Fourteen

77 2 0
                                    

I don't know guys what will be the title of this chapter :) at dahil ginaganahan ako at madaming pumapasok sa isip ko kaya sinisipag ako mag update guys if may typo error please forgive me hahahaha cellphone lang kase gamit ko :)
-----------------------------------------------------------

napalingon ako sa sinabi ni jin tama ba narinig ko? wala daw siyang asawa at anak?

"ano?!" tanong ko sa kanya

"di natuloy ang kasal namin ni Kim" narinig kong sabi niya, pero wala akong mahanap na sagot kaya mas pinili kong manahimik

"sorry kung nasaktan kita before ianne, pero pinagsisihan ko yun lalo na ng bigla mo kong iwan" narinig kong sabi niya.
wala pa din akong mahanap na sagot. masyado pang inaabsorb ng utak ko yung mga sinasabi niya. di ko pa din maisip kung totoo or Hindi.

"pero may baby kayo..." yun lang ang nasabi ko, di ko Alam kong totoo sinasabi ni jin. pero kilala ko si jin Alam kong di siya sinungaling

"di akin ang baby na dala niya, Kim is already pregnant when our parents decided to deal with that arrange married" narinig kong sabi niya. naramdaman kong niyakap niya ko. ano bang nangyayari saken. bakit di ako makapag react

"I miss you babe" naramdaman ko pang hinalikan niya ko sa buhok

"get rid of that baby" biglang parang naalala ko ang sinabi niya noon, ko mga Hindi siya kasal at wala siyang anak ngayon pero hiniling niya sakin noon na ipalaglag ko ang anak ko.
bigla ko siyang tinulak di pwedeng magpadala ako sa mga sinasabi niya. di dapat ako lumambot dahil lang sa nalaman ko 2 years. 2 years na wala siya sa tabi ko, 2 years na natiis niya kami, tapos bigla siyang babalik? para saan pa?

"kung totoo or Hindi man yang sinasabi mo, wala ka ng babalikan jin, 2 years jin. 2 years natiis mo na Hindi man lang ako hanapin," ayokong umiyak pero kusang tumutulo yung luha ko. ano ba namang luha 'to sabi ko di ko ipapakita na mahina ako eh

"wala ka ng dapat balikan jin. nasanay na kong Hindi ka kasama, nabuhay kami ng anak ko na wala ka, di mo ba Alam na pinangarap ko ang buong pamilya, nung nalaman ko na buntis ako sobrang saya ko kase yun ang pangarap natin diba?" tuloy ko pa din sa sinabi ko, isusumbat ko na lahat para after ng araw na 'to kakalimutan ko na nagkita kami ulit ni jin at para layuan na niya kami ng anak ko

"pero anong ginawa mo? sinabi mo na ipalaglag ko ang anak ko, Una palang jin pinaramdam mo na saken na ayaw mo sa anak ko,tapos ngayon babalik ka? para saan? nakayanan kong wala ka noon so I guess mas kaya ko na wala ka ngayon" di ko na siya bibigyan ng pagkakataon na magsalita, kase di ko alam na baka sa isang salita niya lang bumigay na naman ako, mahal ko pa si jin. oo sa loob ng dalawang taon siya pa rin ang mahal ko. kahit nasaktan ako mahal ko pa din siya pero di ko hahayaan na mahalin at ipakita o iparamdam na mahal ko pa rin siya dahil natatakot ako na baka iwan na naman niya Jami ng anak ko

"please lang jin, layuan mo na kami, isipin mo na wala kang anak sakin, yun Naman talaga gusto mo dati diba? kaya wag ka ng bumalik samen ng anak ko," at lumabas na ko ng unit niya di ko na kaya pang makaharap si jin ayoko talagang ipakita na umiiyak ako. kase ayokong ipakita sa ibang tao na nasasaktan ako at mahina ako.

wala na kong balak na pakinggan pa ang mga paliwanag niya. di ko na gusto pang marinig ang mga sasabihin niya

--------

next page..

His Little Princess ❤Where stories live. Discover now