TERRENCE’S POV
Andito na ko ngayon sa Theater Room. Maaga akong pumasok kasi ang aga kong nagising.
Wala pang ganong tao. Ako palang yung nandito na main character, yung iba mga staff lang at konti pa lang sila.
Nakaupo ako ngayon dito sa pinakadulo na row at pinakasulok na seat, eto yung paboritong upuan ni Cassie, malayo kasi, di gaano rinig yung ingay ng mga nandito.
Bumukas naman yung pinto. Napatingin ako. Nakita kong pumasok si Jenica.
Napatingin siya sakin.
Akala ko lalagpasan ako, bigla na lang lumapit sakin.
“Terrence kumusta ka na??” nakangiti niyang tanong pero sa mga mata niya ang lungkot niya.
“I’m fine. ‘Bout you??” cold na pagkakasabi ko.
“Uhm. Okay lang din. Can I sit down next to you??”
Tiningnan ko yung upuan sa tabi ko at tiningnan ko lang siya.
“Ay oo nga pala, si Cassie nga lang pala yung pwedeng umupo sa tabi mo.” Pinilit niyang ngumiti. “Dito na lang ako.”
Umpupo siya sa harap ng upuan ko at humarap siya.
Di ko na lang siya pinansin at binasa ko na lang yung script.
“Galit ka pa rin sakin??” mahina niyang tanong.
Tiningnan ko siya. “Ba’t ka ba bumalik??”
“Para ayusin yung sa atin.”
BINABASA MO ANG
HEARTBEAT: 'Campus Prince meets the Campus Princess' (COMPLETED)
Fiksi RemajaLove being defined as 'one will leave and the other one will be left behind'. The other one who don't believe in True Love, while the other know it exists. The one who don't love and the other one who wants but can't. The one who wants to be always...