Sabrina's POV
Nasa office kami ngayon nila Paul. Gusto kong intrigahin ang lovelife ni baby girl kaya tinawag ko ung ibang girls. Andito na lahat maliban sa isang paimportanteng bata. May recordning pa daw siya.
"May balita na kayo kina Gab?" Mary
"Nagkwento na si Gab sainyo?" Aiki
"Guys ano status ni Gab and Troy?" Ali
"Si Gab at Troy na ba?" Ako
Sabay sabay naming tanong. nagtawanan naman kami dahil pare pareho kami ng nasa isip ngayon.
"Anong nakakatawa?" Gab. Andito na pala siya. UII may dalang pagkain. Haha
"Ano yang dala mo?" Mary
"Pagkain ate." Gab -.- wala manlang kareareaction! Batang to. Nilabas niya ang isang chocolate cake, isang dozen na cupcakes na iba iba ang flavor, isang thermos ng tsaa, cups, plates and forks.
"Ang damiii!! Sinisira mo tlga diet namin. Haha" Ali
"Akala ko kasi andito lahat kaya madami dinala ko." Gab
"Pupunta din sila dito mamaya. Kaya mamaya na natin kainin yan." Sab
"Ano pala ung nirecord mo? " mary
"Song cover ng mga OPM songs." Sabi ni gab tsaka kinuha ung gitara niya. Iniwan kasi niya dito ing isang gitara niya dati.
Nagsimula siyang tumugtog. Pero di siya kumanta. Kaasar. Maganda pamandin ung kanta. Binibini. Habang tumutogtog siya ng gitara nagtanung na ako.
"Gab kamusta na kayo ni Troy?"
"Ayos naman."
"Mag kwento ka naman!!!" Ali. excited ate din to eh! Hahah
"Hmmm.. Once upon a time.." Gab.
"Bat fairytale!" Aiki
"Eh sabi niyo magkwento ako eh! Hindi ba kwento yun? Ayusin niyo kasi tanung niyo! Hahahah" Gab
" nagdate na ba kayo ni troy? After nung game nila?" Ali
"No. But.." Gab
" but?" Ali
"Magkasama kami nung saturday. Pumunta siya sa condo. I'm not feeling well nung dumating siya. Pero may narinig akong sinabi niya na lalabas sana kami nung araw na yun pero mag stay nalang kami, di ako sure eh. Mejo tulog na kasi ako nun."
" anong ginawa niyo nung sat? Maghapon kayong magkasama?" Mary. Excited din. Daming tanung.
" yup. Natulog. Pinagluto niya ako. Nanuod ng movie. Ayun. " Gab
"Marunong magluto yun?!" Sabay naming tanung ni Ali.
"Oo! Shit! Ang sarap nung niluto niyang caldireta! Kaasar ngalang kasi hinihingi ko ung recipe. Family secret daw!" Excited na sabi ni Gab.
"Makukuha mo na din un. Magiging family ka din nila Troy." sabi ni Mary na halata namang di nagets ni Gab. sakto naman ang pagdating nga mga boys.
" uii! Ang daming pagkain ah!" Geoff.
"Ay! Patay gutom? Ngayon lang nakkita ng pagkain?" Pang aasar ni Gab at nagbelat pa!
"Gawa mo lahat to?" Tanung ni Tyler.
"Yep, bagong recipe. Ipopost ko sa blog ko kaya itry niyo muna. Honest opinion ah! Ito coffee chocolate cake. Then the cupakes. Vanilla, banana, carrot tapos ung icing niya is marshmallow base, ung tsaa fruit and jasmine mixture."
YOU ARE READING
Mr. Playboy meets Ms. weirdo
Romancethis is my first story so pleases po wag po kayo mag expect ng kabogerang pasabog na story line. help me to improve my stories. comment po kayo kung anu po yung maiiprove ko..thank you sooooooo much!! ktnxbye! :)