a/n: Royal Blood Battle is now publish on Dreame. Doon nyo na po mababasa ang kabuuang kwento ng mga anak ng Chess.
Para sa mga interesado, please search the the title of the story or search my username, KnightmareZero.
Thank you.
**********
3rd Person's Pov
Takbo dito. Takbo doon.
Walang ibang ginawa ang isang babaeng luhaan kundi ang tumakbo palayo sa lugar na kanyang pinanggalingan.
Nababalot sya ng matinding takot at nakararamdam na din sya ng pagod ngunit pilit nya itong nilalabanan sa abot ng kanyang makakaya. Batid nya na walang maidudulot na mabuti sa kanya ang pagtigil sa gitna ng masukal na gubat na kanyang kinalalagyan. Kaya't hinahayaan nyang mangibabaw ang kanyang pagnanais na makalayo sa lugar na iyon.
Maliban pa dito, pilit din nyang iniinda ag matinding sakit na dulot ng dalawang malalalim na sugat na kanyang natamo sa kanang balikta at kanang tagiliran na patuloy na nagdurugo kahit nababalot na ito ng puting tela. Sa kanyang kanang pisngi naman ay may malaking nakaukit na eks na sariwa pa dahil sa pagtulo ng dugo nito sa kanyang pisngi.
Unti-unti na syang nabubuhayan ng pag-asang makaalis sa lugar na iyon ng matanaw nya ang isang mataas na pulang pader. Kakailanganin nalang nya itong akyatin upang tuluyan na syang maging ligtas ngunit natigilan sya at napahakbang paatras nang makita ang ilang grupo na animo'y nagbabantay sa nasabing pader.
Agad syang sumandal sa katawan ng punong pinakamalapit sa kanya at nagsimulang magmasid sa paligid at ganun nalang ang kanyang pagkadismaya ng makitang wala syang maaaring daanan para makarating sa pader na syang magliligtas sa kanya. Mas lalo pang nawala ang pinanghahawakan nyang pag-asa ng mamataan ang ilang kabilang ng grupong iyon.
'Hindi! Kailangan kong marating ang pulang pader! Kailangan kong makaalis sa impyernong ito!' Tinakpan nya ang sariling bibig upang maiwasang makagawa ng kahit na anong ingay dahil nagsimula na naman syang maiyak.
Agad syang lumihis ng daan upang maiwasan ang mga nag-aabang na grupo. Alam nyang oras na makita sya ng mga ito ay walang awa sya nitong papatayin tulad ng ginawa nito sa iba pa nyang kaibigan.
Ngunit sa kanyang kapabayaan, hindi nya nagawang mapansin ang isang trap na naging dahilan ng kanyang pagkakadapa.
Malakas syang dumaing dahil sa lakas ng pagkakatama ng kanyang tiyan sa malalaking ugat na nakausli sa lupa. Nakaramdam din sya ng matinding pagkirot sa kanyang kanang paa na mas lalong nagpaluha sa kanya. Dahan-dahan nya itong nilingon at bumungad sa kanya ang duguang paa na nakaipit sa bakal na trap na natapakan nya kanina.
Ang trap na ito ay may matatalas na ngipin na syang nakabaon ng husto sa kanyang paa kung kaya't hindi na nya kinaya pa ang ikilos man lang ito. Lalo din itong nagdurugo sa tuwing susubukan nyang gumalaw kaya't nanatili nalang sya sa kanyang pagkakadapa.
"Nandito na pala ang target."
Nanigas ang kanyang buong katawan sa takot ng marinig ang pamilyar na boses na alam nyang palapit sa kanya. At dito sya tuluyang napaiyak lalo na ng makita nya ang dalawang pares ng paa na nakatayo sa bandang uluhan nya.
Dahan-dahan nyang iniangat ang kanyang tingin at pakiramdam nya ay tinakasan na sya ng lakas ng masilayan ang mala-demonyong ngisi ng isa sa mga ito.
"Hindi mo ginalingan ang pagpapanggap." Nailing na sambit ng lalaking nakangisi. Lumapit pa ito sa tabi nya at naupo . "Sinabihan naman kita tungkol sa mga taong hindi mo dapat pinagkatiwalaan pero hindi ka nakinig sa akin, Meryl."
BINABASA MO ANG
Royal Blood Battle
AksiAng Royal University ay isa sa tatlong naglalakihang paaralan sa buong Trost City na may mataas na education system at advance curicculum kaya't maging ang mga taga-ibang bansa ay dumadayo pa sa Avenir upang makapasok lamang dito. Ngunit, lingid sa...