Si Sarhento Gonzaga

2.8K 44 8
                                    


Jovs POV

Nakatayo si Jovs sa may tabihan ng puno habang nakapamay awang na nakatitig sa ilang mga bagong Enlisted Personnel na nagtatraining sa gabay nya. 18 na mga babaeng Army na may ranggong Private ang hawak nya ngayong taon, fresh, mga baguhan pwede pa nyang pasunudin sa lahat ng gusto nya. In short, pwedeng manduhan at paikutin pero occasionally nya lang yung ginagawa at kapag natyempuhan lang nya o kaya naman ay may sapat na dahilan. Tulad ngayon mainit ang ulo nya..

Huminga ng malalim si Jovs habang pinandilatan ng mata ang isang Private na halos hindi na makakilos sa pag gapang sa damuhan. Hindi nya maintindihan kung bakit ba sya kinuhang taga train sa mga batang ito.

" Sandali nga Private Garcia, tumayo tayo ka nga dyan.. kumain ka ba ng umagahan o ano!? mataray na tanong ni Jovs at lumapit sa batang si Private Garcia na kaagad namang tumayo at sumaludo sa kanya.

" Nakakapagod naman po Sergeant yung pinapagawa nyo, eh panlalaki lang ho ito.. pilosopong sagot ni Private Garcia, napakunot noo si Jovs at nag cross arm

" Aba, Private Garcia baka gusto mong ulitin ko sayo kung anong ipinunta mo dito sa Army o gusto mo namang pabalikin kita pauwe dun sa inyo sa Tuguegarao.. galit na sigaw ni Jovs, napatungo naman si Private Garcia

" Sorry po Sergeant.. mahinang paghingi ng paumanhin ni Private Garcia pero hindi ito pinansin ni Jovs

" Formation Now!!! sigaw ni Jovs at nagmamadali namang nagsibangon sa pagkakagapang ang ilan pa at pumila ng ayos..

" Una pa lang sinabihan ko kayo kung ano ang buhay nyo dito hindi ba!? Hindi ba!? sigaw ni Jovs na umikot ikot sa hanay ng mga batang sundalo

" Yes Sergeant Gonzaga!!! sigaw ng lahat, natatakot ang mga itong lumingon o tumingin sa kanya

Isa na si Jovs sa pinaka terror na Army official sa Kampo, matapos nyang makuha ang pagiging isang Master Sergeant tinanggap nya ang mga opportunity na pagsilbihan pang lalo ang trabahong kinabibilangan nya. Wala syang palya, kahit anong training pinupuntahan nya.. She was dedicating her everything sa Career na bumago sa kanyang buong pagkatao.

" Eh mukha atang hindi tayo nagkakaliwanagan eh, o gusto nyo namang ipaulit ko sa inyo isa isa kung ano yung sinabi ko noon!! madiing sabi ni Jovs at namay awang na tumapat sa unahan nila

" Hindi ito laro at walang nakikipag laro sa inyo, naiintindihan nyo!!! Kaya kung gusto nyong maglaro, yun ang gate bukas yan, sa labas ng kampo madami kayong makakalaro dun.. Malaya walang hirap, pero pakitandaan nyo kung ano ba yang mga sinumpaan nyo dito!!! makahulugang sabi ni Jovs at kaagad na tumalikod sa kanila at naglakad papalayo..

Nagbuntong hininga si Jovs at inalis ang mahigpit na pagkakabutones ng kanyang military uniform saka tinahak ang daan papunta sa office kung saan sya mas madalas na naglalagi. Sa sarili nyang opisina, Oo may sarili na syang opisina.

" Bwisit, mainit na nga ang panahon pati ulo ko pinag iinit din.. inis na bulong ni Jovs sa sarili nya

Sa nakalipas na tatlong taon, Ano nga bang mga pagbabago ang nangyari kay Jovs!? Handa na ba nya itong pag usapan, handa na din ba nyang balikan ang nakaraan. Ang pilit nyang kinakalimutan, ang pilit nyang ipinagsasawalang bahala. Pero bakit!? Anong dahilan!?

" Teka nga Jovelyn, diba nag usap na tayo na hindi pa ito ang tamang panahon.. Bakit ba nakikinig ka dyan sa konsensya mo.. galit na kausap ni Jovs sa sarili nya

Nothings Gonna Change My Love ( Gonzaquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon