Chapter 3

5.3K 103 0
                                    

Chapter 3

The meeting went fine. Mostly ay sa kanya lang naman ang focus at ilang reminders na lang para sa team ang napag-usapan nila. All along ay patuloy lang sa pagsulat ng kanyang notes si Hannah.

"Let me show you around here." sabi ni Travis ng makalapit ito sa kanyang kinauupuan. Katatapos lang ng meeting nila at nagbalik na sa kanya-kanyang mga trabaho ang team nito.

"Sure." sabi niya at ipinasok na ang kanyang notebook sa bag niya at sumunod na sa paglalakad nito.

Inilibot siya nito sa buong research facility, wala namang siyang tigil sa pagkuha ng mga larawan.

"Oslob has been famous for tourist dahil sa whale watching. Ang role namin dito is to conserve marine wildlife, educate and train local people kung paano pangalagaan ang mga lamang dagat. And awareness na rin para 'yung mga mangingisda kapag nakakita sila ng mga marine mammals hindi nila hulihin.”

"Paano ka napunta sa trabahong 'to?" tanong niya rito. Naglalakad na sila ngayon sa tabing dagat. Patuloy pa rin siya sa pagkuha ng mga litrato. Nang hindi siya nito sinagot ay nag-angat siya ng tingin mula sa camera at hinarap 'to. "I need that information para sa article ko. And besides hindi lang naman ikaw ang tatanungin ko ng ganyang information as a matter of fact, I'm planning to interview your team today, dahil alam kong medyo magiging busy na rin sila once the expedition start." paliwanag niya dito.

Nagpatuloy lang ito sa paglalakad at nangingiting nilagpasan siya.

"Hoy! Ang sunget mo talaga! Ang simple-simple lang naman ng tanong ko sayo hindi mo pa sagutin." sumunod naman siya agad dito.

"Hindi pa tayo ganun ka-close para magkwento ako ng mga personal na bagay sa'kin," sagot lang nito.

"Ah ganun? Sisiguraduhin kong malalaman ko rin ang lahat-lahat sayo bago matapos ang expedition na 'to!"

"We'll see about that." sabi lang nito at muli naglakad, nang akmang susunod na siya dito ay hindi niya namalayan na may nakausling bato sa buhangin kaya nadapa siya.

Nang makita ni Travis ang nangyari sa kanya ay agad siya nitong binalikan at tinulungang tumayo.

"Ang lampa mo naman pala." sabi nito nang mai-upo na siya sa buhanginan.

"Eh sa hindi ko napansin 'yung bato eh," nang tignan niyang ang kumikirot sa kanyang binti ay nakita niyang dumudugo na iyon.

"Shit! May sugat ka!" bulalas ni Travis,

"Pwede ba wag kang OA at wag kang magmumura, mababaw na sugat lang 'yan, mawawala rin 'yan." sinubukan niyang tumayo kahit na kumikirot lalo ang sugat niya. Napatili siya ng pangkuin siya nito, automatic na napakapit siya sa batok nito. "Ibaba mo nga ko! Kaya kong maglakad."

"Gagamutin lang natin 'yang sugat mo, at wag kang malikot baka nga talagang mabitawan kita at bumagsak ka sa lupa." nagsimula na itong maglakad pabalik sa facility.

Ramdam ni Hannah ang pamumula ng kanyang mukha dahil na rin sa sobrang pagkakadikit ng katawan nila ni Travis. Amoy na amoy niya ang gamit nito ngayong pabango. Hindi niya napigilan ang sariling pasimpleng singhutin ang amoy nito.

"Kailan ka pa nagpalit ng propesyon para maging sniffing dog?" sabi ni Travis. Hindi siya agad nakahuma, nahuli siya nitong sinisinghot niya ito. Dahil sa pagkapahiya ay hinampas niya ito sa dibdib.

"Kapal mo ha?" napansin niyang malapit na sila sa compound ng facility, nang makarating sila doon ay agaw pansin sila sa mga taong nandoon. Literal na tumigil ito sa mga kanya-kanyang mga gawain at itinuon ang pansin sa kanila.

Sails in Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon