CHANCE

69 2 0
                                    

Medyo may pagkakahawig na siya sa descendant :) hahaha sorry guys ah. pabago bago utak ng writer niyo :D  by the way yung ibang picture di siya gaano related sa stories. naglalagay lang ako atleast may idea kayo :) thank you sa pagbabasa 💋❤
-----------------------------------------------------------

"yaya please wag mong pabayaan si jian ah. pagkagising niya paliguan mo siya, tapos painumin mo ng vitamins, wag mo masyadong pakainin ng madami kase baka mamaya sumakit yung tiyan" katakot takot na bilin ko sa yaya ni jian, sorry Naman kung masyado akong O.A first time ko na di ko mababantayan ang anak ko buong maghapon, kaya todo bilin ako, first day ko sa hospital na pagtatrabahuhan ko habang andito kami sa pilipinas ni jian
"opo ate. wag ka pong mag alala aalagaan ko yung cute mong baby" sagot ng yaya ni jian, bata pa siya palagay ko 19 year old? matanda lang ako sa kanya ng 3 taon apo siya ng yaya na nagpalaki kay shey, mukha Naman siyang mabait kaya Alam ko na di Niya pababayaan si jian, OA lang talaga ako hehe

"salamat, aalis na ko Shel may number na ko sayo diba? tawagan mo ko in case na may mangyari"

"opo ate. ingat po" at tumalikod na ko at umalis na

------

pagdating sa hospital dumerecho ako sa director's office,nag usap lang kami ng director ng hospital at dumerecho na ko sa emergency room, soon ako maaassign, at pagdating ko pa lang maging busy na ang araw ko dahil nagkaroon ng vehicular accident sa malapit sa hospital kaya madaming sugatan ang sinugod sa hospital halos 4 na oras din ako sa operating room may pasyente  kase na nagkaroon ng internal bleeding kaya kailangab operahan, pero buti na lang at naagapan kaya nailigtas ang babae sa kamatayan. pagkalabas ko ng operating room binalita ko agad sa pamilya ng naoperahan na stable na ang lagay ng pasyente at todo pasalamat Naman ang pamilya niya. at nagpaalam na ko pamilya ng pasyente.

Hays first day sa hospital pero napasabak na ko sa operating room, nakaramdan na ko ng gutom kanina pa pala Simula ng dumating ako dito di pa ko kumakain tumingin ako sa relo ko alas 4 na pala ng hapon, alas 10 ako dumating sa hospital at ang tanging kinain ko lang kanina pag alis tinapay at kape kaya nagdesisyon ako na dumerecho na sa cafeteria ng hospital habang kumakain may bumati saken

"Hi Dr.kang" bati saken ng isang nurse, nginitian ko din siya at binati ko din, tinanong niya ko kung ok lang makishare pumayag ako at nakipagkwentuhan sa kanya, mababait ang nurse sa hospital na 'to kaya feeling ko magiging magaan ang pagtatrabaho ko sa hospital after kumain, narinig ko na tinatawag ako sa pager ng hospital

"Dr.Arianne Kang, Please proceed to emergency immediately"

at inulit pa ulit ang pagtawag saken. kaya nagmamadali akong pumunta ng emergency room naabutan na may binababang pasyente sa ambulansya nag antay kami ng mga nurse na mailagay sa stretcher ang pasyente at para akong mahihimatay ng nakita ko kung sino ang pasyenteng binaba

"jin..." parang sasabog ang dibdib ko sa kaba. anong nangyari? bakit may mga tama siya ng bala? napaaway ba siya? nagpakamatay?

pinulsuhan ko agad siya at medyo nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman kong gumagalaw pa ang pulso niya, at napapaiyak wala akong inaksayang panahon, agad kong pinahanda ang operating room sa lagay ni jin palagay ko grabe ang pagkakabaril sa kanya. habang patakbo kaming papasok ng operating room todo ang dasal ko

"God iligtas niyo si jin. di pa siya pwedeng mamatay kailangan niya pang makilala ang anak namin"

ng makarating sa operating room wala akong inaksayang oras, dahil ako ang surgery na naka assign sa emergency kaya ako din ang mag oopera kay jin at tanggalin ang mga bala na bumaon sa balikat at tiyan niya. after 3 hrs. sa operating room naging stable ang lagay niya. medyo kinabahan ako kanina kase biglang ng straight line ang life line niya pero buti at narevive siya. kaya nilipat na siya sa private room kailangan niyang obserbahan dahil medyo madaming dugo ang nawala sa kanya.

after ko I check ang vital signs niya tumingin ako sa relo ko alas 11 na pala ng gabi. kinapa ko ang cellphone sa hospital gown ko at tinawagan ko si shel

"hello?" sagot ni shel sa kabilang linya palagay ko nakatulog na siya nagising lang siya sa tawag ko

"shel, si jian kamusta?" tanong ko

"OK Naman po ate, kakatulog lang"

"ganun ba? buti Naman" at tumingin ako sa natutulog na si jin

"shel di ako makakauwi paki alagaan maigi si jian ah, may pasyente kase akong dapat obserbahan" sabi ko kay shel nag ok siya at nagsabi na wag daw akong mag alala dahil safe si jian sa kanya kaya nag paalam na ko at sinabihan siya na ituloy na ang tulog niya at binaba ko na ang tawag niya, lumingon muna ako kay jin, wala pang kamag anak niya ang pumupunta dito
"ano kaya talaga ang nangyari sa kanya?" tanong ko. halatang nakipag barilan siya, pag nagising siya tatanungin ko agad siya anong nangyari, chineck ko muna ang dextrose niya at pumunta sa office ko nagbihis lang ako at nagdesisyon ako na ako na muna ang magbabantay kay jin ngayong Gabi kaya after kong makapag bihis bumalik na ko sa private room ni jin

pagkadating ko sa kwarto niya umupo ako sa tabi niya at tinitigan siya, sa loob ng dalawang taon wala pa ring pagbabago sa hitsura niya para ngang mas lalo pa siyang maging gwapo sa paningin ko, Habang nakatitig nakikita ko sa kanya si jian magkamukhang magkamukha sila ni jian,

"gumising at magpagaling ka para makita mo si jian" pagkausap ko kay jin at hinawakan ang kamay niya

buo na talaga ang desisyon ko na pag gumaling si jin di ko na ipagdadamot si jian sa kanya, kanina habang nasa operating kami di ko Alam anong gagawin ko kung sakaling di ko mailigtas si jin sa kamatayan baka sobrang nagsisisi ako at di ko siya pinag bigyan magpaliwanag ng Huli naming pagkikita kahit galit ako sa ginawa niya dati di ko pa rin kaya na mawalan ng tatay ang anak ko.

kaya ibibigay ko ang chance na hinihinge niya saken. dahil kahit dalawang taon na ang nakalipas aaminin ko andoon pa rin ang pagmamahal ko kay jin,pagmamahal na kahit kailangan di nawala ❤💋

-----------------------------------------------------------

His Little Princess ❤Where stories live. Discover now