May nagmessage lang sakin. hehehe naisip ko tuloy isulat.. Share ko lang naman. Para to sa mga di marunong magphotoshop tulad KO. Di ko kasi keri.Nosebleed ako. Di naman ako masyadong marunong pero gusto ko lang tong ipamahagi. Kasi tulad niyong mga newbies sa wattpad nagstruggle din ako nun sa paggawa,Lahat naman nagsisimula sa konting kaalaman hanggang sa dumadami na .Pero kalaunan masasanay na rin kayo hanggang sa makakagawa na kayo ng mga bonggang book cover. PUSH LANG NATIN. go go go!!!!!!!!!!!!!!!
Kapag may book dapat may cover . Kapag may cover dapat tugma sa title ng story.
Paano ba gumawa ng simpleng book cover?
Kapos sa introduction hehehe
Step 1.
Una is yung title ng story mo.Kunwari ang title ng story mo ay "Ang munting kuting" magiging background ng book cover mo ay cute na cute na pusa na medyo malungkot. Kasi dahil dun sa salitang munting. Parang nag iisa na cute yung parang ganun. So kapag may title ka na hahanapan mo lang siya nung katugmang picture.
Step 2.
Paano makakahanap ng picture? Maraming site na pwedeng pagkuhanan ng picture.Sa photobucket , flickr , tumblr, deviantART , instagram , gifboom , weheartit . Oh ayan naishare ko na hehehe .
Step 3.
So nakapili ka na ng magandang picture. ngayon naman paano natin siya lalagyan ng title? lilipad tayo papunta sa mga photo editing site o mga favorite photo editing site mo. hehehe Ako sa picmonkey ako nag eedit eh. DI na kasi ako makapagpicnic . Maganda sa befunky kaso di ko kaya mag edit di ako sanay dun. piZap pwede dun . Try niyo yung ribbet parang ok siya . Pag nakakuha na kayo save niyo lang.
Step 4.
So nasa photo editing site na kayo! Iupload niyo yung napili niyong picture .Ang gagawin niyo muna sa picture na napili niyo is ibe-basic edit muna natin. So una yung size 256X400 ang size ng wattpad book cover. Tapos yung exposure kung medyo madilim papaliwanagin natin. ilelevel up natin ng konti yung brightness .Depende sayo kung gaano kaliwanag.
Yung saturation , contrast at hue. Pwede mo ring iadjust. Sa liwanag at kulay na gusto mo. Pwede mo ring icrop kung may part dun sa picture na ayaw mong masali.O di kaya dahil medyo malaki yung picture.
Step 5.
So pagkatapos sa basic editing. Takbo tayo sa mga lettering o kung gusto mong unahin yung mga effects eh di gora na!!!Pero ako lettering ang inuuna ko.para finishing touch na lang niya yung effects. Maraming effects na pwedeng pagpilian. Pili ka lang sa mga napupusuan mo. Kung anumang site ang gamit mo. Yung mga effect may mga adjustments din sila. Pwede mong ifade ng konti o ifull ang effects sa ikasasaya ng puso mo <3 Ayieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee
Pwede ka ring magexplore sa ibat ibang dimension ng editing site na napili mo.Kunyari yung sa touch ups.usually para lang yun sa pag edit ng mukha.Maglalagay kang lipstick mga make up.Pwede ka ring maging creative.Iapply mo minsan sa iniedit mo.
Step 6.
Lettering. Yung fonts na gusto mo para sa title mo. Ako 2 types of fonts lang ginagamit ko sa isang story title di ko kasi masyado type pag tatlo o marami na kasi parang nakakalito na tignan.Pero kung kaya mong pagandahin eh di bongga. Ako na ang kuripot hehehe. SO yung example title natin is "Ang munting kuting" Yung salitang ANG pwede nating gawing arial black lang para simple pero bobongga siya kapag yung salitang MUNTING ang gagawin nating Script MT Bold tapos yung kuting arial black ulit. O di kaya yung ANG lang ang arial black tapos yung MUNTING KUTING Script MT Bold. O pwedeng Script MT Bold nalang lahat. O kung anumang fonts ang gusto niyo. Less is more
Step 7.
Spacing ng title.
Gaya niyan sa side>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>> kita niyo finish product ko yan ^___________^ yan ang example. Heheh .ako na ang proud. may kakulangan din pero it kams pram my hart!!!!!!!!! ^______________^V
Yung ang munting kuting title hindi ko dineretso BAGKUS pinagsunod sunod ko para pwede kong palakihin yung mga letter. Kasi kung isahang linya lang siya ,di masyado mababasa nung mga readers tapos isa pa.Kung marami din namang space bakit di ko sagarin di ba? hehehe pero akin lang naman yun. Depende na sa inyo kung anong style ang gagawin niyo sa spacing. Basta yung tipong maiintindihan at maiparating sa mga readers na yun ang story mo.(labo ko)
Step 8.
Color. Yung kulay ng mga letters heheh muntikan ng makalimutan. Parang positive negative lang yan eh. black and white kumbaga. kapag black ang background dapat white ang color ng title. So kapag dark dapat bright ang katapat. ( nalilito na kayo?) so kung medyo bright ang background dapat yung color nung fonts is medyo dark para mapansin. Pwede naman kayong pumili ng kulay na gusto niyo eh .^______________^ Bast ayung hindi sila magtutugma .
Step 9.
Yung username niyo sa wattpad wag niyong kalimutang ilagay sa ibabaw, sa ilalim o kung saan mang sulok niyo gustong ilagay..Kasi syempre book cover niyo yan eh.Ang puso niyo heheh este instiincts niyo ang magtuturo sa dapat na paglagyan nito. Pwedeng sa ilalim ng title. Style ko sa ibaba ng title.Kasi para naman mapansin effort ko eheheh.
Step 10.
DOn't judge the book by its cover!!!!!!!!!!!!!!!(bat kasali to, heheh sinali ko na!)
OH HUH.. wag ibase sa book cover ang pagbubukas ng isang libro.kasi Para din yang tao. Akala mo masungit sa panlabas na anyo pero subukan mo lang buksan makikita mo na hindi lang basta basta ang nilalaman nito. Minsan mas mabuti yung simple lang kasi parang andun na yung mystery ng kwento eh.Kumbaga aalamin na lang nila. Ang book covvvvver balat niya lang yan. Kumbaga damit lang. Wag lang natin kalimutan iapply yung personality natin sa bawat ginagawa natin. Kasi yung ginagawa natin. TAYO yun eh. (ANYARE SAKIn DRAMA KO, nakakrelate lang. HUHUHU dati kasi haist basta)
So tama na ang drama. Andito naman tayo para matakasan ang reality eh. Mag enjoy at bumuo ng sariling kwento ng buhay natin na hindi natin nagagawa sa totoong buhay. kaya kung anuman ang mga tumatakbong scenario sa isipan mo, eh di ikwento mo. Kahit dalawa o tatlong reads ayos na yun(naalala ko noon sobrang saya ko na nung maka 15 reads ako sa 1st story ko tapos nalaman ko sampong reads akin heheh eh di may lima akong reads). Ibig sabihin lang nun may napapadako din sa story mo.
kaya habang may buhay may problema este pag asa.
Sana kahit papano nakatulong ako sa problema niyo.O kungnakadagdag man ako ay ibawas niyo na lang yung iba hehehe.... Kaya happy hunger games and may the odds be ever in your favor.
mwahahahaha
-littlepocket
BINABASA MO ANG
Crush [gusto mo bang malaman kung may crush siya sayo?]
Humormga signs na may crush siya sayo.....