Jovs POVDahil feel na feel ni Jovs ang excitement na hindi naman nya naramdaman sa loob ng tatlong taon. Maaga pa lang ay gising na sya at nakapag ayos ng lahat ng mga gagamitin nya para sa kung ano mang Adventure ang pupuntahan nya ngayong araw na to. Which is naipaliwanag naman ni Jovs kay Rad na they are planning to go somewhere for 2-3 days, kung saan man yun sya na ang bahala. Naramdaman nyang sobrang saya ni Rad and she cannot explain to herself that kind of happiness.
Madaling araw palang ay nailagay na ni Jovs ang gamit nya sa compartment ng sasakyan, daanan na lang nya si Rad kina Aby later on. Tinakbo nya ang Oval na matagal nya atang hindi na nagawa sa loob ng tatlong taon kaya medyo hingal sya ng matapos. Pero it was fulfilling naman pagkatapos lalo na ng makita nya ang Sunrise.
Sa tatlong taong nangyari sa buhay nya, aminin nya na napakadaming nawala. Nawala ang mahahalagang pagkakataong nakasanayan nyang gawin noon, mga trips nila nina Ate Tina or ng family nya at mas lalo ni Rad. She really removed herself, she distant herself at alam din naman nyang nagtatampo ang mga ito sa kanya but the good thing about them is that they provide a space for her kasi hindi naman sya naquestion ng mga ito. Siguro yun nga talaga ang meaning ng totoong mga kaibigan.
Inihanda ni Jovs ang breakfast para sa mga Ate nya and she really made it special lalo na at ilang araw din syang mawawala. Kahit naman nagbago sya at naging cold eh hindi naman nya kailanman kinalimutan ang obligasyon nya para sa mag taong nandyan palagi para sa kanya.
Naupo si Jovs sa may hagdanan saka hinipan ang dalang cup. Nakita nyang pumasok sa kusina si Ate Tina, mukhang hindi sya napansin nito. Nakasuot pa si Ate Tina ng headband na Mickey Mouse at kulay pulang medyas na may polka dots. Binuklat ni Ate Tina ang nakatakip sa nilutong pagkain ni Jovs, napangiti si Jovs ng makita nyang ngumiti si Ate Tina at inamoy amoy pa ang luto." Hindi ko nakalimutan yung scramble egg mo teh.. sabi ni Jovs, napatingin naman si Ate Tina sa gawing kinauupuan nya na medyo nagulat ata
" Nakakagulat ka naman Jovelyn, Aga mo ah.. sabi ni Ate Tina at kumuha ng mainit na tubig sa thermos saka nagtimpla ng kape
" Hula ko teh, may hang over ka.. natatawang sabi ni Jovs
" Hay naku, sobrang sakit ng ulo ko, ewan ko na lang kung kaya kong ipasok to.. daing ni Ate Tina, natawa ulit si Jovs
" Okay lang na tawanan mo ako ngayon, Jovelyn, humanda handa ka sakin kapag nangyari to sayo.. Asan ka nga pala nung time na kailangan ko yang tulong mo para makabalik ng Barracks!? Asan ka!? Lumalandi.. sabi ni Ate Tina, mas lalong natawa si Jovs sa narinig nya
" Ako yung tumulong sayo pagkatapos kong ihatid si Chel sa Condo nya, iniwan nya yung sasakyan nya dito.. Makapagbintang ka lang teh no!! sabi ni Jovs, napakamot naman sa batok si Ate Tina
" Malay ko bang ikaw yun, Salamat.. Buti naasikaso mo pa ako, akala ko nilanggam ka na sa sobrang kasweetan nyo ni Chel sa isat isa, natouch ako kasi naalala mo pa pala ako kahit nasa tabihan mo yung taong nakakapag patigil ng oras mo.. pang asar na sabi ni Ate Tina, napangiti naman si Jovs
" Alangan namang pabayaan kita Ate.. Alam mo namang alam na alam ko na yang mga lines mo ng pangongonsensya.. sabi ni Jovs
" Syempre iniisip din naman kita, may pangangailangan ka din naman diba, ayoko naman na ako pa yung magiging dahilan kung bakit mawawala yang ngiti sa labi mo.. Infairness Sarhento, gumaganda ka.. pang asar pa ni Ate Tina, napakunot noo naman si Jovs
BINABASA MO ANG
Nothings Gonna Change My Love ( Gonzaquis )
Fiksi PenggemarSa loob ng tatlong taong lumipas, madaming nangyari, madaming nagbago pero kasama ba dito ang isang pagmamahal at pangako ng nakaraan!? This second book is whole heartedly dedicated to all of you, to all the Gonzaquis fans and to all who never fail...