~1~

1.5K 18 0
                                    

“Break up??” yumuko siya at alam kong umiiyak na siya.

Sanay na ko sa ganyan.

Pinunas niya yung luha niya at hinawakan ako sa kamay.

“Please Terrence, wag mong gawin sakin to.” Nagmamakaawa siya.

“Janna, you knew it. Hindi ako tumatagal sa isang relasyon.”

Hinawi ko yung kamay niya at tumalikod na ko at nagsimulang maglakad.

Naririnig ko pa rin yung pagmamakaawa niya.

“Grabe ka tol! Tindi mo talaga! 1st week pa lang ng class may pinaiyak ka na naman agad.” salubong sakin nila Xander at pumapalakpak pa.

Napailing na lang ako. “Nakikinig na naman kayo?”

“Syempre. Ilang beses na ba namin nakitang nagpaiyak ka ng babae. The best ka talaga tol! Wala ka sigurong inatupag nung bakasyon kundi magpaiyak din ng babae??” inakbayan niya ko.

“Oo nga Terrence. Sino naman ang susunod mong biktima?? Eh halos lahat ng babae dito sa school napaiyak mo na eh! Hahahaha.” Tinapik ako ni James.

“Lahat na ba??” natatawa kong tanong.

“Hahahaha. Pwera na lang dun sa mga ayaw mo talaga.”

Natawa ako.

Oo nga pala, I’m Terrence Castro, ang Ultimate Cassanova dito sa school, and was crowned Campus Prince. Marami na kong napaiyak. 1 week ang pinakamatagal na commitment ko. Wala akong sineseryosong babae dahil para sakin walang relasyong tumatagal. Lahat ay panandalian lang. At kung iibig ka, masasaktan ka. Kahit pareho niyo pang mahal ang isa’t isa, balang araw may maiiwan at mang-iiwan.

HEARTBEAT: 'Campus Prince meets the Campus Princess' (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon