A Perfect Moment

1.2K 37 5
                                    



Jovs POV

Balak sanang dalhin ni Jovs si Rad sa SJA pero mukhang madaming tao ng time na yun dahil sa opening din kasi ng V league. Ayaw din naman nyang makaagaw pansin sa mga fans na nandun at iniisip nya kung anong magiging reaksyon ni Rad pag nagkataon. Ayaw naman nyang mangyari ang naikwento nito sa kanya ng dumugin sya ng mga tao sa Cafe ni Aby. So she decided to take her na lang sa isa sa favorite Restaurant nila by the Seaside. Ito kasi ang madalas nilang kainan dalawa or kapag kasama din nila sina Ate Tina.

Habang nagdadrive si Jovs, madalas nyang mapansin si Rad na tumitingin tingin sa may bintana na para bang ngangayon lang nito nakita ang dinadaanan nila. Well, Ano pa nga ba!? She never saw Rad na naging excited ng ganon, siguro kasi sa kadahilanang nakalimot nga ito sa napakaraming bagay. Iniisip minsan ni Jovs paano na lang kaya kung malaman ni Rad ang buong katotohanan, katotohanan na involved sya sa nangyari kung bakit ito nagka Amnesia.

" You seem so quiet Jovs, May problema ba!? tanong ni Rad, nawala naman si Jovs sa pagmumuni muni nya at kaagad na tumingin kay Rad na nakatingin na pala sa kanya ng seryoso

" Wala, may naalala lang ako.. mahinahong sagot ni Jovs

" Then tell me.. sabi ni Rad na para bang nagmamakaawa na sabihin sa kanya kung ano mang bumabagabag kay Jovs

" Huwag na, baka magselos ka pa.. biro ni Jovs, napasimangot naman si Rad

" Ang kapal lang, ang lakas ng hangin o!!! biro din ni Rad, ngumiti naman si Jovs at agad nyang pinisil ang ilong ni Rad na agad namang nagmaktol sa inis

" Aray Gonzaga, leche naman o!! Ang sakit kaya!! inis na sabi ni Rad na hinipo hipo ang ilong nya, tumawa naman si Jovs habang pinagmamasdan ang mapulang ilong ni Rad

" Ang cute mo lang Chel.. natatawang sabi ni Jovs, tinaasan naman ni Rad ng kilay si Jovs

" Bwisit!! Makakaganti din ako sayo.. inis na inis na sabi ni Rad na mas lalong nagpatawa kay Jovs, para kasing achievement nya kapag nakikita nyang naiinis si Rad sa kanya, kahit noon pa man gustong gusto nya yung nakikita.

" Hindi mo ba alam na dati ikaw yung malimit na gumagawa nyan sakin dahil naiinggit ka sa ilong ko.. sarkastikong pagyayabang ni Jovs, napakunot noo naman si Rad sa kanya

" Hoy excuse me Ms. Gonzaga, kapal mo ha.. Hamak namang matangos din ang ilong ko no!! Nabigyan ka lang ng additional inch kaya mas matangos yang sayo!! mataray na sagot ni Rad, napatawa naman ulit si Jovs dito..

" Seriously Rachel Anne.. nakangiting sabi ni Jovs, nag cross arm naman si Rad at nang irap

Napatawa si Jovs sa reaksyon ni Rad saka nya ipinarada ang sasakyan sa side ng Seafood Restaurant, almost lunch time na din kasi at nakakaramdam na sya ng gutom.

" Halika na, huwag ka ng mag inarte dyan at hindi naman bagay sayo.. Sige ka baka lalo pa akong mainlove sayo tapos hindi ko na mapigilan.. sabi ni Jovs, tumingin naman ng diretso si Rad sa kanya.

" Bakit!? Naiinlove ka na ba!? tanong ni Rad

" Bakit!? Kung sabihin ko ba sayong Oo, sasaluhin mo ako!? tanong ulit ni Jovs

" Eh Oo, sasaluhin lang naman pala eh , maliit na bagay.. Kayang kaya ko!!! seryosong sagot ni Rad, napasmirk naman si Jovs sa narinig nya

Nothings Gonna Change My Love ( Gonzaquis )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon