Dear Ex Best Friend
Uyyy! Musta? Hindi ko kasi alam kung naaalala mo pa ba mga pinagsamahan natin kaya pinapaalala ko sayo. Kahit mukhang wala ka nang pake. :D
Naalala mo ba nung last day of class nung Grade 4 tayo? Magkakasama pa kami nun nila Ate Shiela at Ate Jov papuntang bahay. Sa inyo pa nga kami banda dumaan e. Baka sakali daw makita ka namin sabi ni Ate Jov. Sa may ilog pa kami dumaan non kaya natagalan kami. Tapos nakita ka nalang namin palabas sa eskinita papunta sa bahay namin. Sabi mo pa nga kanina ka pa dun. Tinaning ka pa namin kung pano mo nalaman na papunta kami sa bahay sabi mo nakita mo ung basura ng kinakain namin kanina kaya inassume mong pupunta kami samin. Ewan ko ba sayo kung anong connect non. Ikaw yung kauna unahang lalaking nakapunta sa bahay namin noon. Tapos nung nagsiuwian na kayo hinatid ko pa kayo, kasi dadaan pa tayo kila Audrey. Sa ilog ulit tayo dumaan. Pero dahil ang tagal mong maglakad muntik ka na makagat ng aso sa pwet. Naalala mo? Sinisi mo pa kami ni Ate Shiela kasi iniiwan namin kayo ni Ate Jov. :) Kamusta na kaya kayo?Ncl
BINABASA MO ANG
Dear Ex Best friend (Epistolary)
RandomAn open letter for a guy who left his girl ex best friend.