Arianna's POV.
Nandito kami ngayon sa hospital na medyo nakakatakot pero keri lang.Kasama ko sila Alyanna,Kuya ivan at yung girlfriend niya.Syempre nandito din ang pinakamamahal kong boyfriend na si Drake.
Salamat sa diyos,nahuli din yung mga magnanakaw at nabalik na din yung mga ninakaw nilang mga magaganda kong gamit.
Nandito ako ngayon sa tabi ni Mhegan,ang bait-bait niya talaga,sinakrapisyo niya ang sarili niyang buhay para sakin.Kahit alam niya na kapag mawala na ako,walang ng aapi sa kanya.Pero bakit niya parin ginawa yun?Sa mga kademonyohan na ginawa ko sa kanya,pero niligtas niya pa rin ako.
Kaya lang naman ako nagalit sa kanya dahil kay Lennard, na ex-crush ko.Oo crush ko lang halos mga 2 years ko siyang crush,nagpapapansin ako sa kanya.Kinakausap ko siya pero di niya lang ako pinapansin.Para nga akong tanga noon eh,Haha.Nagulat nalang ako ng isang araw.Pinapansin na niya ako,di ko alam kung anong nakain niya.Pero pinapansin na niya ako.Kapag kakain kami nila Mhegan at Alyanna sa Canteen sumasama siya.Oo close na close kami ni Mhegan noon.Sabay nga kami lagi kung saan-saan.Ang saya-saya namin noon lalo't na kasama ko ang taong mahal ko, si Lennard.
Pero nag iba ang lahat simula nung magkaboyfriend si Mhegan, every weekend na lang kami lumalabas.Pero naiintindihan naman namin ni Alyanna yun.
Nagalit nalang ako simula noong....
Flashback
(Arianna's POV.)Naglalakad ako papunta ng locker ko,kinuha ko ang binili kong relo para kay Lennard ko,Hihi.Ano kaya ang magiging reaction niya pag nakita to,Hihi.Excited na ako!
Hinanap ko si Lennard sa Canteen,library,mga classrooms,sa locker etc. halos buong school na napuntahan ko pero di ko makita ang Lennard ko,nasan na kaya siya?
Tama!Sa gym!Di ko pa napupuntahan ang gym.Naglalakad ako papuntang gym,siguro nandun lang sya.
Nasa malayo pa lang ako nakita ko sila Lennard na may kausap na babae, di ako nagkakamali si Mhegan yung kausap niya..Hindi ko lang marinig yung pinag-uusap nila.Kaya lumapit ako ng konti.
"Mhegan,please bigyan mo ako ng chance" pagmamakaawa ni Lennard kay Mhegan.
Ha?Ano?Chance?Bakit?Diba sila Jaris at Mhegan na?
"Lennard,di pwede.May boyfriend na ako.At mahal na mahal ko siya.Di ko siya kayang lokohin"
Nakita kong umiiyak si Lennard sa harap niya.Nasasaktan ako pag nakikita siyang ganyan.Parang tinutusok yung puso ko.Ang buong akala ko, may nararamdaman si Lennard sa akin pero wala pala kay pisteng Mhegan pala siya may gusto.Walang hiya yung babaeng yun,pinsan ko siya pero bakit siya nang aagaw.Anong bang meron sa kanya?Na wala ako?Simula....Simula nung pagkabata lagi nalang siya yung maganda,bida,princesa lagi nalang siya.Nakakainis!
"Mhegan,please..Mahal na mahal kita...Pleaseeee" niyakap ni Lennard si Mhegan.
"Di pwede,may boyfriend na ako." Sabi ni Mhegan habang nilalayo yung pagkakayakap ni Lennard sa kanya.Mas lalong hinigpitan ni Lennard yung pagkakayakap.
Nakita ko si Jaris na papalapit,galit na galit. "Hoy!Anong ginagawa mo sa girlfriend ko ha?!" sabay suntok ni Jaris kay Lennard.Agad namang natumba si Lennard sa sahig.
BINABASA MO ANG
I'm the Bad Boy's Girl
Novela JuvenilFrom Princess to Nerd and nerd to princess.Siya si Mhegan Brianna Sebastian mayaman,matalino,mabait,talented,maganda,fashionista,cute,matulungin at higit sa lahat sikat.Si Jaris Gabriel Reyes ang kaisa-isahang nagpatibok ng puso ni Mhegan isang Hear...