Ch.03 - Sketch

448 15 0
                                    

Megan's POV

"S-sir?!" gulat na sigaw ko. Nung nakita kong nasa likod ko na pala sya. 

Napalingon tuloy sa diretsyon ko yung iba kong mga classmates.

"Are you guys done?" tanong ni Sir Renz, nung napansin nyang nakatingin sila dito sa diretsyon namin.

"Not yet Sir." tugon nang mga classmates ko saka bumalik sa kanilang mga ginagawa.

binaling naman ni Sir Renz yung atensyon nya sa akin.

"and you Miss? What's your name? are you done already?" tanong ni Sir Renz sa akin. Na medyo lumihis ang tingin nya dun sa desk ko kung saan nakapatong yung notebook ko.

"M-megan po. Megan Geralao po. H-hindi pa po ako tapos S-sir" shocks! kinakabahan akong sumagot kay Sir Renz. itatago ko na sana yung notebook ko nang biglang hablutin ito ni Sir Renz.

tapos tinignan nya yung likod nang notebook ko kung saan naka-drawing ang gwapo nyang mukha habang onti-unting may nakalalokong ngiti na sumilay sa kanyang mga pinkish na labi.

"Ang galing ahh. May tinatago ka palang talent sa pagdra-drawing. Kuhang kuha ang bawat anggulo. Tyaka parang familiar ang mukha nitong dinrawing mo Ms. Geralao, pwede ko bang malaman kung sino naging INSPIRASYON mo sa pag gawa nang ganitong guhit?"

Sheeeet. Feeling ko pulang pula na nang mukha ko. Kasi naman ehh, itanong ba pa naman nya kung sino daw yung dinorawing ko eh halata naman na sarili nya ang tinutukoy nya.

Gusto ko na sanang bumuka ang lupa ngaun na at lumubog na mismo dito sa kinauupuan ko sa sobrang kahihiyan na inaabot ko kay Sir Renz simula pa kanina.

"S-sir akin na po yan." Di ko alam kung saan ko nakuha ang lakas nang loob ko para sabihan yan. Pero buti na lang talaga nasabi ko iyon.

Kukunin ko na sana yung notebook ko kaso bigla nyang nilayo sa akin ito.

"You know what. I can give you the lowest grade I want, are you aware of that Ms. Geralao? because you're not even participating in my class in the first place." Hala?! Nagalit na ata si Sir Renz. Aba Megan, sino ba naman kaseng matinong Prof ang di magagalit kapag nakita nya ang kanyang studyante na di sinusunod ang inuutos nya tapos makikita nya pa na kung anu-ano lang pala ang pinag-gagawa nito. nga pala, Isang beses lang sa isang linggo ang PE class namin.

Nako na ba naman yan Megan! Ano bang mga pinag-gagawa mo.

Buti na lang di na masyadong napapansin at naririnig nang mga classmates ko ang pinag-uusapan namin ni Sir Renz kasi medyo mahina lang ang aming mga boses at diba nga nasa pinaka dulo ako naka-pwesto.

Simula pa lang nang araw at nang linggo ko, kung anu-ano nang katangahan at kahihiyan at kagagahan ang mga pinag gagawa ko.

"You better sign here." Turo ni Sir Renz sa babang parte nang likod nang notebook ko. Lumapit pa sya nang unti sa akin, kasi pinatong nya ulit sa lamesa yung notebook ko. Sobrang lapit nang mukha nya sa mukha ko, Amoy na amoy ko tuloy yung mabango nyang pabango. Kaya wala naman sa sariling napa-pirma na lang ako sa likod nang notebook ko.

Nagulat naman ako nang bigla nyang pilasin yung page kung saan ko dinorawing yung mukha nya at nung pinagpirmahan ko.

"I better keep this." Di ko alam kung nainis ba sya sa ginawa kong pag drawing sa mukha nya kaya nya pinilas at kinuha iyon. Sayang naman ang ganda pa naman nang pagka-drawing ko dun, papakita ko pa naman sana kela Boss.

Pero nung patalikod na sya sa akin dahil papunta na sya sa harap para sana kunin na yung mga papel na pinagawa nya sa amin, which is di naman ako nakagawa dahil nga mas pinagtuonan ko pa nang pansin ang pag-drawing sa mukha nya, nang makita ko na parang nag curved nang smile yung mga labi nya.

eh? tama ba yung nakita kong nagsmile sya? o namamalik mata lang ako?

***

"Pwede ba Megan tigil-tigilan mo na ngang yang paglalaro dyan sa Chicken nuggets mo na yan at simulan mo na lang kainin yan." Iritable nang sambit sa akin ni Divine. Kanina ko pa kasi pinaglalaruan at tinutusok-tusok itong pagkain ko.

Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko, at buti na lang sabay-sabay ang break namin kaya magkakasama kame. Nandito nga pala kame ngaun sa Galaxy(name of the cafeteria).

"Hindi nyo kase ako naiintindihan ehh!" frustrated naman na baling ko sa kanila, sabay gulo ulit sa kanina ko pang magulo na buhok.

"Ano pa ba ang hindi namin naiintindihan, eh mas maliwanag pa nga sa sikat nang araw ang pagkakaintindi namin sa katangahang kinuwento mo kanina."  

sagot naman din ni Zoey. Hindi kase ako sana'y na napapahiya ako sa harap nang mga Proffesor namin kaya ganto na lang ako kung maka-react.

"Kaya pala para kang tuod kanina sa room ahh. At parang anghel pa na di makabasag nang pinggan dahil nakayuko lang sya sa isang tabi. Kung nakita nyo lang talaga ang mukha ni Megan, matatawa na lang talaga kayo sa kanya." pag-aakusa at pagiinsulto naman sa akin ni Cassie. Isa pa itong mapang-asar.

Sa amin kasing mag ka-kaibigan si Cassie lang ang Classmate ko sa lahat nang Subjects namin dahil parehas kame nang Course, which is Marketing. 3rd year na kame, 1st sem na ngayon at one year na lang ehh Gra-graduate na rin kame.

"Ganun ba ka-gwapo yung bagong Prof ngaun sa PE para mawala sa tamang sirkulasyon nya itong si Megan? Pero kung titignan mo namang itong si Cassie parang wala lang namang epekto sa kanya nung... nung, ano na nga pangalan ulit nung bagong Prof sa PE?" tanong naman ni Hailey.

"Renz." agad na sagot ko.

"Ayun ni Renz, Gwapo ba talaga o nagpapaka-OA ka lang dyan Megan?" -Hailey

"Boss, Gwapo talaga yung prof namin sa PE. Sa totoo nga nyan na-attract naman din talaga ako kay Renz eh, kaso onti lang di tulad nitong si Megan akala mo na love at first sight na ata."Singit naman ni Cassie sa tanong ni Hailey.

Boss na ang tawag namin kay Hailey simula pa 1st year at hanggang ngaung ngang mga 3rd year na kame. Si Divine, Zoey at Boss naman ay Accountancy ang kinukuhang kurso. Hindi ko na nga maalala kung bakit nga ba naging Boss ang naging tawag na namin kay Hailey, basta na sanay na lang kaming tawagin syang Boss.

Nai-kwento ko na rin pala sa kanila ang buong detalye nang mga nangyari kanina. at kaya simula kaninang break time hanggang ngaun eh yun at yun pa rin ang pinag-uusapan namin. Hindi naman talaga ako na-love at first sight kuno kay Sir Renz ehh. Na-gwapuhan lang talaga ako at hanggang dun lang yun. psh.

"Masyado na ata akong nacu-curious dyan sa pagkatao nyang Renz na yan ah, gusto ko na rin tuloy sya makita." Sabik na sabi ni Zoey. Seriuosly? parang hindi isang Professor ang pinag-uusapan namim ahh. Maka-Renz lang tong mga to. Wala man lang Sir. Mga walang galang talaga. psh.

"HAHA. Kung kasing gwapo lang ni Renz lahat nang Prof natin, I'm sure walang studyanteng tatamaring mag-aral at pumasok kaso feeling ko may pagkamasungit si Renz ehh." dugtong naman ni Cassie.

"Natural! masungit talaga yun, gwapo ehh. wala nang nakakapagtaka duon. lahat naman nang gwapo masungit." mataray na singit ni Zoey.

"hoy! hindi lahat nang gwapo masungit no!" sabat ko naman kay Zoey.

"Oo na Megan. Hindi pala lahat na nang gwapo masungit maliban sa KANYA. Okay na ba yun?" Pang-aasar ni Zoey sabay nakakapanglokong ngiti. aish. nakalimutan ko na nga yung tao, pinaalala pa. Ayan naalala ko na naman tuloy.

"Ewan ko sa inyo. Tara na nga Cassie, mag ta-time na. May klase pa tayo." yaya ko kay Cassie, na tumayo na rin naman agad sa kinakaupuan nya. Sakto namang nang mag bell na. Hudyat yun na malapit nang magsimula ang mga klase.

"Geh. kita-kita na lang tayo sa Lobby mamayang uwian." Pahabol na sabi ni Boss. Di na ako lumingon at tinaas ko na lang ang aking kamay bilang tugon.

"Walang duda. May nararamdaman pa rin sya kay Tyler." Napahinto ako sa pangalang binanggit ni Divine. Rinig na rinig ko yun kahit medyo malayo na kami sa kinauupuan namin kanina. Pero nakabawi naman agad ako at nagsimula na muling maglakad.

Napabuntong hininga na lang ako. Oo tama si Divine, hanggang ngayon mahal ko pa rin Sya. kahit ang tagal na panahon na ang lumipas at naiinis ako sa sarili ko dahil hanggang ngaun alam ko sa sarili ko patuloy pa rin akong umaasa.

----

Your Lover(YoLo) -TeaserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon