Arzel's POV
Paggising ko nakita ko si Hailey na nakaupo habang natutulog sa gilid ng kama ko. Mukhang pagod na pagod sya. Agad akong tumayo at binuhat papunta sa kama. Kinumutan ko sya para di sya lamigin.
Bumaba ako. Nakita 'kong bagong gising pa lang sina Alex, Ethan at Aiden. Kinukusot-kusot pa nila ang mga mata nila. Parang wala lang nangyare dito kagabi. Ang linis-linis dito. Siguro nilinis 'to ni Hailey. Hay naku. Napagod siguro sya. Ang dami-daming kalat dito kagabi. Ano kayang oras sya natulog. Tiningna ko ang kalendaryo. Uy? Malapit na pala kami gum-raduate. Ilang linggo nalang pala. At malapit na rin pala ang kasal namin ni Hailey. Hay naku... "ang bilis nang panahon.
Pumunta ako ng Fridge at tiningnan kung anong pwedeng mailuto para sa agahan. Npag-isipan 'kong magluto na lang ng Carbonara at Spaghetti. Maya-maya may narinig akong sigaw sa Salas. Pinuntahan ko at tinukoy kung sino ang sumigaw. Si Macky at si Jacob.
"Anong Ginawa mo sa 'kin Jacob?! Pinagkatiwalaan pa man din kita Huhuhu" Paarteng sabi ni Macky
"Anong ginawa? Kita mo namang may damit pa tayo! Kung ano-ano kasing iniisip mo!" Sagot ni Jacob at sa tingin ko inis na sila sa isa't-isa.
Hindi ko na sila inintindi. Pumunta na ako sa kusina para magluto. Kukunin ko na sana yung gagamitin 'kong pasta nang tingnan ko ay wala na sa kinalagyan nya kanina. Hinanap ko nang hinanap.
"Ito ba ang hinahanap mo?" Mapang-asar na tanong ni Emma na may kasama pang ngisi.
Jusko! Bakit ko ba nakalimutan na baliw pala 'tong babaeng 'to? Lumapit ako sa kanya at tinangkang hablutin ito. Pero makulit talaga sya. 'yun na lang ang natitirang pasta kasi nakalimutan 'kong bumili. Hay naku. Makakalimutin na yata ako. Pero syempre gwapo ako. May magagawa naman ako dito.
"Let's have a deal. If you will give me that fvcking Uncooked Pasta i'll be giving you a------" Pinutol nya ang dapat na sasabihin ko.
"You'll kiss me if i give this to you! Deal?" Hay nako! Kiss. Sus chicken lang yan sa akin.
"Deal!" Pagkasabi ko non ibinigay nya na sa akin yung Pasta. Pumunta na ako sa kusina para maghiwa nang Onion at Garlic. Nang bigla na naman syang mangulit.
"Asan na yung Kiss ko" Pa-pout-pout nya pang sabi. Tss. di naman bagay.
Syempre para hindi na sya mangulit binigay ko na ang gusto nya. Syempre 'di ko na tinagalan. May gagawin pa ako. Pagkatapos non 'di na sya nangulit pa.
**
Natapos ko nang lutuin ang lahat. Tinawag ko na rin sila. Pero hindi pa rin bumababa si Hailey. Kaya naman pumunta ako sa room ko at sinilip sya. Tulog pa rin. Paano kung gutom na sya? Iiwan ko na lang ba sya dito o gigisingin ko pa sya? Hay! Bahala na.
Marahan ko syang tinapik. Akala ko hindi sya magigising pero mali pala ang akala ko. Tiningnan nya ako ng saglit at agad tumayo ng walang sabi-sabi. Pagbaba ko pumunta na ako sa hapag-kainan. Nang makita 'kong wala sya nagtaka naman ako. Nasaan na kaya 'yun?
Hinanap ko sya sa buong loob ng bahay pero wala sya. Pinakain ko na rin sila baka kasi mamaya gutom na sila. Sayang naman yung niluto ko
Hailey's POV
Nagising ako dahil sa sikat nang araw. Bababa na sana ako para uminom ng tubig nang makita ko si Arzel na hinahalikan si Emma. Bigla naman akong nanlumo sa nakita ko. Parang nagbago na ang isip ko sa pagbaba. Pumasok na lang ulit ako sa kwarto ni Arzel para walang makahalata na nagising ako.

YOU ARE READING
My Kind of BAD Girl
RomanceNagbago dahil sa mga Nangyari sa Nakaraan. Angel fallen to hell nga ika nila. Kailangan akong ikasal sa Taong 'di ko mahal at 'di ako mahal. Ngunilt paano na lang kung isang araw mahulog ako sa kanya. Ngunit may isang taong masasaktan dahil sa Pagka...