Napabalikwas ako ng bangon. "Ugh! Di talaga ako makatulog."
Alas diyez na ng gabi ay di parin ako makatulog. Di naman dahil sa iniisip ko yung nangyari kanina. Siguro, dahil nakatulog ako ng medyo matagal kaninang hapon.
Tinatamad naman akong magswimming. Sa ibang araw nalang siguro.
Tumawag ako sa room service para mag order ng sandwich at isang baso ng fresh milk. Baka makatulong para makatulog ako.
Nang dumating ang pagkain ko ay kinain ko iyon agad. Nagpahinga muna ako saglit para matunaw iyon kinain ko. Bumalik na ako sa kama pero hindi talaga ako matulog.
Napagpasyahan kong pumunta muna sa isang bar malapit sa hotel. Nag shower muna ako saglit tapos nagbihis na ng isang black leather sleeveless skater dress.
Hindi naman iyon ganun kaikli kaya okay lang. Pwede rin naman iyong bar attire kase leather ang tela. Kikinang iyon pag natamaan ng neon lights.
Kung kasama ko siguro si Sophia ngayon ay baka atakihin iyon sa puso sa gagawin ko. She knows that a Myrtle Saavedra doesn't go to bars.
Masyado daw kasi akong mabait at puro aral lang ang ginagawa. Mukha lang akong mabait but i'm not.
Kaya siya lang ang kaibigan ko eh. Dahil iyong ibang school mates namin, naiintimidate sakin. Kesyo ako daw si Miss Perfect.
But i'm not perfect. Kung perpekto ako ay dapat hindi naghanap si Keino ng iba. Dapat sana ngayon ay kami pa. Sana naging perpekto na nga lang ako.
Nag powder lang ako at nag red lipstick. I'm a nerd but I don't look like a nerd. Palaayos parin ako kahit ganoon.
Pero naglilipstick man ako ay pink, orange o neutral colors lang ang gamit ko. Ngayong nag red ako, parang feeling ko, ang wild wild ko na. I look fierce.
But I feel like looking like a bitch tonight. And acting like some, a little. Another trait that a Myrtle Saavedra has, she does what she wants.
Sinulyapan ko muli ang sarili ko sa salamin. I look fine. Ngumiti ako sa sarili ko tapos kinuha na ang clutch ko tapos lumabas na ng kwarto.
Napangiti ako ng marinig ko ang lakas ng tugtog sa loob ng bar. This is what I need.
Dumiretso ako sa may counter. Tinignan ko ang menu ng drinks na meron sila. Weird names. Puro lewd pa. Lahat ba ng pumupunta sa bars, ganun ang hanap?
Maybe, no. Ako nga, kaya lang ako nag punta rito dahil gusto kong mag inom para makatulog. Di naman siguro ako nag iisa, hindi ba?
Sumuko na ako sa paghahanap ng maoorder. Baka mamaya eh, hard pala iyong makuha ko. I don't want to be crawling back to my room. I can't take the shame.
"Whatever lady's drinks you have." Sabi ko sa bartender. Agad namang tumango siya.
"Panty remover." Sabi nito. Bigla naman akong nagulat.
"P-panty what?" I can't believe i just stuttered. Dapat pala ay nag search ako tungkol rito para di ako magmukhang tanga. Shit.
"First timer?" Tanong niya. Nahihiya akong tumango. "Lady's drink po iyon maam. Di naman po masyadong nakalalasing."
"Okay." Sabi ko nalang. Gosh, I hope it doesn't taste that bad. I might spit it.
Nung binigay na nung waiter iyong cocktail ay unti unti kong tinikman. It actually taste good. Ang lamig sa lalamunan at soothing. Just like the way I want it to be.
Mahilig akong mang manipula. Not that i'm sick. Gusto ko lahat ng bagay, naayon sa gusto ko. Dapat mangyari kung ano ang gusto ko.
Kung di talaga pwede ay tska lang ako titigil. Pero that will only happen kung lahat na ng paarang tumakbo sa isip ko ay nagawa ko na. Iyong tipong plan from A-Z.
BINABASA MO ANG
Summertime
Short StoryAng mga taong hindi na magkikita, hindi na dapat nagpapaalaman pa.