Two

4 1 0
                                    


Pagtapos ko sa ginagawa ko, nag take ako ng shower para marelax. I spent 20 minutes on that.

Tumawag ako sa baba para mag order ng pizza for lunch. Nakailang slice lang ako tapos tinabi ko na ang natira sa ref.

Nagpahinga ako ng sandali tapos nagtulog na dahil napagod ako sa nuebe oras na biyahe. Madaling araw kasi ako umalis ng bahay.

I don't want Mom and Dad to know that i'm leaving so i left while they're still asleep. Di nila ako papayagang umalis for sure.

They'll think that what I am gonna do is an act of desperacy. And they wouldn't want that. They want everything perfect.

But then i don't want them to conduct a search and rescue operation, kaya kahit papaano ay nag iwan parin ako ng letter na sinasabing okay lang ako at wag na muna nila akong hanapin.

Pagkagising ko ay three thirty na ng hapon. Nag unat ako at tumingin sa bintana na malapit sa kama.

I looked at the blue green sea. The rays of the sun looks like diamonds strewn across a blue blanket.

The children looks happy playing at the sparkling white sand. Parang ako lang. Pinaglaruan niya. At tuwang tuwa pa siya.

Shit, ganito ba talaga pag broken hearted? Nagiging makata at nagiging hugot queen? Heck no. Naapreciate ko lang yung view, duh. Ang oa ko na.

Nag quick shower ulit ako. It took just ten minutes this time. Ibinlow dry ko ang buhok ko then I styled it in a messy bun. I didn't bother wearing make up, mababasa din naman ako.

I slipped on my white lace dress na below the knee tapos naka yellow two piece ako sa ilalim. Sinuot ko na ang brown kong cross body bag at dslr tapos lumabas na ng room.

Napangiti ako ng naramdaman ko ang init ng araw sa balat ko. Ang sarap ng simoy ng hangin kahit mainit pa.

Agad kong kinuha ang camera ko at nag picture. Pinicturan ko ang dagat at ang sarili ko. Hmm, instagram-able. With the hashtag moving on. Kidding, i'm not that dumb.

Naglakad lakad pa ako at nag pulot pulot ng mga colored pebbles at shells. Wala lang, for souvenirs.

Nang napagod ako ay pumunta ako dun sa stall ng nagtitinda ng shake. Naka nipa hut yun at summer na summer so it's quite cool.

"Mango shake nga." Order ko tapos nagbayad na. Pinalangyan ko yun ng takip dahil gusto ko pang mapanuod ang sunset.

Tinanggal ko ang scarf ko at inilatag sa buhanginan tapos umupo ako dun. The skies started to be pink. Perfect.

Biglang napawi ang ngiti ko. Nasira ang perfect view ng may couple na tumigil sa harapan ko. Halatang nag aaway silang dalawa dahil yung guy may weary expression tapos yung babae, mukhang galit na galit.

Another douchebag, eh?

I know it's bad to just eavesdrop to conversations of others but I don't care. Eh sa diyan sila pumwesto sa harapan ko eh. It's their fault. The moment of perfect sunset is ruined. Thanks to them not.

Sorry ng sorry yung lalaki. For a guy, that's quite impressive. Wala silang paki sa ego nila, mapatawad lang sila ng mahal nila.

Unlike Keino, siya na nga tong nagloko, siya pa ang nagalit sakin. I never heard a single sorry from him.

Matatangap ko naman na nakikipag fubu siya dun kay Kc basta wag niya na uli gagawin. Pero siya pa mismo ang nakipag hiwalay sakin.

He's an asshole, alright. But I love that asshole. And I'm giving him fourteen days to come back to me. Pag hindi parin, I have no choice but move on.

"Fuck you and your apologies!" Sinampal niya uli ang lalaki at nag martsa papunta sa direskyon ko.

Bigla akong kinabahan. Oh, damn. Mapapaaway ba ako ngayon? Nagalit kaya siya dahil nakikinig ako sa usapan nila?

Pagdating niya sakin ay walang kaabog abog niyang kinuha ang mango shake ko. Aba't! The nerve!

Nagulat ako ng binuhos niya sa mukha nung lalaki yung shake. "Break na tayo!"

Iniwan niya yung lalaki na nakapikit parin. Tila paiyak na siya. Nakakahiya naman kasi yung ginawa sakanya. Kahit na niloko ako ni Keino, di ko yun kayang gawin sakanya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sakanya. Binigay ko sakanya yung panyo ko. "Eto oh."

Iminulat niya ang mata niya. Halos matumba ako sa buhangin sa sobrang gulat. He has the most beautiful pair of eyes I have ever seen in my entire life. How dare she make them cry!

Tinignan niya ako ng walang ekspresyon. Bigla akong nakaramdam ng lamig.

"Hindi ko kailangan niyan." Sabi niya tapos tumalikod na at naglakad papalayo sakin.

What the fuck just happened? Tinutulungan ko lang naman siya, eh! Now I see! Kaya pala siya iniwan ng girlfriend niya kasi ganun ang ugali niya.

Siguro nahihiya kaya ako sinungitan. Para maibalik ang konting piraso ng ego niya na nawala kanina. Naawa pa ako sakanya pero ngayon, di na. He deserves it! How I hate assholes.

Huminga ako ng malalim para makalma ang sarili ko. Calm down, Myrtle. Stoping caring too much. Tska sayang naman ang Calvin Klein mong panyo yung ibibigay mo lang dun sa damuhong iyon.

Inilagay ko ang panyo sa sling bag ko. Napatingin ako sa langit. Madilim na. Hindi ko tuloy napanuod ang sunset.

Bukas nalang, tama. Pero kung pati bukas ay may ganoon uli na eksena ay baka magwala na ako. They better not. 

SummertimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon