Naalala nya kaya ako.
Bigla na lang pumasok ito sa utak ko.
Sino bang tinutukoy ko dito.
Si "C" parin ba?
Hanggang ngayon ba meron pa?
Kapag naaalala ko yung mga panahon na nandyan sya.
Yung parang katabi mo lang sya at yakap ka parin nya,
Pero ngayon iba na.
Malamig at mag isa na lang ako.
Malungkot na mga mata.
Gustong umiyak pero wala ng mailuha.
Gustong sumigaw pero wala ng maisigaw.
Gusto kong tawagin ang pangalan nya at
Sabihin na bumalik ka na sakin.
Na okay na ang lahat.
Na sana tayo parin.
Na wag mo akong bitawan.
Na kailangan kita,
Dahil mahal kita.
Hanggang ngayon pala.
Siya parin pala ang laman ng puso ko.
Nakakangiti at nakakatawa ako,
Pero kita sa mga mata ko kung ano ang totoo,
Malungkot.
Malungkot at nangungulila ako.
Hanggang ngayon masakit parin makita.
Makita na ganito ang ending ng 3 yrs.
Kung paano mo sakin pinakita noon,
Na masarap mabuhay na kasama mo
Ang taong nagpapasaya sayo.
Kung paano mo ako minahal at
Paano kita minahal ng sobra.
Kung paano ako umiyak at
Natakot na mawala ka sa buhay ko.
Kung paano ko binigyan ng halaga
Ang bawat oras na kapiling kita.
Kung paano ako naging masaya
Ng hindi iniisip ang kahapon.
Kung paano mo ako pinaiyak ng ilang beses.
Kung paano ko naramdaman na
Hindi mo na ako kailangan.
Kung paano mo ako pinagtulakan palayo.
Kung paano ko pinahiya ang sarili ko para lang sayo.
Kung paano kita pinatawad at tinanggap ang lahat.
Pero binitawan mo parin ako.
Kahit na nakahawak pa ako sa mga kamay mo,
Habang ikaw,
Pilit na binibitawan ang mga kamay ko.
Gusto parin kitang mahalin.
At sabihin sayo ng ilang beses na,
Mahal kita.
Mahal na mahal parin kita,
Kahit na ang sakit sakit na.