Part 2

26 4 1
                                    


Picnic

Nagising ako ng alas 3 dahil hindi na ako makatulog nagpunta nalang ako dito sa kitchen. Hanggang ngayon palaisipan parin sa akin kung saan kami pupunta ni kuya. Bahala na nga!

Kumuha ako sa ref kung ano ang pwedeng lutuin. Nakakita ako ng bacon, egg, hotdog at ham pero ang kinuha ko lang ay ang bacon at hotdog. Pero hindi ako makapagdecide kung ano ang kukunin ko dun sa dalawa. Ano kaya?

''Mini mini may nimo pwet ng kabayo ka muk ha mo!yun bacon next mini mini may nimo pwet ng kabayo ka muk ha mo!uhm hotdog.''natatawa pa akong kantahin yun.

Sigurado akong tulog pa si kuya kaya sisimulan ko na ang pagluluto at pagkatapos ko dito maliligo na ako. Nakaimpake na ako kanina bago ako bumaba dito sa kusina.

Inihanda ko ang palayok at mantika kumuha rin ako ng tong para sa pagluluto saka ko sinimulan ang pagluluto.

Agad kong natapos dahil prito lang naman yun. Kinuha ko naman ngayon ang rice cooker para sa kanin. Hindi ako mahilig magluto ng kanin ang mga niluluto ko lang ay tulad nalamang ng mga prito at ginisa pero minsan nakapagluto narin ako ng adobo at nilaga.

Hindi ako sigurado sa sinaing kong bigas. Kaya habang naghihintay na tumunog umupo ako sa upuang malapit dito at agad na kinalikot ang cellphone ko at pinindot ang logo ng facebook ko at ni log in. Pagkabukas na pagkabukas palang sunod sunod na tunog ang tunog galing sa cellphone ko kaya napilitan akong i mute.

''Yun wala ng ingay''saad ko

Inuna ko ang friend request pero wala naman akong nakitang kakilala ko kaya isinunod ko pindutin kung sino ang mga nag message sa akin. Si kath at joshua ay kasama narin dun. Nagscroll narin ako sa newsfeed ko maraming bago at isang bagay ang nagpalaki ng mata ko, new design na sneakers kulay maroon siya na may line na gray may nakalagay na logo sa gilid nito. Nakita ko rin na may kamahalan ang price. Balak ko kasing bigyan si kuya ng favorite brand niyang sapatos na sneaker dahil sa huwebes ay birthday niya na.
Ting...

Narinig ko nang tumunog ang rice cooker kaya agad akong tumayo at tinanggal ang saksakan.

Ni log out ko narin ang fb ko pagkatapos kong magmessage sa sa site dahil mag oorder ako at sabi nila mga two days ko pa makukuha. Pataas na ako ng hagdan namin patungo sa kwarto ko para maligo pinili kong mag jeans at plane dark green para mas fresh tignan.

Pagkatapos kong maligo naglagay lang ako ng polbo.

''Tama na siguro to baka kung saan pa ako dalhin ni kuya. Kung magdredress ako baka magtratravel kami kaya ayos na itong suot ko.''

Bumaba na ako para kumain ngunit nagulat ako sa taong naka padyama attire pa.

''Kuyaaaaaaaa!!!"sigaw ko na napatalukbong pa siya sa kaniya tenga

''Di mo man lang ako inantay kumakain ka na pala samantalang ako pa naman nagluto niyan ha!" unti unti siya tumingin sa paharap sa akin at nakita ko ang mukha niyang parang batang iiyak na at naka peace sign pa. My goosh kuya!.

Nagkibit balikat akong bumaba sa hagdan, ang mga padyak ko ay sinasadya kong binibigatan ang ayaw ko sa lahat ay ang hindi ako iniinform.

''Blim, hehe upo ka na po prinsesang maganda.'

''Wag mo nga akong pinaglolokoloko kuya ha!"

Napakamot pa siya ng noo

''Joke lang naman yun to namang si kuya naniwala agad dahil diyan dapat sabihin mo to. Sobrang sarap ng luto ni Blimmer the best luto ever. Dapat with emotions kuya ha go."

''Sobrang sarap ng luto ni Blimmer the best luto eveeeer,oh ano ok na ba?''nag thumbs up lang ako sa kanya.

''Kuya san ba kasi tayo pupunta ha? may pasuspence ka pa kasing nalalaman. Di mo nalang sabihin!'' paawa kong sabi

STILL THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon