Megan's POV
"huh?!" kame.
"what? anong masama sa Imbotido?" takang tanong ni Cassie. ang cute sana nang inosente nyang mukha ehh. napa-iling na lang kameng apat kay Cassie.
"ayos yung Chinito as a code name, what do you think guys?" un-tag ko.
"It extremely suits Chinito as a codename to him." sagot agad ni Zoey na parang may kumikinang pa sa kanyang mga mata. okay? medyo OA naman makapag-react 'tong si Zoey.
"then it's official. He is now Chinito from now on, onwards." pag de-declare ni Boss. napahawak na lang ako sa temple ko. oh gadh.
"gwapo nga nang bagong prof na yun, swerte mga studyante nya." dugtong pa ni Boss.
"ehem. tama ka Boss swerte nga kame." pagbibiro ko sa kanya sabay tawa.
"magpa-block na rin kaya ako sa section nyo?" ngi-ngiting tanong ni Boss sa akin.
"Adik ka. ayos na nga sched mo guguluhin mo pa ulet."
"Okay lang, atleast magkakaruon ako nang pag kakataon para maging prof at masilayan ang ka-gwapuhan ni Re-Chinito."
"Letche!" sabay tawa ko. igiit ba naman kase ang gusto nyang mangyare.
"Lets go umorder na nga lang tayo." pag-aanyaya ni Divine. at tumayo na nga kame para bumili na ng makakain.
na pagdesisyunan na lang naming bumili na lang nang dalawang box ng pizza at tag-iisang frappe.
nang makabalik na kame sa aming pwesto kanina, awtomatiko namang hinanap nang aking mga mata kung saan pumwesto si Renz.
Nakita ko naman sya agad di kalayuan sa pwesto namin at nakaharap sya dito sa direksyon namin kaya kitang-kita ko sya habang patuloy na kumakain at nakikipag kwentuhan.
napansin kong may kasama syang isang lalaki. magkaharap sila, bagong professor din ata kasi di ko masyadong makita ang mukha mula dito sa pwesto ko kasi nakatalikod yung kasama ni Renz.
"Bakla ata yung kasamang Prof ni Re-Chinito." si Zoey. kailangan na talaga naming masanay na tawaging Chinito si Renz.
pero mukhang tama nga si Zoey sa napansin nya. mukha ngang bakla yung kasama ni Re- tsk Chinito.
"Pero kung titignan mo mukhang matagal na nga silang magkakilala eh. The way they act to each other." dagdag pa ni Divine. habang nginu-nguya pa ang Pizzang nasa bibig nya.
"Yeah it's true. Kase imposible namang sa maikling panahon ay naging close na sila agad." pang sa-sang ayon din ni Zoey.
ang galing talagang mag analyze nitong mga kaibigan ko. bakit kaya di na lang sila nag abugada I'm sure laging mananalo ang magiging kaso nila sa galing nilang mag tagpi-tagpi nang mga pangyayari at mag analyze.
"Boss! akin yang Hawaiian ehh!" maktol ni Cassie sa Pizza na unting udyok na lang ay makakagat na ni Boss. hay nako parang bata talaga.
"Sorry naman. oh eto na." buryong na sagot ni Boss saka inabot kay Cassie yung slice na hawak nya tyaka kumuha na lang ng Cheesy Bacon.
"Yehey!" tuwang sagot ni Cassie. Habang sinimulan nya nang kainin yung Hawaiian pizza. tsk. So childish.
nabaling ang tingin ko ulet kay Renz gusto ko lang kasi sya ulet masilayan. at sakto namang pagtingin ko eh yun naman ang pag-angat nang kanyang tingin. dahilan para magkatinginan kame. Shocks! anong gagawin ko? i-iwas ko na lang ang tingin ko? mag ku-kunwaring di ko sya nakita? o ngi-ngitian na lang? shet. biglang bumilis ang tibok nang puso ko. na-mimini heart attack ako.
BINABASA MO ANG
Your Lover(YoLo) -Teaser
Teen FictionIsa sa pinakamasakit na bagay ay ang maramdaman na balewala ka na lang sa taong mahal mo.