hawak kamayPrychie and I talked over the phone this early morning. Napag usapan na namin ung tungkol kay Tranz. It's ok lang naman daw and a part of me is willing too. Basta ang gagawin ko lang ay umakto na parang nasa relationship kami and ang pinaka iingat ingatan ko ay ang puso ko. Hindi ako pwedeng mag invest. Hindi dahil sa takot ako kundi pabor lamang iyon.
I'm still nervous lalo't di kami magkaklase ni Pry ngayon. I can't help but to feel nervous and at the same time my hands are trembling.
Inayos ko ang bagpack ko na di gaanong kalakihan sakto lang para makarga ang mga kakailanganin ko.
Pagbaba ko sa kotse ay nagdadalawang isip ako kung oo nga ba o hindi. Pero napag usapan na kailangan ko nalang ipush. Hoh!
Pinagpapawisan ako ng itapak ko na ang aking mga paa sa tapat ng pintuan at dahan dahan na binuksan. Nang nakita kong wala siya ay naka hinga ako ng maluwag. Alam kong kaklase ko siya ngayon dahil sa mga naririnig kong papuri sa kanya.
"Good morning" napatayo ako ng matuwid, napalaki ang mata ko at napatakip ako sa bibig.
Nasa likod ko siya. Pinilit kong maging normal sa harap niya.
"Go-o-od mo-or-ning to-o!" Wala parin sa wisyong sabi ko.
Pumasok siya at umupo sa likod. Nakangiti pa siya ng tinuturo niya ang isang armchair na tabi ng upuan niya upang doon daw ako umupo.
Sumunod ako sa sinasabi niya.
"Usap tayo mamaya." Saka niya isinuot ang kulay abo niyang hood.
Malamig sa room dahil may aircon.
"A-ah oo si-ge" kako naman.
Habang nagdidiscuss ang prof ay para akong suso na naestatwa sa kinauupuan dahil kahit tulog ang nasa gilid ko ay ang tindi parin ng presensiya.
Hindi ko alam king tulog o nagtutulog tulugan. Pero ang sabi nung iba kahit ganyan eh marami daw siyang nakukuha pay exam week na.
Itinuon ko nalang ang akingbpansin upang makinig. Salamat naman dahil meron din naman akong natutunan kahit kaunti lang sa araw na ito.
Nang matapos ay mabilis siyang umupo ng diretso at tumingin agad sa akin. Andyan nanaman ang kaba ko.
Ok, ako dapat yung hindi kinakabahan at dapat chill lang ako. Chill lang Blim.
"Have you decided?" Ang tanong niya.
"Dito ko talaga sasagutin?" Madami pa kasing nagsisilabasan.
"Pwede rin." Naisip ko na bago ko sagutin. Meron dapat siya sagutin para hindi ako magpakitang easy to get.
"Sa mini forest nalang" sabi ko
Hindi naman siya tumanggi, siya pa nga ang unang naglakad.
Nang nakarating kami ay tinanggal niya ang hood niya.
"So whats your answer?" Panimula niya agad.
"Bago ko sagutin ng oo, gusto ipakita mo muna kung pano mo nga ako tratuhin na parang reyna." Nakakahiya pero yun lang ang alam ko para makasiguro talaga.
"Ok, I got your point." Natawa naman ako. Diko alam seseryosohin niya.
Hinawakan nanaman niya ang kamay ko at hinila. Tinakbo namin mula sa mini forest hanggang sa canteen kaya labis nalamang ang pagod ko dahil hindi kami tumigil. Kumbaga holding hands while running.
"Now I'll show you." Kinabahan ako sa sinabi niya.
Nakita ko ang kagrupo niya na nakaupo at masayang nagtatawanan.
BINABASA MO ANG
STILL THE ONE
RandomDo you believe in second chance? Or you only believe that once is enough? Pag nasaktan ka nang minsan what will you choose?. Let's all read the story of Blimmer Hannaeih Medina, Isang babaeng minsan ng nasaktan.