~11~

394 8 0
                                    

CASSIE’S POV

“Hi mimi.” Bati ko kay mommy pagpasok ko sa bahay.

“Oh kamusta yung paglakwatsa niyo? Mukhang masaya ang baby ko ah.” Nakangiting sabi ni mommy. Nakaupo siya sa may sofa.

Lumapit ako sa kanya at tumabi. Niyakap ko siya. “Mi, thank you kasi pumayag ka.”

Napangiti siya. “Kaw pa. Ang ganda ng bracelet mo ah, binili mo?” hinawakan ni mimi yung kamay ko.

“Hindi mi, bigay po sakin ni Terrence.”

“Terrence? A boy? Bakit ka niya binigyan niyan? Nanliligaw ba siya?” sunus sunod na tanong ni mimi.

Natawa ko. “Mi wag po OA. Kaibigan ko lang po yun at trip niya lang po magbigay.”

“Ganun ba? basta anak, mag-iingat ka lagi ha.”

“Syempre po Mi. Si Dada nga po pala?”

“Naku andun sa office niya, marami pa kai siyang ginagawa kaya hanggang dito sa bahay puro work. Alam mo naman, kelangan niyang matapos lahat ng mas maaga para makapagprepare sa Big Day.”

Napangiti ako. Si Daddy talaga. “Big day talaga mi? Hihi. Naeexcite na po ako sa wedding.”

***

TERRENCE’S POV

HEARTBEAT: 'Campus Prince meets the Campus Princess' (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon