Chapter 20: Her Jealousy

384 16 0
                                    

Dedicated sayo bibi! Labyu!


_________________________________________

Hailey's POV

 Andito na kami ngayon at nag-ce-celebrate nang pag-taas nag ranggo ni Tita. Tahimik lang akong nakaupo dito. Paano ba naman di ako maka-relate sa kanila, umalis pa si Arzel. Mag-isa lang tuloy ako :( Sa table na 'to ako lang mag-isang nakupo at nakapangalumbaba.

Tumayo ako at pumunta sa garden nila. Anlaki naman nitong garden. Mala-gubat ang peg. Naglakad-lakad ako kesa sa tumunganga naman ako dun. Sa paglakad-lakad ko may nakita akong isang malaking tree house. Holy Shit. Ang ganda. Myghaaaaaad! 

Nilapitan ko iyon. Tinanggal ko ang heels ko na sobra na ang pagkataas-taas. Umakyat ako. Namagha ako pagpasok ko. Parang bahay lang talaga. Binuksan ko yung ilaw para makita ko pa lalo pa akong namangha. Simula mga disenyo nito ay simpleng-simple lamang. Kinuha ko ang phone ko at nag-selfie. 

"Ang ganda naman dito!" Manghang puri ko rito. 

Humiga ako sa kamang maliit rito. Sakto lang para sa isang tao. Kinuha ko ang earphone ko at nagpatugtog. Maya-maya naramdaman ko ang antok at agad na nakatulog.

---------------------------------------

Nagising ako dahil sa sikat nang araw. 

"HOLYFVCK!!" 

Sigaw ko. Andito pa rin ako sa tree house. Nakatulog pala ako nang sobrang sarap. Kinuha ko ang phone ko at napalunok na lang ako nang sarili 'kong laway nang makita ko iyon

100 new messages

50 missed calls

Ghaad! At ang lahat nangh 'yon ay galing kay Dad, Arzel at Mom. Umaygulay! Hindi nga pala ako nakapag-paalam. Goodnesuberload! Nag-ayos ako nang sarili ko at tinawagan si Arzel.

*Ringing* 

00:01

[("Hailey?! Hailey?! Asan ka ba?! Kagabi ka pa namin hinahanap! Saan ka ba nanggaling?! Kung saan-saang lupalop na kao naghanap wala ka pa rin?! Asan ka ba?! Answer me!"]) Tarantang sagot ni Arzel sa tawag ko

"Kalma...Kal-" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang bigla syang sumagot

[("Paano ako kakalma ha?! Paano kung nakidnap ka?" )] 

"Ano kasi... Andito ako sa tree house nang Garden nyo."

[("WHAT?!")] Sigaw nya kaya agad 'kong nilayo yung phone ko sa tenga ko

[("Wait me there. Wag kang bababa!")] At pagkatapos nun in-end nya na ang call.

Umupo ako sa kama duon at sumimangot pinagmasdan ko ang bintana na nasisinagan nang araw. Hay Naku. Bakit naging tulog mantika ako? At dahil na bore na naman ako nangealam ako sa mga bagay-bagay dito. May nakita akong maliit na cabinet sa tabi ko. Binuksan ko isa-isa. Pero ang nakita ko l ang ay picture frame na may Picture ni arzel at no Who'sdatgurl na parehas silang masaya.

Nakaramdam ako nang kirot sa puso Di ko alam kung bakit. Dito ko lang nakita si Arzel na sobrang saya. Halata sa mata nila na mahal nila ang isa't-isa. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Binalik ko ang picture at pinunasan ang luha ko. Ang sakit sa puso ko. Ewan. Am i starting to fall in him? Humiga ako at nagsimula na namang umiyak sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. 

Maya-maya dumating na si Arzel. Bigla nya akong niyakap. Hindi ko alam pero imbis yakapin ko sya nang pabalik ay hindi ko ginawa. Blangko ang aking mukha. Ayoko sang makita. Tinulak ko sya pero mahina lang. At hindi sya pinansin. Dire-diretso akong naglakad at kahit naririnig ko ang tawag nya sa akin ay hindi ko pa rin sya pinansin. 

Nangingilid na naman ang luha ko. Nang makita ko ang kotse nya ay agad akong pumasok. Pero hindi ko inaakalang nasa likod ko na sya. Bigla nya akong niyakap. Kaya naiyak naman ako lalo. Iniharap nya ako sa kanya at pinunasan nya ang luha ko gamit ang daliri nya. Sa pagkakataong yun parang nawala lahat nang galit ko sa kanya na wag pansinin.

Hinalikan ko sya. Isang halik na puno nang pagmamahal .....



__________________________________

Sabaw. Short update! Sowwy! 

My Kind of BAD GirlWhere stories live. Discover now