Seven

21.3K 333 35
                                    

Seven

Tammy POV

Ang saya-saya ko nitong mga nakaraang araw. Pakiramdam ko ang swerte-swerte ko kasi mula nang manalo ako sa raffle  nagkasunod-sunod na ang swerte ko.  Sa wakas ito na ang magandang break na hinihintay ko na mangyari  sa career ko. Hindi na ako isang dakilang ekstra. Nabigyan na ako ng role sa soap opera na dating pinag-eekstrahan ko.  Although maliit lang ang role ko doon atleast  kasali pa rin ako.  Kita na ang buong mukha at katawan ko sa tv hindi lang ang likod ko na flawless. Ang dami ko na ring guestings at may kumuha na rin sa aking endoser ng kanilang produkto. Alam ko na ang dahilan ng lahat ng ito ay dahil sa maling balita na may relasyon kami ni Mr. Mackenzie. Gusto ko sanang itama ang mali nilang paniniwala kaya lang baka bumagsak kaagad ang career ko ,na ngayon pa nga lang nagsisimula. Pero promise ko na sasabihin ko rin ang totoo o kaya naman sasabihin ko na lang na nagbreak na kami after one month.  Sa tingin ko naman hindi na ka apekto ang balita kay Mr. Mackenzie kasi hanggang ngayon wala pa namang tumatawag sa akin  na abogado na nagsasabing idenemanda ako ni Mr. Mackenzie. Sa tingin ko hindi nya pinansin ang balita.  Hinayaan na lang nya ito. May kabaitan din pala syang itinatago.

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng National Book store dito sa Market Market hinihintay ko si Momo. Pagsumasagi sa isip ko si Momo ay napapangiti ako. Ang cute kasi ng pangalan nya parang sa  anime. Isa pa ang gwapo nya .   Para nga siyang mayaman kung magkikilos pero alam ko naman na pareho lang kaming dalawa na gustong pumasok sa showbiz. Kaya nga hinanapan ko sya ng raket. Ang gaan -gaan ng pakiramdam ko sa kanya . Parang nagkasama na kami at natulungan nya na ako.  May sense of familiarity akong nararamdaman sa kanya. Maybe sa past life lovers kami. Lovers? Bigla akong nahiya   sa naisip ko.  Parang masyado namang intimate soul mate na lang para mas wholesome. Naeexcite na akong ibalita sa kanya ang nakuha kong raket  para sa kanya.

Shocks! Paparating na sya.  Hinamig ko ang sarili ko kasi biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Ang gwapo nya. Nakaslacks sya at long sleeves, saan kaya sya galing? Kitang-kita ko na nginitian nya ako kahit medyo malayo pa sya. Ang gwapo-gwapo talaga . Naramdaman ko na nagpasirko-sirko ang aking puso.   Infairness hindi halatang naghahanap sya ng raket mukha pa nga syang CEO ng isang  korporasyon. Masasabi ko na mas may dating sya kaysa sa masungit na si Mr. Mackenzie.

Napasimangot ako nang maalala ko si Mr. Mackenzie. Ang masungit na iyon , nakakainis sya . Nasukahan ko lang ang hood nya parang diring-diri na sa akin. Kasalanan ko ba na  makaramdam ng takot sa pagsakay ng eroplano. Kung pwede nga lang na magbarko na lang sana ako pauwi ng Pilipinas ginawa ko na. Pero may utang na loob parin naman ako sa kanya eh.

Pansin ko na hindi lang ako ang napapatingin sa gwapong mukha ni Momo pati ang mga babaing nadadaanan nya. Lakas ng dating ng mokong. Bagay na bagay sa kanya ang nakuha kong raket.

My Make Believe BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon