TWO

169 1 0
                                    

May part 2 agad. Walang magawa dito sa work eh kaya ito ang libangan 😂😂😂
-----+++++-----+++++-----+++++----+++++-----+++

Nagising si arianne sa ring ng kanyang cellphone.
"Hello?" Medyo husky voice niya pang tanong

"Bey? Where are you?" Sagot ng babae sa kabilang linya

"Andito sa unit ko why?" Tanong niya kay shey

"Are you free tonight?"

"Yes. Restday ko"

"Good! Meet us sa greenbelt around 8"

"Sure! Seeyouuu!" Binaba na niya ang tawag

Tumingin siya kung anong oras na pasado alas 5 na pala. Tatlong oras din pala siyang nakatulog kakaiyak tama lang na tumawag si shey at nag aya lumabas dahil kailangan niya talaga ng makwekwentuhan about sa sitwasyon niya. Shey is her bestfriend. Classmate niya ito ng highschool. Since maaga pa naman so she decided to cook at kumain muna.

Ng sumapit ang alas 7 nag prepare na siya she wear crop top, maong shorts and supra adidas na white. Di na siya naglagay ng make up lipstick and brows lang ok na siya. Arianne is white complexions, slim,mahaba ang buhok na curly sa dulo. Madaming nagsasabi na maganda daw siya pero siguro humble lang talaga siya kaya di niya pinapansin ang mga compliment ng mga tao sa paligid niya. Kapag magkasama sila ni jin halos lahat ng kakilala niya told them that they are perfect couple and combination. Nakaramdam siya ng lungkot ng maalala niya ang kasintahan. Napahawak siya sa impis niya pang tiyan. Umalis na siya bago pa siya umiyak at magmukmuk na lang sa unit niya she decided to walk na lang dahil malapit lang naman ang greenbelt sa condong tinutuluyan niya. She dialed shey's number

"Where are you?" She asked

"Andito na sa parking bey. Park ko lang yung car ko"

"Okay. See you. I'm here na papasok ng mall. Antayin kita dito sa harap ng national bookstore" binaba na niya ang tawag

Habang nakatayo sa harap ng national napansin ni arianne na pinag titinginan siya ng grupo ng mga lalaki. Naiilang talaga siya pag may nakatingin sa kanya. Naalala niya si jin madalas pag ganito ang nangyayari haharangan siya nito at yayakapin. Bigla siyang nalungkot at parang gusto na naman niya umiyak ng naisip na naman niya ang sitwasyon. Buti na lang at napansin niya si shey na papasok na ng mall kinawayan niya agad ito

"Beeeey!" Patakbong yakap agad ni shey she realized she miss her bestfriend it's been a month na din pala since nag bonding sila. Busy na kase ito sa trabaho sa company ng daddy nito

"Let's eat first"yaya ni shey.

Napili nila na red crabs na lang sila kumain

Habang inaantay ang order nila napansin ni shey na tahimik siya

"May problema kaba bey?" Tanong ni shey. Napatingin siya sa kaibigan kilala talaga siya nito usual kase na nangyayari pag magkasama sila is walang humpay na tawanan at kwentuhan

"Bey..." parang gusto na naman niyang mapaiyak

"Later. Kwento mo yan. Pero ngayon kumain muna tayo" sabi ni shey ng dumating ang order nila

Ng tapos na sila kumain nag aya si shey na doon sila tumambay sa starbucks pinili nila doon sa pinaka sulok umupo

"Magkwento kana" sabi ni shey ng nakaupo na sila

"I'm pregnant.."

"Whaat?"

"3months"

"OMG!!!! Congrats beeeey" tuwang tuwang sabi ni shey

Napaiyak siya

"Oh? Bakit? Di kaba masaya?"

"He don't want this baby"

"Whaat?"

"He said he wants to rid this baby"
Umiiyak niyang sabi

"That jerk!!!!" Napalakas na sabi ni shey
Napatingin ang mga tao sa pwesto nila tinaasan lang ito ng kilay ni shey

"Ang kapal ng mukha niya! After what happened!! Don't tell me susundin mo siya?" Nakataas ang kilay na sabi ni shey

"Ofcourse not!" Sagot niya agad

"Good! So anong plano mo?" Tanong ni shey sa kanya

"Di ko pa alam. Kakausapin ko ulit siya mamaya. Pupuntahan ko siya baka nabigla lang siya sa sinabi niya" sagot niya sa tanong ni shey

"Ok. Do you want me to drop you on his condo?"

"Yes please. Wala akong dalang kotse"

"Sure."

After pumunta ng starbucks shey invited her na pumunta muna sila ng strip bar. Gusto daw nito uminom na se-sense niya na may problema din ito pero ayaw nitong magshare dahil siguro iniisip nito na may problemap siya kaya sinamahan na lang niya ito di naman siya pwedeng uminom kaya orage juice lang ang order niya while shey ordered tequila.

Napapansin ni arianne na madami ng naiinom si shey.

"Bey your drunk. I think kailangan na natin umuwi, ako na mag dadrive"

"No i can manage. You can go na sa condo ni jin. Kaya ko pang mag drive"

"Are you sure?" Nag aalalang tanong niya

"Yes." Paninigurado nito

"Okay. Mag ingat ka ah" at lumabas na siya ng bar. She decided na mag lakad nalang since malapit na lang naman ang condo ni jin dito.

Ng makarating siya ng condo ni jin binati siya ng guard since madalas na siya dun kaya kilalang kilala na siya ng guard.

His Little Princess ❤Where stories live. Discover now