A Taste of Jealousy turns to a MouthWatering Taste of Sweetness..

1.8K 40 20
                                    



Jov's POV

Nakatayo si Jovs sa may tabihan ng net, nakacross arm at nakaipit ang whistle sa bibig nya. Nakakunot noo nyang binabantayan ang pag wawarm up ng mga Players na kino Coach nya sa utos syempre ni Coach Kung Fu. Almost 3 days na din simula ng makabalik sya sa kampo after ng leave nya. Ang ending ng vacation nila ni Rad is not that really a happy ending one dahil hindi sila natuloy sa pagpunta sa Guimaras para bisitahin ang family ni Jovs. There was an emergency daw sa bahay nila Rad and Jovs dont know what kind of emergency it is kasi hindi naman nya narinig ang pag uusap ni Rad at nang kung sino man ang nagbalita dito. She cannot do anything about it, hindi naman nya pwedeng pigilan si Rad dahil mukhang seryoso ito habang nag sasabi sa kanya. She accepted na minsan ang sayang nararamdaman ay maaaring mag end up ng sadness or disappointments. Pero kahit ganon thankful na din sya na nakasama nya ng ilang araw si Rad at nag enjoy naman sila.

Inalis ni Jovs ang pagkakaipit ng whistle sa bibig nya at kaagad na lumapit sa isang Player na nasa tapat ng net.

" Pascua, huwag mong panggigilan ang bola, eh hindi ka naman nya kinakalaban.. You need to keep the ball alive, Focus, Concentrate and Mindset.. utos ni Jovs

" Yes po Coach!! madiing sagot naman ng Player, ngumiti si Jovs at tinapik ito

" This will be a big break para sa inyong lahat, imagine kung sa PSL kayo maglalaro.. If you dream, you really have to Dream Big and strive to get it, get it and dont let go of it.. Allright?! madiing sabi ni Jovs

" Yes po Coach!! sagot ng mga players, ngumiti si Jovs

" Kaya yang bola, imagine nyo na lang na para yang puso, minsan pinagpapasapasahan, nasasaktan pero ang mahalaga hindi sinusukuan, ipinaglalaban para makuha, para masabing mine, para mapunta sa yo, parang pagmamahal.. Kung deserving ka at mahal mo, edi sayo, ikaw yung panalo dahil hindi ka sumuko, dahil binuhay mo.. diba?! nakangiting sabi ni Jovs, nagtawanan naman ang mga players sa kanya

" Si Coach humuhugot!! kantyaw ng mga bata, natawa na lang si Jovs

" Sige na, wait lang natin sina Lt. Salak para makapag umpisa na tayo ng Tune Up games, magpahinga muna kayo.. utos ni Jovs at sumaludo sa kanila, ganun din naman ang ginawa ng mga batang Players

Huminga ng malalim si Jovs at naupo sa may bleachers samantalang ang mga players naman ay nanatili sa may court at nag papractice. Napangiti naman si Jovs, may patutunguhan nga itong pag ko coach nya sa mga players na to dahil mukhang desisido silang manalo at makuha ang Championship. May naka set kasing game ang mga ito against AFP, ginaganap talaga ito kada year, dati sila nila Ate Tina ang sumasali pero nag iba na ng tatlong taong lumipas. masyado na silang busy sa mga career nila kaya humanap na si Coach Kung Fu ng mga papalit sa kanila. Ilang beses nya pa ding ipinaglaban na hindi sya ang mag Coach pero hindi pa din sya nagwagi sa utos ni Coach Kung Fu, pero naging okay naman ang lahat, pakiramdam kasi ni Jovs sulit lahat ng pagod nya bilang Coach ng mga ito.

At dahil nga nakabalik na sya sa kampo, balik na ulit sya sa dating gawi, sa mga trabahong naiwan nya at mga sisimulan pa lang. Huminga ulit ng malalim si Jovs at kinuha ang towel para ipunas sa kanyang batok saka sya uminom ng tubig. Naisip nya kung ano bang ginagawa ni Rad sa mga oras na to, sa loob ng tatlong araw na hindi sila nagkita, ni hindi man lang sya nakakareceive ng message mula kay Rad. Pero bakit ba sya nag aassume, dapat naman hindi dahil wala namang sila, kahit sweet sila at mukhang may Mutual Understanding sa isat isa, siguro dahil nadadala sila minsan sa nararamdaman nila. Especially sa side ni Rad na humihingi ng mga kasagutan sa bawat mga tanong na hanggang ngayon hindi alam ni Jovs kung paano din nya sasagutin at ipaliliwanag.

Ilang beses nya ding itinext si Rad, ni kahit isang reply wala syang natatanggap. Ano pa nga bang ineexpect nya, hindi naman sila, wala syang karapatang magalit o magtanong ng kahit na ano dahil wala syang karapatan kay Rad. Iniisip din ni Jovs na baka bumalik na ang boyfriend ni Rad kaya naging busy ito. Sobrang sakit lang isipin, parang dinudurog ang puso nya sa sobrang sakit kapag naiisip nya yun.

Nothings Gonna Change My Love ( Gonzaquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon