~7~

455 8 0
                                    

CASSIE’S POV

Tapos na yung praktis namin.

Nandito kami ngayon nila Arianne at Trisha sa canteen.

“Uhm may itatanong nga pala ako sa inyo.” –ako

“Ano naman yun??” –Arianne

“Kilala niyo ba si Jenica Perez??”

Para namang mabibilaukan si Arianne dun sa kinakain niya tapos si Trisha parang maibubuga yung juice na iniinom niya. Pareho kasi silang nagulat.

“Uy anong nangyari sa inyo?? Ba’t parang gulat na gulat kayo??”

“Bakit kilala mo ba si Jenica??” tanong ni Arianne na seryoso yung mukha.

“Kasama siya sa play namin tsaka kaklase natin siya. Mamayang class natin siya papasok.”

First class kasi namin Music class, eh dahil may theater play kami, excuse kami nila Terrence sa Music class, yun yung time ng practice. Kaya 2nd class pa namin kami papasok.

“Anoooooo??” duet na sigaw nung dalawa.

“Shhhh. Wag naman kayo sumigaw, nakakahiya sa mga estudyante oh.”

“Pero totoo nga??”

“Oo nga. Kilala niyo ba siya?? Bakit naman ganyan kayo makareact??”

Umiling iling silang dalawa.

“Patay!” sabay na naman silang dalawa.

HEARTBEAT: 'Campus Prince meets the Campus Princess' (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon