili. Na nagpipigil ng tili nila. Isinarado naman nila yung Pinto. Pagkatapos pinakawalan na nila ang tili nila sa kwarto ko. Aggad-agad naman akong nagtakip ng tainga ko. Tili lang sila ng tili. Ano pa bang aasahan? Hay naku!

"Omayghaad! Girl ang Gwafuu!" -Czarina

"Kanin at ulam na!" -Lili

"Fafa!" -Macky

"Iuwi ko na!" -Emma

Pagkatapos ng ilang minuto ay tumigi na rin sila. Sabay- sabay kaming bumaba. Nahihiya pa rin ako sa kanila. Kaya hindi ko na sila pinansin. Tagusan lang ang tingin ko sa kanila. Pumunta ako sa mga beer at uminom ng alak. Diretso 'kong ininom yun. Agad namang may gumuhit sa lalamunan ko. Naglagay pa ako sa basa ko. Nagmistulang bar ang bahay namin. Sa ingay. Sa iba't ibang ilaw. At sa madilim na paligid. Nakakalimang baso na ako pero mistulang walang epekto pa rin ito sa akin. Mag-isa akong nainom sa upuan.Habang sila nagsasayawan at umiinum habang nakatayo at sumasabay sa malakas na tugtog na bumabalot sa bahay na ito. 

Lumagok ulit ako. Halos maubos ko na ang isang bote ng beer. Pinagmasdan ko sila. Ang saya-saya nila. Napangiti na lang ako sa mga nakikita ko. Maglalagay pa sana ulit ako ng beer ng may pumigil sa akin. Si Arzel. Mukhang lasing na sya. Madami na ba 'tong nainom? Malamang lasing nga. Antanga-tanga mo talaga Hailey.

"Tam *hiks* na yan" Parang tangaa nyang utos sa akin. 

Bumuntong-hininga na lang ako nang makita ko ang kalagayan nya. Para sya lasinggero na lasing na lasing sa alak.

"Matulog ka na nga." Mahinahon 'kong sabi sa kanya pero agad syang umiling.

"Ayaw ko matulog." Muntanga talaga sya. Pagewang-gewang na yung ulo nya pero ayaw nya pa ring matulog. 

Binitawan nya na ang kamay ko. Kaya nakalagay pa ako ng beer sa baso ko. Nakatulog na rin sya sa mesa. Bumigay na talaga. Pumunta ako sa kanila. Mukhang lasing na rin sila. Natutulog na kasi sila. Ang mga lalaki kung saan-saan nakahilata. Samantalang si Macky na lang ang babaeng nakahiga sa sofa katabi si Jacob. Napangiti naman ako ng labas ngipin. Agad 'kong pinatay ang tugtog at ang makukulay na ilaw. Umakyat ako sa kwarto ko. Nakita 'kong natutulog na ng mahimbig ang mga babaita. Kumuha ako ng banig sa Cabinet at inilatag sa baba. Pinagulong ko ang mga lalaki na nakahiga sa sahig. Bahala sila sa buhay nila. Nagligpit na rin ako. Binuhat ko si Arzel papuntang kwarto nya. Tinanggal ko ang tsinelas nya. At hinubad ko ang damit nya. Basang-basa na sya ng pawis. Pinalakasan ko ang Aircon at kinumutan sya. Naupo naman ako sa Edge ng kama. Maya-maya. Hindi ko na namalayang nakatulog na ako

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hello sa inyo! Thanks for supporting My Kind of Bad Girl! Sana magsilabasan na dyan yung magagaling gumawa ng Cover at i-pm ang inang sinilangan. Charr lang! Add me on Facebook. Rafaela Janina E. Arita. Bye! 

                              -----------------Author na maganda

My Kind of BAD GirlWhere stories live. Discover now