Nang marinig ni Jenny ang kwento ng kanyang asawa sumikip ang kanyang dibdib at parang gusto niyang umiyak.
Serge: Jenny??! Kausapin mo ko!
Jenny: ayaw na muna kitang makausap Serge
Serge: JENNY?!! Wag naman ganito ohh.. (pag mamakaawa ng asawa nito)
Jenny: wag muna ngayon serge? Pwede.. mag iisip isip muna ako. Ayaw ko mag away tayo ng ganito lalu na malayo ako. Ayokong my masabi ako sayo na pag sisisihan ko
Serge: Jenny!!
Jenny: sige serge.. tatawagan nalang kita.
Serge: sige mag hihintay ako Jenny..
Jenny: wag mong pababayaan si Stephen.
Serge: I love you Jenny..
Binaba na nga ni Jenny ang phone call nilang mag asawa..
Pia: Jenny???
Jenny: mamaya na pia papasok muna ako sa CR..
Pag pasok ni Jenny sa CR ay umiyak ito at umupo nalang sa sulok.. tinatakpan niya ang kanyang bibig para hindi marinig ng kaibigan na umiiyak ito.. maya maya ay kinatok na sila ng boss nila dahil lilipat na sila ng venue para sa seminar..
Lance; oh??? Bakit ikaw lang?? asan si Jenny??
Pia: kasi Sir..
Lance: kasi anu?? Hmm mukhang tulog na tulog pa dahil sa wine. (natatawang sambit ng binata)
Pia: anu po kasi sir..
Lance: samahan moko sa loob..
Pia: ay wag na sir.. ako nalang po muna isama mo..
Lance: Bakit ba??? (habang pinipigilan ito ni Pia pumasok)
Nang makapasok sila at nakitang wala naman si Jenny sa kama tiningnan niya agad si Pia at sinenyasan ito ni Pia kung asan.. tinuro ng dalaga na nasa loob ng CR at sinabi ng mahina "Para po KASING UMIIYAK sir"
Lance: jenny??! (habang kinakatok ang pinto ng CR)
Pia: hala sir walang sumasagot..
Lance: Jenny??! Papasok na ako pag di mo pa to binuksan!!
Pia: tatawag na po ako sa baba..
Lance: naka lock ang pinto pia. Mabuti pa ngang bumaba kana at para makuha ang spare key..
Pia: sige po sir..
Nang maka baba na si Pia ay nag antay antay ng kunting oras ang boss nila..
Lance: ang tagal ni pia!
Nang naisipan na ngang gibain ni Lance ang pinto, maya maya ay na buksan na ito ni lance kaka sipa at pag tama ng braso nito sa pinto para mabuksan.. nagulat si lance ng maabutan na naka higa si Jenny sa bath tub na umaapaw na ang tubig..agad niya itong inahon at kinarga palabas ng hotel para dalhin sa pinaka malapit na hospital.
Habang nag dri-drive si lance ay hinahawakan niya ang kamay ni Jenny at nag sasabi ng "kapit lang Jenny, malapit na tayo" mabilis itong nag patakbo at ng makarating sa hospital agad naman binigyan si Jenny ng pansin at ginamot sa loob ng ER.. paglabas ng doctor..
Doctor: sino po ang kasama ni Miss Suarez.
Lance: ako po doc.. kumusta nap o siya? (tumayo ito bigla ng nakita ang doctor habang naka upo sa my waiting area)
Doctor: she's fine.. buti nalang at naagapan mo siyang dalhin ditto..
Lance: thankyou lord. Salamat doc.. pwede ko nap o ba siyang puntahan?
Nang pumasok na si Lance sa loob ng ER nakita niya si Jenny na nakatingin sa bintana at malayo ang iniisip..
Lance: jenny??!
Biglang napalingon si Jenny.. at agad naman itong linapitan ni Lance at halatang alalang alala kay Jenny
Lance: bakit mo yun ginawa?
Hindi na nakapag salita si Jenny at bigla nalang ito napayakap ky Lance at umiyak ng umiyak.. naawa naman ang binata.. kaya wala itong nagawa kundi yakapin nalang ng pabalik si Jenny habang naka yapos ito sakanyang katawan.
BINABASA MO ANG
"Akalain mo? Kasal Na Kami Ni Crush, Book 2"COMPLETE..
RomanceEh yun na nga Happy Ever after na. Kaya lang sa sobrang haba ng buhok ni Jenny my bagung character na papasok sa buhay niya.. Nako pano na ang "SERJEN" Papayag ba si Serge na Mapa sa iba ang Asawa? Anung Gagawin ni Jenny? Sa complikadong Situation"...