Mahal ko hindi ko alam paano magsisimula. Dahil hindi ko alam kung ako ba ang dapat maunang magsalita o ikaw. Natatakot akong mauna dahil baka galit ka sakin o masama ang loob mo sakin. Alam ko naman may mali ako ng araw na yon. Ang iwan kang mag-isa. Sorry alam kong masama loob mo sakin. Kaya nga ako, lumalayo. Isa pa nahihiya ako sayo. Hindi dahil sa naging dahilan kung bakit tayo nagtalo nung araw na yon.
Nahihiya ako dahil umiyak ako. Umiyak ako sa harap mo, kahit na nakatalikod ka sakin. Alam kong hindi mo nakita mga luha ko. Pero alam kong naramdaman mo yung bigat ng mga salita na binitawan ko nun. Sorry ulit kasi ipinaramdam ko sayo yung lungkot at sakit na meron sa puso ko. Na dapat sinarili ko na lang.
Ayoko talagang bitawan yung mga salita na yon, pero aaminin ko nahihirapan ako. 5 months ... Ah mag 6 months na pala. Sa 6 months na nakakasama at nakakausap kita, May times na nasasaktan ako. Pero wala namang perfect relationship diba? Parang trabaho, Nahihirapan ako pero kailangan kong pagpaguran ka. Kasi alam kong makukuha ko din kung ano yung dapat na para sa akin. Na makukuha ko din yung tiwala at pagmamahal mo. Alam ko naman na sa umpisa pa lang, mahihirapan na ako sayo. Hindi dahil sa sitwasyon ng buhay mo, dahil kaya kong tanggapin yan. Kundi sa puso mong sugat na sugat ng nakaraan at takot magbigay ng tiwala. Kasi alam kong kulang ang pagmamahal kung walang pagtitiwala.
At sa ilang buwan na dumaan. Nakita kong nababago kita. Umaasa akong, ako yung tao na makakagamot sa puso mo. Ako yung taong pagbibigyan mo ng buo mong tiwala. Na ako yung babae para sayo. Pero hindi pala ako yun. Siguro nandito lang ako para maging parte ng mundo mo. Para iparamdam sayo na meron pang pwedeng magmahal sayo ng higit pa sa nakaraan mo at sa mga nagagawa at naipaparamdam ko. Oo nagpapaalam na ako. Kasi gusto kitang mahalin ng sobra sobra, pero tulad mo nasaktan na din ako noon at nakakita na rin ako ng relasyon na puro pagmamahal lang pero walang pagtitiwala. Sa huli masisira lang lahat ng nabuo nyo dahil puro pagdududa.
Ayokong dumating tayo dyan. Mas pipiliin kong mahalin ka ng malayo. Kaysa yung magkalapit nga tayo pero lagi mo naman pinagduduhan yung pagmamahal ko sayo. Hindi ko sinasabing perpekto ako, meron din akong pagkakamali na kailangan kong itama at salamat sayo. Kasi marami kang naituro sakin na nakalimutan ko ng ipaalala sa sarili ko kung ano ang tama at dapat gawin. Pero sana ito man lang paniwalaan mo.
Hindi kita niloko o niloloko. Sa tinagal tagal na nakasama kita lahat ng sinabi ko at naramdaman ko totoo yun, at wala akong ibang minahal, ikaw lang. Wala akong ibang binigyan ng ganitong atensyon, ikaw lang. Wala akong ibang lalaking pinag alayan ng oras ko, ikaw lang. Ikaw lang ang minahal ko at pinagkatiwalaan ko ulit ng ganito.
Mahal kita pero kung kinakailangan mong ayusin sarili mo, at pagalingin yang sugat sa puso mo. Maiintindihan ko. Akala ko kasi doctor ako, pero hindi pala. Kasi hindi siguro ako ang kailangan mo sa buhay mo. May iba siguro na mas mahahalin mo ng buo. Paalam na Mahal ko. Hanggang tanaw na lang ako ulit sayo. Hindi bale may isang tao naman akong laging pagkakamustahan ng kalagayan mo. Malaman ko lang na ok ka sa maghapon. Ok na yun para sakin. Masaya akong nikilala kita at wala akong pinagsisihan sa lahat.