Jovs POVPinagmamasdan ni Jovs ang pagkaing nakahain sa harapan nya. Kahit wala sya sa mood eh kelangan nya talagang umattend ng buffet party sa kampo kasama ang ilang mga officials. Hindi sana ito kasama sa plano nyang gawin sa araw na to but she cannot do anything but to accept it. Matamlay lang nyang ininom ang tubig na nasa tabihan, huminga ng malalim saka nya kinuha ang ID at badge nya at tumayo na hindi man lang nya ginalaw ang pagkaing nakaserve para sa kanya.
Naglakad sya papunta sa pintuan ng hall, wala na sya sa mood para ipagpatuloy pa ang pakikinig sa program. Nakita nya si Ate Tina na kausap ng ilang matataas na officials, 2 days na syang hindi pinapansin ng Ate Tina nya and she really knows the reason why. Hindi naman din nya masisisi si Ate Tina kung bakit naman ito nagtampo, pakiramdam ni Jovs pati respeto nya sa mga taong malalapit sa kanya ay nawawala na din.
" Sergeant Gonzaga!! bati ng isang mataas na official kay Jovs, kaagad namang lumingon si Jovs at tumango
" Good afternoon po Lt. Laurel.. seryosong bati ni Jovs at agad na nakipagkamay sa Lt.
" I heard from Lt. Reyes na mag tatry out ka daw for the National team.. usisang sabi ni Lt. Laurel, nagbuntong hininga si Jovs at simple lang na nagfake smile
" Wala naman po akong ibang choice Lt. eh kasi nacorner po ako ni Lt. Salak.. She's the main reason po kung bakit ako babalik sa Volleyball.. pagsisinungaling ni Jovs, although alam nyang si Ate Tina ang dahilan kung bakit sya makakapag try out, may iba pa din syang dahilan kung bakit nya inaccept ang offer
" You really have to accept it Sergeant, Madami na ding naghihintay sa pagbabalik mo, remember kung gaano ka kafamous noon na parang may fans day lagi dito sa kampo.. masayang sabi ni Lt. Laurel
" Thank you po Lt... pasasalamat ni Jovs, ngumiti sa kanya ang Lt. pero walang reaksyon si Jovs na nakatingin lang
" You're most welcome, Congratulations nga pala sa Troops mo ha, Napakawell disciplined nila. But I heard na some of them were crying during the night. Ano bang pinapagawa mong punishments sa kanila!? Pinapakain mo ba ng bubog ang mga batang yan!? natatawang biro ni Lt. Laurel, nag smirk naman si Jovs at kaagad na nagsalute kay Lt. Laurel saka nagdiretso palabas ng hall.
Tahimik lang syang naglakad pabalik sa area kung saan nya iniwan ang troops nya, hindi na nya binigyang pansin ang mga sinabi sa kanya ng official. Pinagmasdan nya sa di kalayuan ang mga batang abala sa paglilinis ng isang bakanteng lugar sa kampo.
Tumayo lang si Jovs sa tabihan ng pavement at hindi pinapahalatang nandun sya at pinanonood ang ginagawa ng lahat. Tama nga si Lt. Laurel, mukha ngang mga disiplinadong sundalo ang hawak nya ngayon. Nagpapasalamat na lang sya dahil hindi sya gaanong binibigyan ng stress ng mga ito, kahit alam nyang sya mismo ang nagbibigay ng stress sa kanila. Way lang nya yun para malaman kung hanggang saan ang itatagal nila, good thing wala pa namang bumibigay.
Naririnig nya ang malakas na pag uusap ng mga ito kaya naman nakinig na lamang sya dahil wala pa sya sa mood para puntahan sila isa isa at pagsabihan. Napakunot noo na lang sya habang pinakikinggan ang mga usapan, sya pala ang main topic ng mga bata.
" Feeling ko walang boyfriend yang si Sarhento, hindi man lang ngumingiti o kaya nakikipag biruan, palaging masungit, nagtataray.. Hindi ba sya nagsasawa sa ginagawa nyang yun..
" Oo nga, baka naman broken hearted
" Sayang, maganda pa naman si Sarhento, madami sigurong nanliligaw sa kanya pero palaging binabasted.. Baka gusto nyang tumandang dalaga..
BINABASA MO ANG
Nothings Gonna Change My Love ( Gonzaquis )
Fiksi PenggemarSa loob ng tatlong taong lumipas, madaming nangyari, madaming nagbago pero kasama ba dito ang isang pagmamahal at pangako ng nakaraan!? This second book is whole heartedly dedicated to all of you, to all the Gonzaquis fans and to all who never fail...